Code of Canned Ducks

46 2 0
                                    


------------------------
Code of Canned Ducks
------------------------


"Nicolas Germanio, zero."

Nanatili lang akong nakayuko, wala akong balak na makipagtitigan sa mga kaklase kong kung makapang-mata para akong nakatapak ng tae sa kalsada.

"What happen to you Mr. Nicolas? Ngayon ka na nga lang nagkaroon ng quiz sa akin na hindi perfect, zero pa!"

Criminal act na ba ngayon ang makakuha ng zero sa quiz. Pusanggala! QUIZ! Makaka-singko na ba agad ako nang dahil lang sa simpleng zero ng 1-5 na essay quiz. Kulang na lang maglabas sila ng laser beam sa mata tapos tunawin nila ako at isaboy sa kawalan ang mga abo ko.

Matapos nila akong matahin, balik na ulit sa dati-dedma. Pagkatapos ng klase, naiwan pa rin ako sa loob ng classroom para sa susunod na klase.

"Hayup! Ansakit!" Sigaw ng isang lalaki na binabatukan ng kasama niya habang papasok sila ng classroom at ang isa pa nilang kasama ay nasa pinto at pinagtatawanan lang sila.

Hindi ko maintindihan kung bakit sa dinami-dami ng mga taong magsasama silang tatlo pa.

Hinihimas ni Poc yung ulo niyang shinampoohan ng kutos ni Tito Bear. "Kupal ka kasi!" Sigaw ni Tito Bear.

"Kasalanan ko bang matalo ka?! Hayup neto! Tignan mo, nalagas yung buhok ko!!!" Bawi ni Poc. Sa kapal ng hanggang balikat na buhok ni Poc, balewala kung malagasan man siya ng kahit ilang hibla. Kung ako ang masusunod ipapakalbo ko yang si Poc; nagmumukha kasi siyang tomboy na dinikitan ng linta sa nguso, dahil kung anong kapal ng buhok niya, ganun din ang bigote nya.

Naupo si Bernard sa upuan sa bahaging kanan ko. Inalok niya ako nang kinakain niyang pop corn.

"Anong nangyari dyan sa dalawa?" -ako

"Talo sa DOTA. Naubos yung pang-lunch kaya ayan, LQ." -Bernard

"Oy! Itigil nyo na yan." -ako

"Hoy, Tito Bear, pasalamat ka at di nagkakalayo ang kagwapuhan mo sa akin. Kung hindi, baka inupakan na kita." -poc

"Grabe, ang kapal." Sabay naming bulong ni Bernard.

"Chupul ka! Sagot mo tanghalian ko!" -tito bear

"Asa ka! Sino ba sa ating dalawa ang nagyaya sa DOTA? Di ba ikaw? Tapos papatalo ka?! Ang bobo mo! BOBO!" -poc

"YOU-"

"Uy, Tito Bear, wag mong patulan yan, baka makasuhan ka ng animal abuse!" -bernard

"Ayos, apir!" -ako

"Oy kayo, German at Bernie, mga nilalang na nilkhang mas pangit kesa sa akin, MANAHIMIK KAYO!" -poc

"Libre na kita Tito Bear, matigil lang kayo." -bernard

"Hindi pwede. Ano ka, sugar daddy ng chupul na 'to? No way!!!" -poc

Sinabunutan siya si Tito Bear. "Pam-pam! Manahimik ka na nga lang! Naubos lang yung allowance ko para sa pamusta mo!"

"A-Aray! Leche!" Sigaw ni Poc habang sinasabunutan siya ni Tito Bear.


Makalipas ang ilang sandali...


"Ang cute nung babe, 5 o'clock." -poc

"Mas cute 'tong isa, 3 o'clock." -tito bear

Magkatabi silang dalawa na parang walang nangyari. Tinitignan nila yung mga nursing student
na nasa kabilang table sa reflection ng kutsarang gamit nila sa pagkain.

"Mga sira-ulo talaga." Bulong ko.

"Ang labo ng logic sa pagitan ng dalawang yan; si Tito Bear yung tipo ng lalaki na aasahan mong makita sa magazine, tapos naka-underwear lang. Papang-papa-" Napatingin bigla sa akin si Bernard.

Tinignan ko rin lang siya.

"Dude, di ako bakla ha..." -bernard

"May sinabi ba ko?" -ako

"Maiba tayo, birthday na ni Poc sa Thursday, 'nu balak nyo?" -bernard

"Nagbi-birthday ba yan?" Binato ko ng tissue si Poc.

"YUCK!" Biglang sigaw ni Bernard. Nagtinginan sa amin yung mga customer ng karinderya.

Pinahid ni Poc yung labi nya.

"Kadiri ka dude! Tulo-laway." -bernard

"Anong 'tulo-laway' sinasabi mo dyan?!" -poc

Sinilip ni Tito Bear yung pants ni Poc. "Kababuyan mo Poc! Ayan oh, buhay pa yung splat ng laway mo!"

"Wag nyong minamata ang saliva ko, sahog yan ng holy water!" -poc

"Lul ka! Menacing water yang laway mo." -ako

"Pang impyerno dude!" -bernard

"Langya tigilan na natin 'to, sayang yung pagkain, baka mawalan na ako ng gana." -tito bear

"Libre mo kami ng toma sa Huwebes, birthday mo yun di ba?" -bernard

"Tomahin mo muna laway ko! Di ako magpapatoma, maghahanda si nanay sa bahay. You guys go home to mine at birthday of me okay?!" -poc

"Wag ka ngang mag-english, ang sagwa." -bernard

"Poc! Poc!" Nakatingin si Tito Bear sa kabilang panig ng kalsada habang kinakalabit si Poc.

"Ilang ulit ko bang sasabihin na wag mong uuliting banggitin ang panga-UMAYGHAD!!!" -poc

Nagpulasan kami mula sa kinauupuan namin sa karinderya, di magkandaugaga sa pagmamadali para maunahan yung prof naming parang sprinter kung makalakad kahit na mala-Lady Gaga ang suot na takong.

Isipin mo na lang na biglang mapifreeze ang frame ng sequence na 'to with matching soundtrack na Cocaine ni Elton John o kaya Hot Stepper, tipong katulad sa opening remarks ng NCIS LA o kaya CSI pero mas mabangis pa dun, saka corny.

Sa kanan ko, si Poc na muntik-muntikan nang mangudngod sa gutter kung di pa na-freeze ang ang frame, 6 years na yan sa college at wala kaming idea kung kelan siya ga-graduate. Yung parang model sa puti na nagkakalaglagan na ang laman ng bag dahil di naisara nang maayos, yan si Tito Bear. Sa kaliwa ko naman si Bernard, Bernie madalas pero mukhang Beh ang kababagsakan, nakuhang pang magpahid ng pawis habang tumatakbo.

Silang tatlo, sa maniwala ka't sa hindi, dalawang linggo ko pa lang na nakakasama ang mga 'to pero parang talo pa namin ang matagal nang magkakakilala.

Mas mahaba pa sana ang introduction pero mas marami pang kalokohang magaganap.

Bago nga pala matapos ang intro, imagine mong may 3D animation na paikot-ikot ang transition na ipapakita ang malupet na title ng libro na 'to...


Re-PublicActofANGST


Re-Public Act of AngstsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon