ARTICLE VII

32 3 0
                                    


----------------------
ARTICLE VII: De Timer
----------------------


06:22 PM

(Gosh! Ano ba'to?!)

Napatigil ako sa pagsasabon.

(EEW!)

Kahit di pa ako tapos magsabon at maghilod, napabilis ako ng pagbabanlaw at nagmamadaling lumabas ng banyo.

"Sandali-" Napatigil ako.

"Ano ba yan German? Puno pa ng bula yung ulo mo!" Naka-cross arms si Mona habang parang disappointed na nakatingin sa akin.

"Ano ba kasing ginagawa mo dito?"

"Pinapunta ako dito ni Bernie. Sleep over kasama sila Poc, ilang araw din, palipasin lang yung foundation week. Ikaw, anong ginagawa mo dito?"

"Malamang naliligo."

"Sabi ni Bernie, mamaya ka pa pupunta dito. Bakit ang kalat naman ng bahay? Kaninong brief 'to?"

"Kay Poc yan. Wag mong hawakan baka ma-infect ka."

"Sira! Para tuloy may fiesta, ang daming banderitas."

"Umuulan kasi, walang masampayan-"

"Kaya yung mga sintas nyo yung ginawa mong sampayan?"

"Kinaya naman eh, bakit ba?"

"Hello! Asan ka ba?" Sagot ni Mona sa kausap niya sa cellphone.

Bumalik ako sa banyo para makapagbanlaw ng maayos. Hindi ko marinig ng mabuti ang usapan ni Mona at ng kausap niya kaya patigil-tigil ako sa pagbuhos ng tubig. Nang makalabas ako sa banyo, kulang na lang kainin ni Mona ang cellphone dahil sa inis sa kausap niya.

"...ewan ko sayo!!! Tapos libre pa?! Ano 'to, LOKOHAN?"

Hinagis ni Mona ang cellphone niya sa kama at sinundan iyon ng padabog na pag-upo.

"Ano yun, break na?" Nag-aalangan kong tanong.

"'Break na' ka dyan... Si Bernie yun no!" Ngayon lang ako pinagsupladahan ni Mona.

"Ahh... okay." Itinapat ko sa electric fan ang ulo ko at sinabayan ng barubal na pagpunas ng tuwalya para mapabilis ang pagpapatuyo ng buhok.

"Anong oras ba tayo aalis?" Mataas pa rin ang boses niya.

"Tayo aalis?" Napatigil ako sa ginagawa ko.

"Isa ka pa! Akala ko ba kaya ako pinapunta ni Bernie dito kasi mage-edit daw ng kung ano man yun!"

"Oo nga, kaso kukunin ko pa yung PC dun sa bahay."

"Kaya nga! What time tayo aalis?"

"Ha? Akala ko ba si Bernie yung kasama kong maghahakot?"

"Ayan tayo eh," Napakamot siya ng ulo. "...puro akala. Eh, ano ba? Anong oras mo balak tapusin yan?"

Napanganga ako sa mood na ipinapakita ni Mona. Di ko tuloy alam kung isasama ko pa ba siya dahil mabigat yung hahakutin namin o huwag na lang talaga dahil sa init ng ulo niya.


07: 15 PM

"Ang layo pala ng bahay nyo sa sakayan."

"Uhm, pa'no? Ganito na lang, pati monitor ako na rin magbitbit; yung ibang maliliit, sayo na." Maingat kong binuksan yung gate. "Shh..."

"Anong 'shh'?"

Hinawakan ko siya sa kamay at mabilis na hinatak papunta sa likod ng bahay.

"Huy, ano ba?!" Ipinagpag niya yung kamay. "Bakit para naman tayong magnanakaw? Oy, siguraduhin mo lang na bahay nyo 'to ha!"

Re-Public Act of AngstsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon