The Oasis didn't look like a place with any medical supplies.
"Nandito na tayo."
Muntik pang nabunggo sa likod ni Dave si Cornelia nang huminto ito sa paglalakad. Thankfully, she was able to balance herself before she fell on the sand face first. Nang sumulyap siya sa tanawing nasa harapan nila, parang gusto na niyang tanungin kung malinaw pa ba ang mga mata nito.
O baka naman nagha-hallucinate na pala ang kasama niya? Katakot.
"Umm... Dave, sigurado ka ba?"
"You don't look too happy," Dave blinked in confusion. "Bakit?"
'Wow, siya pa ang confused?'
Napairap na lang ang dalaga at tinuro ang tanawin. "Hindi ko alam kung anong trip mo sa buhay, but that doesn't look like an oasis! Ni wala ngang tubig!" Sinundan ni Dave ang lugar na tinuturo ni Cornelia, and indeed, it looked nothing like an oasis in the Waking World.
Dahil bukod sa mga palm trees na nakapalibot sa isang malaking bilog, wala nang laman ang ipinagmamalaki niyang "Oasis" bukod sa kulay abong buhangin.
But strangely, Dave doesn't look like he was disappointed.
Ngumiti lang ang Dreamcaster sa kanya, halatang naaaliw sa reaksyon niya.
"Ah. Hindi mo pala nakikita... Well, looks can be deceiving, Elia."
"Anong pinagsasasabi mo? That's just more sand!"
Imbes na sagutin nang matino ang tanong niya, Dave raised his hand, manipulating the gray sand underneath Cornelia's feet. Nanlaki ang mga mata niya nang mapansing napapalibutan na siya ng buhangin. She yelped and closed her eyes when the gray sand slammed against her school uniform.
"There."
Pagmulat niya ng mga mata, napasinghap na lang sa gulat si Cornelia nang mapansing nagbago na ang damit niya.
Instead of the standard clothes she wore in Eastwood Central University, nakasuot na siya ngayon ng abaya---a cultural wear for the Arabian. The dark gray-colored pieces resembled robes covering her entire body. Hinawakan ni Cornelia ang telang nakataklob sa ulo niya, its material felt strangely light but exquisite. Maya-maya pa, napansin niyang nakasuot na rin siya ng leather sandals, her bare feet no longer ached from their journey.
"May magic ka palang ganito, bakit ngayon mo lang ginamit?" She frowned at him.
Dave chuckled, clearly enjoying her frustration.
"Wag ka nang magalit, bagay mo naman 'yong sandals."
Sa huli, wala nang nagawa si Cornelia kundi sundan ang Dreamcaster nang maglakad ito patungo sa tinatawag niyang "Oasis". But when Dave passed by a palm tree, his image suddenly distorted like a mirage until he was nowhere to be found.
'Anong nangyari?' Napahinto sa paglalakad si Cornelia, hindi makapaniwala sa kanyang nakita.
For a heart beat, she hesitated. Just when she was about to call out his name or run away or both, two arms emerged form the emptiness in front of her. Hindi na siya nakapalag nang hilahin siya ng mga ito papasok sa kung saan.
"WHAT IN THE---!"
Cornelia found herself against his chest, his familiar scent leaving her speechless.
"Does it look like 'more sand' now?"
Nang mag-angat ng tingin ang dalaga, noon lang niya napagtantong nag-iba na rin ang kanilang setting. Now, she understands why Dave said looks can be deceiving. Sa likod ng kawalang tinitingnan niya kanina, nakakubli ang totoong Oasis.
'Isang invisibility barrier ang tinagusan namin kanina,' she realized.
Beyond the palm trees, a vast marketplace filled with old tents and brick stalls filled its center. Samu't saring bilihin ang nakalahad sa kanyang harapan kung saan nagtitingin ang samu't saring mga nilalang na nakataklob rin ang mga katawan. It seemed like a sea of black and gray cloths. Wala sa sariling nilapitan ni Cornelia ang pinakamalapit na tinderong may nakalatag na banig para sa kanyang paninda.
She eyed the stones, glistening under the intense heat of the sun.
Bago pa man niya maramdaman ang sensasyong nakapagpahamak sa kanya, she felt Dave pull her back.
"Don't," he warned. "Unless you want another nightmare come true."
That made her pause. 'Ibig sabihin, mga nightmare ang ipinagbibili ng mga tao rito?' Mabuti na lang pala at binalaan siya nito. Pero dahil dito, ngayon niya lang na-realize na may contradiction sa mga sinasabi ni Dave.
Agad niyang hinigit ang kanyang braso at humakbang papalayo sa kanya.
"Ang sabi mo ngayon ka lang nakapunta sa Land of Nightmares. Pero bakit alam mo ang Oasis? At bakit parang ang dami mong alam dito?" Heck, he even knows about these stones!
Dave didn't break eye contact.
"Elia, I can understand your distrust. Kahit ako, hindi ko pagkakatiwalaan ang sarili ko, pero wala akong mapapala kung magsisinungaling ako sa'yo."
"Pero ang Oasis---!"
"Just like what I said during our journey earlier, the Land of Nightmares is a mirror image of the Land of Dreams. Hindi ako pamilyar sa landscape dito, pero pamilyar ako sa Land of Dreams. In that dimension, there's an Oasis, similar to this one. Pero dahil 'reverse' ang mga bagay dito, madali nang hulaang imbes na 'dream trade' tulad ng Oasis sa Land of Dreams, the Land of Nightmares has its darker version---trading nightmares, instead of dreams," Dave explained and glanced at a nearby stall. "Take a look."
Sinulyapan ni Cornelia ang tinitingnan niya, at tulad ng sinabi ni Dave, ipinagbibili nga ang mga batong may lamang mga bangungot. Tumatawad pa niya 'yong isang mamimili.
In the end, Cornelia felt ashamed of herself for accusing him. At kung gusto talaga siyang pabayaan ni Dave, hindi na sana siya nito niligtas kanina, 'di ba?
"I'm...." sorry.
But the last word didn't leave her mouth. Naramdaman niya ulit ang pagkirot ng sugat sa kanyang braso, now the blood stained the abaya she was wearing, drenching through the material. Dito na nakaramdam ng panghihilo ang dalaga, from exhaustion and from the injury.
Before she couldn't even manage a proper apology, Cornelia blacked out.
---
BINABASA MO ANG
✔ Dreamcaster
Fantasy"I am a Dreamcaster." "But you don't have any dreams?" "Does it matter?" He challenged. She glared back. "It does." After his mentor's retirement, tuluyan nang pinandigan ni Dave ang kanyang mga responsibilidad bilang isang Dreamcaster. As someone w...