The code of etiks

77 4 0
                                    


-----------------------
The code of etiks
-----------------------

Kung saang lupalop ng mundo man nakukuha ng mga nagsusulat ang mga inspirasyon ng naiisip nila, labas na tayo dun. Kung paano nila naisulat o kung anong salita ang gagamitin nila para maisulat ang nasa utak nila, mas lalong wala din tayong karapatang pakialaman iyon; wala yung pinagkaiba sa kung paanong posisyon niya balak tumae-ang importante mailabas niya. Dahil kung hindi, malamang na ikakalason yun ng kanyang katawan .

Nakakatakot nang isiping sa panahon ngayon, kung saan marami na ang nabigyan ng karapatang gawan ng meme si Mommy D, ay unti-unti nang naabuso at sinasamantala ang unlimited supply ng demokrasyang mang-okray ng gawa ng mga taong umaasa na baka (kahit konting katiting) sakali ay may makapansin na may galing din sila sa ibang bagay. Nakakalungkot din na ang mga taong nabibilang sa 89% ng imaginary statistic survey ay mga tao sa totoong buhay na takot nang ipakita ang tapang nila at sabihin sa mundo na may angkin silang galing dahil ang natitirang 11% ay ipinanganak na bully at bashers.

Hindi dahil isinilang ka sa isang bansang may demokrasya ay may karapatan ka nang lumaking kritiko at iputak ang lahat ng dumi sa utak mo dahil lang sa may 'karapatan' kang gawin iyon sa parehong paraan na di ka rin pwedeng basta na lang mag bingi-bingihan sa mga cocolisap na sumisira sa pangarap mo.

Di na kailangan ng totoong statistic survey para patunayan ang mga nabanggit dahil dito pa lang sa Wattpad, kung saan nabigyan ang mga online residence ng pagkakataong magsulat, ay <*ehem*> binubulabog na rin ng mga peste sa palayan. (Halimbawa ng mga species na ito ay: Rantersimus at Basheranjaa)

Bagamat mapanganib na hakbang ang puksain ang mga peste, sa tulong ni Poc, ay nais ng may-akda na maiangat ang lebel ng mga taong kahit na di nila kilala ng personal ay harap-harapang sinisira ang mga pangarap at tiwala sa kanilang sarili.

Ito ay sumasalamin sayo, sa mga nagbabasa, sa mga nagsusulat, sa mga nakikigamit ng nakaw na WiFi, sa mga tirador ng bolpen, sa mga bashers, sa mga praisers, sa mga ranters, sa mga silent readers, sa lahat.


Re-Public Act of AngstsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon