Capitulum 27

41 12 0
                                    

"Never go against gods or demi-gods, Dave. Hindi mo alam kung anong kamalasan ang maaari nilang ibigay sa'yo."  

At the back of his mind, Sandman's words still lingered. Hindi niya alam kung isa itong paalala o isang babala. In reality, Dave had never crossed paths with them.

Until today.

"How thoughtful of you to pay the palace a visit," Dave spoke. "In both the Land of Dreams and the Land of Nightmares. Pero sa susunod, pwede bang abisuhan mo muna ako? 'Di man lang kami nakapaghanda ng meryenda mo."

Well, he knew that sarcasm will get him nowhere. Pero tuwing naaalala niya ang pag-trespass nito sa tahanan nila, 'di na talaga niya maitago ang inis. Sa kabila nito, mahina namang natawa ang nilalang at bumalik sa orihinal nitong anyo.

Braided hair morphed into blue.

Soft facial features melted into a sharp edges.

Brown eyes bled to a darker shade.

"Nakakalungkot, Dreamcaster. Tiyak na madidismaya si Sandman dahil sa kawalan mo ng hospitality."

Kaharap na niya ngayon ang demi-god. Dave has read enough about these godforsaken creatures to know their abilities. Morpheus is a shape-shifter and the one supervising mortal dreams. Sakop sa domain of concern niya ang ginagawa ni Dave. Kung ang trabaho ng Dreamcaster ay panatilihin ang kaayusan ng mga panaginip para sa balanse ng mundo, just think of this bastard acting like an operations manager na nagpapakita lang tuwing may "abnormalities" na nangyayari. Well, hindi lang naman si Morpheus ang demi-god na may concern sa pagtulog at mga panaginip, but he's the one you'd be less fortunate to encounter.

But in no way is Morpheus superior to Sandman. Not when his mentor's powers can level that of a god's.

'Kaya siguro ako ang binubully ngayon,' napabuntong-hininga na lang si Dave.

"Anong ginagawa mo rito sa Land of Nightmares?"

"I should ask the same thing to you," he countered. "Hindi ba't may trabaho ka pa sa kabila? Hindi kita binabayaran para lang makipaglandian dito sa dimensyong ito."

Naikuyom na lang ni Dave ang kanyang mga kamao. Ngayon naiintindihan na yata niya kung bakit ayaw ni Sandman sa isang 'to.

"Una, hindi mo naman talaga ako binabayaran. Pangalawa, don't you think I don't know the importance of my job by now? At pangatlo, siguro naman pareho nating alam na aksidente lang ang nangyari kaya kami nandito."

Hindi niya mabasa ang ekspresyon sa mukha ng demi-god. Maya-maya pa, nagpalakad-lakad na si Morpheus sa may kusina, pinapasadahan ng tingin ang mga nasirang kagamitan.

As if he has all the time in the world to just be leisurely studying the wreckage.

The sand chains rattled after him.

"When Sandman retired, I always thought you were too young and naive to replace him. Noong nabalitaan ko ito sa mga diyos, sinubukan ko pang kumbinsihin sila na pumili ng ibang gaganap na Dreamcaster. But unfortunately, your mentor was adamant to pass it on to you. Nakasulat pa ito sa last will and testament niya," may halong pagkamangha sa boses ni Morpheus. Para bang hanggang ngayon, nahihiwagaan siya sa mga desisyon ni Sandman. "Back then, I let you off the hook, thinking you couldn't possibly screw things up."

A dry laugh escaped Dave's lips. "Mukhang pareho tayong nagkamali ng desisyon sa buhay."

Soon, the sand-made chains tightened around his limbs.

Dave leaned against the counter and watched the demi-god's bewildered reaction with satisfaction.

"Now, would you care to tell me where she is? Kailangan na naming umalis at kailangan ko nang bumalik sa trabaho."

Anger flashed in Morpheus' eyes.

"Hindi mo ba talaga naiintindihan ang bigat ng sitwasyon? If not, then let me enlighten you: mula noong nawala ka, hindi na makatulog nang maayos ang buong mundo. Without the Dreamcaster to manipulate their Dreamscape and regulate the dreams, mortals are now experiencing sleep deprivation," he explained. "At nagiging abnormal ang bilis ng paglaganap ng mga epekto nito sa katawan nila..."

Doon na umusbong ang reyalisasyon.

'Sleep deprivation.'

For a brief moment, Dave's bravado faltered. Napag-aralan na niya ang tungkol rito, pero ni minsan, hindi niya kinuwestiyon kung para saan ito.

Katulad ng pagkain at hangin, isang necessity ang pagtulog para mabuhay ang isang tao. Although many take it for granted, getting enough sleep is important to stay alive and keep the brain functioning properly. Sa history ng mga tao, pinakamatagal nang walang tulog si Randy Gardner noong 1964, who was able to stay awake for 11 days.

Of course, not sleeping has a lot of negative effects such as being irritable and moody, decreased attention span (or the inability to "focus"), changes in metabolism and appetite, cognitive deficiencies, and many other health-related concerns. Nagiging mas accident prone din ang mga walang tulog at 'di nagagawa nang maayos ang kanilang mga trabaho. Pero sa kabila ng mga ito, iisa lang ang tumatak sa isip ni Dave tungkol sa sleep deprivation...

It can lead to death.

As if reading his mind, Morpheus nodded and broke away from the chains.

"Kailangan mo nang makaalis dito, Dave. Kritikal na ang sitwasyon, lalo na sa Eastwood. The effects of your absence radiates outwards from the spot where you entered the door to the Land of Nightmares. Mas makakaramdam ng matinding epekto ang mga mortal sa lugar na iyon, hanggang sa unti-unti na nitong lalasunin ang Waking World."

Wala sa sariling humakbang papalayo si Dave, hindi makapaniwala sa kanyang narinig.

'Ito ba yung sinasabi kanina ni Coco? Pero kung ang tanging paraan para makaalis ako rito...'

"A sacrifice must be made, Dreamcaster."

A wish requires a sacrifice.

Nakatitig na ngayon si Morpheus sa isang cabinet sa ilalim ng lababo. Kasabay nito, humampas sa pagitan nila ang galamay ng octopus, making him recoil in surprise. Nang umangat ito, sa isang kisapmata, nawala na rin si Morpheus.

A nightmare stone left in the same spot.

Bumalik ang mga mata ni Dave sa cabinet.

'Elia!'

---

✔ DreamcasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon