ARTICLE II

32 2 0
                                    

___________

ARTICLE II
___________

Wala na sigurong mas babadtrip pa sa mukha ni Tito Bear. Nakatukod ang baba niya sa tako na hawak nito habang hinihintay na pumalya si Poc sa pagtira ng mga nalalabing numero sa pool.

"Wag mo na kasing isipin. Ang mga good looking na katulad natin, di na dapat iniisip ang mga pangit na katulad nila." Paalala ni Poc habang binibirada ang #6 na bola.

"Pag si Poc ang nagsabi, para talagang ang sagwa." -bernard

"'Yaan mo na yun 'tol. You deserve better." -ako

"Naks! Lakas maka-Daniel Padilla ah! Anyway, T-Bear, pagsisisihan din nun na nakipag-break pa siya sayo. Saka di ka na lugi dun no!" -bernard

Tinabig ko ang siko niya at saka umiling. Lukot pa rin ang noo ni T-Bear sa pagiisip. Kung tungkol man ito sa girlfriend niyang hiniwalayan siya o sa ideya na hiniwalayan siya dahil sa ibang lalaki, di kami sigurado. Isa lang ang alam ko, di ito ang tamang panahon para kantihin ang taong pinipilit magpakatahimik.

"Totoo naman eh. . ." Pumaling si Bernard sa mesa matapos na maglatag ng panibagong platito ng homemade na chinicharong balat ng manok si Aling Thelma. Dumampot siya ng isa na pinalamig pa muna sa kamay at saka mabilis na isinubo, alanganing iluluwa o ngunguyain pa dahil kakahango lang sa kumukulong mantika. "Kung tutuusin advantage na nya yan at least nalaman niyang walang ka-taste taste sa katawan yung ex niya."

"Itigil mo nga yan, baka marinig ka. Bad mood pa yan ngayon." Babala ko.

"Bakit, totoo naman ah! Ang chaka kaya nung pinagpalit sa kanya. Parang kanto boy nga lang yung pez!" Sinabayan pa niya ng kunot ng noo at pagtaas ng kilay matapos magsalita.

"Tabi nga Bernie." Iginilid ni Poc ang platito sa isang sulok ng maliit na mesang inokupahan namin at doon inilapag ang gamit niyang notebook. Bumuklat ng ilang pahina at nagsimulang magsulat. "Dapat nirerecord ang mga ganitong happenings eh. Hey pwedeng-"

Di na natapos ni Poc ang sasabihin nang makita niyang akmang hihilata sa billiard pool si Tito Bear. Itinakip niya sa mukha ang suot na polo habang nanatiling naka-sando na lamang sa pangitaas.

"Ayan kasi. Pag-ibig, puro pag-ibig. Akala nyo kasi mauubusan kayo." Sabi ni Aling Thelma. Naupo siya sa tabi ni Poc na kasalukuyang nagsusulat, ininguso niya si T-Bear. "Na-perstaym no?"

Sabay-sabay kaming tumango.

"Alam nyo, sa panahon ngayon di na nadadaan sa mukha yan. Asows! Di na IN ang mga gwapo, mas pinipili na ng mga babae ang charismatic ngayon. Yung kayang patawanin yung babae hanggang sa malaglag ang pante!" Isinandal ni Aling Thelma sa upuan ang malapad niyang likod at idinantay ang mga naglalakihang mga binti sa bangkito na nasa ilalim ng mesa.

"Kaya nga ako, pihikan sa girlfriend eh. You know naman the masa. In demand ang appeal ko ngayon." Wala akong ideya kung paano naihihirit ni Poc ang mga punch line niya habang seryoso ang mukha. Di ko tuloy alam kung matatawa ako o kukuha ng dos por dos na ihahampas sa kanya.

Pabiro siyang binatukan ni Aling Thelma. "Sira! Walang papatol sa taong mukha pa ring homo erectus!"

"Hey. Hey. Hey. Aling Thelma, wag niyo akong minamata. Di nyo ba alam na ako ang susunod na Dan Brown ng Pilipinas? So you better remember the name Procorpio Mabini: Habulin ng chics na naka-bikini."

Nagtatawa na lang kami sa mga hirit ni Poc habang sa isang sulok ng utak ko ay may mga bagay-bagay din akong inaalala.

Pansamantala kong ibinaling sa malayo ang atensyon ko. Bagamat naririnig ko ang tawanan at asaran nila sa likuran ko kasabay nang mga ingay ng mga iba pang customer ng bilyaran, lalo namang napapalalim ang aking pag-iisip.

Re-Public Act of AngstsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon