Dave wasn't expecting this.
Well, ayaw naman talaga niyang mag-expect sa maraming bagay, pero ibang usapan na 'yong sinabi ni Coco. It took a moment for him to take step back, just in case the cactus sprouted giant spikes and attempted to impale him on the spot.
'Di kaya nagkamali si Coco?
Posible bang evil version niya itong kaharap niya ngayon?
"Coco, that's not very nice.." Dave started, glancing at the direction of the door. Mabuti na lang at wala pa rito si Cornelia. "As annoying as that human girl is, hindi ko naman siya pwedeng iwan dito sa Land of Nightmares. Kinulang ka ba sa dilig ngayong araw?"
"Hindi mo naiintindihan, Master Dave."
"Then what are you expecting me to do? Leave her here to die?!"
"Pero hindi ba siya naman ang dahilan kung bakit ka napadpad dito? Leaving her is the best thing to do, Master Dave. Makakasagabal lang siya sa trabaho mo. Alam nating pareho 'yan."
Sa pagkakataong ito, hindi na kilala ni Dave kung sinong kausap niya.
He recalled how fragile Cornelia looked after he help with her injury. Naalala niya ang hitsura ng mortal habang mahimbing na natutulog. How she lightly snored and rolled on her side (Dave had to keep watch so that she won't accidentally bump her wound). Noong mga sandaling 'yon, habang binabantayan niya si Cornelia, nakalimutan ni Dave ang pananakit ng mga braso niya sa pagkarga rito noong tumakas sila sa clinic ni evil Megara.
She's just a human.
Kung paanong naaatim ng bersyong ito ni Coco ang ideyang iwanan siya rito mag-isa, Dave doesn't give a shit anymore.
They need to get out of here.
"Aalis na kami."
He heard the plant sigh in frustration. Dave didn't know if that's a good sign or not.
"Master Dave, kung iniisip mong naging masamang cactus ako rito sa Land of Nightmares, nagkakamali ka," mukhang naiinis na rin si Coco. "Pagkatapos mang-trespass ni Morpheus sa palasyo---!"
"WAIT WHAT?! Ano namang ginagawa ni Morpheus sa palasyo? At bakit ngayon mo lang 'to sinabi?!"
Dave didn't personally know the demi-god, pero sapat na ang mga kwentong naririnig niya noon kay Sandman para malamang hindi magadang balita 'to. In fact, having a demi-god meddling with your business never brings any good news!
"Eh, dahil mas importanteng makabalik ka!"
Bumalik ang atensyon ni Dave sa cactus na nagta-tantrums na yata. Should he even trust Coco? Paano kung nagsisinungaling lang ito ngayon?
'Everything is all fucked up.'
"Coco..."
"Maraming nakataya rito ngayon, master! Noong umalis si Morpheus sa palasyo, napansin kong puro mga libro tungkol sa mga propesiya ng Land of Dreams ang kinalkal niya sa mga gamit ni Sandy. This is sooo bad! Pinunit niya ang page 34."
"Anong meron sa page 34?"
Dave doesn't really mess with his mentor's ancient books ever since he retired. Bukod sa palagi siyang pinagbabawalan ni Sandman noon, ayaw nang alamin ni Dave ang tungkol sa mga ito. Lalo pa't wala naman itong direktang kinalaman sa trabaho niya.
"Page 34," Coco started. This time, there was a warning in his voice. "...is a curse! Tungkol ito sa propesiyang nakasaad na kakailanganin ng sakripisyo para tuluyan kang makakawala sa Land of Nightmares."
Doon na kinabahan si Dave.
"Ano? Akala ko ba kailangan ko lang humiling sa genie para makabalik kami---"
"That was until I found out that every wish requires a sacrifice, Master Dave."
A sacrifice.
Wala sa sariling napalunok si Dave, tuluyan nang natuod sa kanyang kinatatayuan. Nakalimutan na niyang bitbit niya pa ang watering can. Is this some kind of sick joke? Ibig sabihin ba nito...
"Dave?"
Ninenerbyos na lumingon si Dave sa pinto ng opisina kung saan nakatayo ang dalaga. Cornelia smiled innocently, and for a moment Dave felt relieved when he realized that she didn't hear any part of this damn conversation. Magkakaroon ng malaking problema kapag nalaman ni Cornelia ang tungkol dito. Ang sirain ang tiwala niya ang pinakahuling bagay na kailangan nila ngayon.
Cornelia's eyes drifted to the cactus. Para bang may kung anong emosyon ang sumulpot sa mga mata ng dalaga.
Suspicion? Hesitance?
Bago pa man ito maintindihan ni Dave, bigla ring nawala ang emosyon na 'yon na pinalitan ng pekeng ngiti.
"Ikaw pala si Coco. Salamat pala sa tulong," Cornelia said. But there was something off about the way she said it. O baka naman imahinasyon na lang 'to ni Dave? Is he getting paranoid already? Fuck this.
Coco crossed his arms and nodded. "Ikaw pala ang mortal na nagpahamak sa master ko?"
She frowned.
"Yan ba ang sinabi sa'yo ni Dave?"
"Hah! 'Di na kailangan sabihin ni Master Dave kasi malakas ang cactus senses ko. Ngayon nagkakagulo na sa Waking World dahil sa'yo!"
"Well," Cornelia was clearly irritated. "I didn't even know that that stupid door would lead to the Land of Nightmares! Sana kasi nilagyan niyo naman ng karatula na: 'BEWARE: dadalhin ka nito sa ibang dimensyon at 'di ka na makakalabas nang buhay', eh 'di sana hindi nangyari 'to?"
"Ay sorry po, ha? Tamang nagsasalitang cactus lang ako rito, kung hindi pa obvious!"
Sumasakit na ang ulo ni Dave sa dalawang 'to. Ang buong akala talaga niya magkakasundo sila! Oh, well. At least neither one of them is faking smiles and politeness anymore. "Coco, may pagkain pa ba tayo sa ref?" Dave asked to dispell the imaginary war between these two.
Tumango naman ito.
"Meron pero bawal siyang kumain. Hmph!"
"Bakit ba ang sungit mo?"
"Ako? Masungit? Hindi ah!"
Dave wanted to roll his eyes at the cactus' stubbornness. Cornelia reddened in anger. At bago pa literal na mag-away na naman ang dalawa, he quickly grabbed Cornelia's hand and ushered her out of the office.
"Okay," Dave shrugged. "Pero dahil ako ang master ng palasyong 'to, I make the rules. She eats."
Coco looked like he was about to throw another tantrum.
Beside him, Cornelia raised an eyebrow. Dave leaned in and whispered, "Let's get out of here."
Hindi niya alam kung bakit lalong namula ang dalaga. Baka naiinitan? Wala nga palang airconditioner sa parteng ito ng palasyo.
"Takbo?" She asked in a whisper.
Dave smiled. "Takbo."
Nang tuluyan na silang makalabas ng opisina, narinig pa niya ang pagmamaktol ni Coco.
"MASTER DAVE! YOU BETRAYED MEEEE! HUHUHU!"
But they were already running down the hallway, where the deep colored carpets shifted designs every two minutes; with the portraits' eyes following the couple's every movement as their laughter filled the dark palace.
---
BINABASA MO ANG
✔ Dreamcaster
Fantasy"I am a Dreamcaster." "But you don't have any dreams?" "Does it matter?" He challenged. She glared back. "It does." After his mentor's retirement, tuluyan nang pinandigan ni Dave ang kanyang mga responsibilidad bilang isang Dreamcaster. As someone w...