ARTICLE VIII

13 2 0
                                    


----------------------
ARTICLE VIII: Movie marathon II
----------------------

Sa tagal namin sa kakapili kung anong magandang modem at plan sa wi-fi, sa huli, wala na kaming nabili.

Liban na lang sa sale ng DVD sa bangketa.

"Dalhin ko bukas yung broadband stick ko. Pa-loadan nyo na lang." -ako

"Oy, Poc! Alisin mo nga yung brief mo sa sampayan. Humaharang sa liwanag eh." -bernard

"Mamaya na. Alin ba dito yung para sa red saka white na jack?" -poc

"Eh di yung port na kakulay din nyan. Ambobo ha!" -tito bear.

"Ang daming white saka red dito e." -poc

"Naman talaga! Ako na nga!" -bernard

Nang maisaksak ni Bernard yung jack ng DVD may kakaibang tunog na lumabas sa TV.

"Parang may kabayo." -ako

"Sandali lang naman diba, hiyang-hiya naman ako senyo no! Yung natira sa pera natin iaambag nyo sa bill ng kuryente ko ha!" -bernard

"Grabe naman. . ." -poc

"Unahin natin yung Constantine." -tito bear

"Napanoud ko na yun." -poc

"Paki ko?!" -tito bear

"Uy, bibili ako ng kendi sa labas. Anong gusto nyo?" -bernard

"Mentos, yung assorted na tig-tres. Dalawa" -ako

"Hany. Solb na ko dun. Bahala ka na kung magkano. Basta marami." -tito bear

"Akin Dingdong." -poc

"Di kita kausap." Inirapan lang ni Bernard si Poc bago tuluyang lumabas ng apartment.

"Bakit ba parang feeling ko pinagti-tripan nyo na naman ang hansamnes ko?" -poc

"Bakit feel na feel mo maging gwapo? Di ko ma-gets." -ako

"Ganyanan pala ha. . ." -poc

"O, ano? Iiyak ka na?" -tito bear

"Para kang may ketong sa utak. Tanggalin mo nga yang nakabalot sa kamay mo. Kahit ipa-laminate mo pa yang kamay mo, mawawala din amoy ni Kulot dyan." -ako

"E bakit ba? Wala nang ibang hahawakan ang mga kamay ko kundi siya lang." -poc

"Wala pala ha. . ." Tumayo bigla si Tito Bear at niyakap si Poc. "German!"

"Bully neto! Tigilan mo na. Baka umiyak pa yan." -ako

Biglang bumukas yung pinto. Si Bernard. "Nirereyp nyo si Poc? Yuck!"

"Bernie, tanggalin mo nga yung plastic." -tito bear

"Ayoko nga. Pag kinagat ako nyan. . . Isalang nyo na yung CD." Sumalampak si Bernard sa sahig at nag-umpisang lantakan yung inihaw na isaw.

"Akala ko ba kendi?" -ako

"Paki mo? Libre lang aayaw ka pa?" -bernard


Sa kalagitnaan ng pelikula. . .

Habang nilulunod ni Keanu Reeves si Rachel Weiss sa bathtub. . .


"Wha-ha! Uuuy! Di humihinga si Poc!" -bernard

"Di ah! Umiinga aya a-o!" -poc

Tawanan na naman kami.

"Ba't ganun no? Pag nilulunod yung character sa palabas, di rin humihinga yung mga nanunuod." -ako

"Syempre, para feel mo yung moment. Kunyari ikaw si Resyel. Lufet di ba!" -poc

"Gusto mong ma-resyel ha! Lunud-lunurin din kita!" -bernard

"Bakit, may bathtub ka ba?!" -poc

"Eh, pano kung Finding Nemo pinapanuod mo, e di dalawang oras ka ding hindi hihinga kasi puro underwater scenes?!" -ako

"Ingay nyo! Di ko tuloy maintindihan yung sinasabi!" -tito bear

"Sira ka kasi e! Ipagpilitan daw ba na bilhin yan, nakita mo nang Chinese yung subtitle." -ako

"Lupet din ng character ni Keanu no? Akalain mong mag-ipon daw ba ng cancer cells sa baga." -tito bear

"Gusto na nya kasing mamatay. Ikaw Poc, gusto mo na rin?" -bernard

"Hayup neto. . ." Pabiro niyang tinampal si Bernard.


Time out muna. . .

Natapos na yung pelikula saka lang kami nakapag-BANYO Break.


Lumabas ako sa may teresa kung saan kasalukuyang nag-iinat si Tito Bear. "Manunuod pa ba tayo?"

"Anong klaseng tanong yan? Para saan pa't tinawag na movie marathon kung isa lang papanoorin natin?" -tito bear

"Inaantok na kasi ako. Kamusta naman kasi yung pagpupuyat namin ni Mona kagabi." -ako

"Magkasama kayo ni Mona kagabi?" -tito bear

"Oo, dito kaya kami, kasama si Poc. Inabot pa nga ng brownout habang tinatapos yung presentation na pinagawa ni Bernie." -ako

"Hmm. . . Okay." -tito bear

Naupo si Bernard sa baitang ng hagdan ng apartment. "May balak pa ba kayong manuod?"

"Parang nakaka-antok na kasi. Wag na, next time na lang yung iba." -ako

"Naisip ko lang, pwede din pala tayong mag-entry ng kwento sa Wattpad na hindi love story di ba?" -poc

"O?" -kami

"Try natin yung parang kanina. yung parang angels versus demons. Ganun." -poc

"Di pwede sayo yun. Puro kademonyohan lang isusulat mo." -bernard

"Sama neto ni Bernard. . . Wag ka na kasing magsalita sa 'min. Isulat mo na lang. Yung tipong naka-post na sa Wattpad at saka mo ipapabasa para walang siraan ng trip." -ako

"Try mo kaya gangster." -bernard

"Paano naman yan magsusulat ng gangster? Yung mukha, oo, gangster. Pero lagapak sa experience yan." -tito bear

"Kelangan ba laging naeexperience?" -poc

"Eh anong ilalagay mo? Eh kahit ipis nga di mo mapatay, pano ka susulat ng ganun?" -bernard

"May gang sa 'tin, yung kaklase natin nung high school. Ano?" -tito bear

"Weh? Uy seryoso kayo dyan?" -ako

"Bakit, try lang natin, sama lang tayo, di naman tayo sasali talaga e. Observe lang." -tito bear

"Uy, tangna! Wag mo kaming idamay sa mga ganyan mo T-Bear." -bernard

"KJ naman ng mga 'to. Friendly yung mga yun." -tito bear

"Alangya! Nung huling sumabit ako sa lakad mo, taena! Taena lang talaga! Nag-volunteer daw ba sa mental ward! Gagu neto. Tapos kung sino pa yung nurse siya pa yung wala." -bernard

"Lalim ng pinaghuhugutan natin Bernie ah. . . Di nga T-Bear? Pinagbo-volunteer din pala kayong mga nursing sa mental ward." -ako

"Baka kelangan din nila ng IT sa mental ward. Ha-ha!" -poc

"Bakit ba, ano bang nasa isip nyo? Mababait naman yung mga gang na tinutukoy ko." -tito bear

Bakit kaya nauwi sa ganito ang usapan? Kay naku . . . Hindi na naman ako makaka-hindi sa mga 'to.

Re-Public Act of AngstsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon