The Land of Dreams isn't actually what humans dream it would be.
Walang magical locations o fairies o alien spaceships na lumilipad sa himpapawid. Dave laughed to himself, knowing that a lot will be disappointed if they found out that the "Land of Dreams" is actually just a vast desert located in the middle of nowhere.
"Minsan talaga masakit ang expectation versus reality."
Matapos niyang mag-materialize sa harapan ng palasyo, maingat niyang tinahak ang landas papunta sa front door nito. Tirik na tirik ang araw, pero hindi siya nakakaramdam ng init. Noong tinanong niya dati si Sandman kung bakit ganoon, that jolly old fellow just answered with:
"For aesthetics, my boy! Para lang mas 'feel' natin na nasa disyerto tayo."
"Umm.. Pero hindi ba nasa disyerto naman talaga tayo?"
"No, we're in the Land of Dreams! Hay. Balang-araw, mauunawaan mo rin ang sinasabi ko, Dave."
Napapailing na lang si Dave sa alaala. Sa mga pagkakataong kagaya nito, aminado naman siyang nami-miss rin niya ang kanyang mentor. 'Pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin maunawaan ang logic niya,' he thought in defeat.
Along the way, Dave was careful not to step on any stones, or else it would probably cost him another overtime.
'Ayoko na talagang maalala 'yong huling beses na nakatapak ako ng bato.'
Let's just save that story for another time.
Nang makapasok na siya sa loob, hindi na siya nag-abala pang pagpagin ang kanyang damit. Outside, the sand shifted behind him, as if feeling the absence of its master. Hindi na lang ito pinansin ng binata at nagdire-diretso sa kanyang mini-library.
"Welcome home, Master Dave!"
Again, Dave was just too damn preoccupied. Ni hindi na niya nilingon ang nagsasalitang cactus sa bintana.
"Hala, i-snob ka na pala ngayon, Master Dave. Nyahaha!"
Napabuntong-hininga si Dave at nilingon ang cactus. Ilang dangkal lang ang laki nito, pero minsan mas malaki pa ang boses nito kaysa sa kanya.
"Coco, 'wag ka munang sumabay ngayon... At bakit ba parang lumiit ka?"
"Paano, eh 'di mo 'ko inayos ng pwesto! Paano ako makakakuha ng Vitamin D?"
"Alam mo namang artificial sunlight lang naman ang mayroon dito sa Land of Dreams, 'di ba?"
The talking cactus folded its arms. Alam ni Dave na ito na ang version nito ng "nakahalukipkip" kaya hindi na siya nagkumento pa. Minsan naman nakakaaliw si Coco, pero minsan gusto na rin niyang ihagis sa labas ng bintana ang cactus na 'to.
But then again, Dave could never really do it.
Not when he inherited the ownership of Coco and this entire palace from his late mentor.
'Baka bumangon pa sa libingan niya si Sandman para lang pagalitan ako,' Dave thought sadly.
Nang maalala niya ang dahilan ng pagkakalkal niya ng mga libro, agad na ibinalik ni Dave ang kanyang atensyon sa bookshelf. He started skimming through the spines and flipping through pages. Makalipas ang ilang minuto, Dave closed a dusty old leather bound and threw it next to the pile.
Bumaling siya sa cactus.
"Coco, paano kung hindi naman pala 'lahat' ng mga tao sakop ng kapangyarihan ko?"
The cactus cocked its head to one side. "Huh? Imposible 'yon, Master Dave. Isa kang Dreamcaster."
"Alam ko, pero..." Dave sighed and sat down on a nearby couch. Hanggang ngayon, iniisip niya pa rin ang naging pagkikita nila ni Cornelia kanina. Hanggang ngayon, wala pa rin siyang makuhang sagot. "...something odd happened."
"Something odd happens all the time when humans are concerned!"
"Someone...err---saw me."
"Ah, mukhang okay naman pala, Master Dave. Wala tayong dapat ipag---ANONG SABI MO?!"
Napangiwi si Dave sa lakas ng boses nito. Still, he explained, "Kanina, noong aayusin ko sana 'yong Dreamscape ng huling mortal na nasa list ko, I noticed she was having some trouble. Sinubukan kong i-manipulate, pero hindi ko alam kung bakit parang may pumipigil sa'kin... It's like some kind of resistance. But before I could even think about it, she saw me."
Ngayong naaalala ito ni Dave, dapat pala noong una pa lang naglaho na siya. Baka-sakaling maisip lang ni Cornelia na nananaginip lang siya. But then again, their brief encounter made him realize a lot of things too late, just like that one tiny detail with her Dreamscape.
"Master Dave... H-Hindi ka dapat nakikita ng mga mortal. Isa kang Dreamcaster!"
'Paulit-ulit?'
"Alam ko," Dave admitted before leaning against the luxurious material of the couch. "But what could it possibly mean? Anong kakaiba sa babaeng 'yon?"
"Hindi ko rin alam, Master Dave. Pero sa tingin ko mas mabuti kung layuan mo na lang siya. Humans are a lot lot lot LOT of trouble!"
"I was once human, too."
"49 years ago, yes. Pero isa ka---"
"Isa na akong Dreamcaster, alam ko."
Dave recalled the conversation he had with Cornelia. Kung anuman ang nangyayari ngayon, hindi pwedeng ipagpasawalang-bahala niya lang ito. His guts were telling him that this could actually mean something.
'Kapag nalaman ni Sandman ang gulong pinapasok ko, malamang ako na ang ipalit niya sa libingan niya.'
---
BINABASA MO ANG
✔ Dreamcaster
Fantasy"I am a Dreamcaster." "But you don't have any dreams?" "Does it matter?" He challenged. She glared back. "It does." After his mentor's retirement, tuluyan nang pinandigan ni Dave ang kanyang mga responsibilidad bilang isang Dreamcaster. As someone w...