Capitulum 25

52 11 1
                                    

A casual conversation with the Dreamcaster isn't exactly on Cornelia's bucket list. 

Pero mukhang mapapasabak ang kakarampot na conversational skills niya sa isang 'to.

"So," she started. Paano ba magsimula ng usapan? Kung may handbook lang sana ng "Social Skills for Dummies" malamang matagal na siyang nag-order 'non. Sa huli, tinanong na lang niya ang unang tanong na pumasok sa isip niya habang naglalakad sila sa pasilyo ng palasyo. "Dito ka pinanganak?"

"Sa disyerto?" Dave looked amused at the idea. "Hell no. Dito---err... sa Land of Dreams---ako pinalaki ni Sandman."

"AHA! So, ampon ka lang pala?"

Napahinto sa paglalakad si Dave, halatang 'di inaasahan ang tanong. But then again, maybe this wasn't a piece of information he was suppose to share to a mortal?

Base sa ekspresyon niya, mukhang ganoon na nga.

"Grabe ka naman sa ampon."

"So ampon ka nga?"

"Teka, bakit ba matanong ka?"

Sungit.

Pero lalong wala sa mood si Cornelia para i-dismiss ang usapan. Not when they're already stuck in this bizarre realm filled with evil creatures!

"Dali na! Inampon ka ba talaga ni Sandman? So, ibig sabihin ba nito mortal ka lang din dati?"

"Elia---"

"Naging imortal ka ba dahil naging Dreamcaster ka? Nakakapagtaka lang kasi 50 years ka na yatang nandito pero 'di ka pa rin mukhang lolo. Lolo ka na dapat, 'di ba?"

Napabuntong-hininga si Dave.

Kung dahil sa inis o dala ng pagod, tinawanan lang ito ni Cornelia. As much as she hated him keeping secrets from her (yes, she will never forget about that detail), the girl somehow liked getting under his skin.

In short, sarap lang asarin.

In the end and in the middle of the hallway that led to who-knows-where bordered by stained glass windows draped with black satin curtains adorned with gold embroideries, Dave waved his hand and created a monobloc chair out of sand.

"Maupo ka muna, mahaba-habang kwento 'to."

Dahil sa pagkabigla, nawalan ng balanse ang dalaga at napaupo sa silya. 'Ano na namang pakulo 'to?' Isip-isip ni Cornelia, kaya ganoon na lang ang gulat niya nang makita ang malaking blackboard sa harapan niya. Dave magically changed into formal clothes.

Mukha na siyang lecturer sa mga kolehiyo. The fake eyeglasses only added to the mood.

"Sandman took me in at a very young age," panimula ni Dave. Namangha na lang si Cornelia nang biglang nagkaroon ng sulat ang blackboard. 'Wow! Sana lang may ganitong self-writing board din ang mga professor namin sa ECU,' she mused and listened.

"Tama ang sinabi mo kanina. Isa akong...'mortal' dati. 'Di ko na maalala ang naging buhay ko noon, pero naaalala ko ang araw na sinagip ako ni Sandman noong muntik na akong malunod. There was a typhoon and the dam released water and..." Dave paused, trying to remember that day. Pero napansin ni Cornelia ang pag-igting ng panga nito, na para bang ayaw na sana niyang alalahanin 'yon. "Inanod ako ng tubig. Muntik na akong mamatay noon kung hindi dahil kay Sandman. He created a net out of sand and fished me out of the water."

"Isda ka pala, eh."

"Kanina 'ampon', ngayon 'isda'?"

"Character development ang tawag diyan."

Natawa si Dave at inayos ang salamin. "Anyway, he rescued me from death and asked me if I wanted to be his apprentice. Wala pa akong kain o kamalay-malay noon, kaya agad din akong sumama sa kanya."

"Dahil ba wala ka ring pupuntahan?" Paglabas ng tanong sa bibig niya, she instantly regretted it. The Dreamcaster's expression turned sour, as if admitting that out loud was just too much to handle.

Bago pa man maiba ni Cornelia ang usapan, he added, "I was an orphan. Ang naaalala ko lang, namatay sa sakit ang mga magulang ko. Nasa lansangan ako noong panahong nanalasa ang bagyo, kaya wala rin siguro makakapansin kung tuluyan akong nawala noon."

"Uy, grabe ka naman," she attempted to humor him. "You're talking as if you don't care whether you lived or died that day."

"I'd be lying if I say I care about my life, Elia. Iyon lang siguro ang hindi nagbago mula noong unang pagkikita namin ni Sandman hanggang ngayong retirado na siya."

Cornelia was speechless.

Kailanman, hindi niya siguro maiintindihan ang pinagdaanan ni Dave, but that doesn't make it any better. Wala dapat nakaranas ng ganoong trahedya sa buhay nila. Well, yes life fucks us sometimes (maybe more often for some), pero hindi ma-imagine ni Cornelia ang mabuhay nang ilang dekada nang pakiramdam mo walang halaga ang resulta ng nakaraan mo.

Now, thinking back to that tragic day Dave almost died... Did Sandman doom him to become the next Dreamcaster?

May mas malalim na dahilan kaya siya sa pagpili kay Dave?

Cornelia stared at the writings on the board.

"Wala kang pakialam sa kahapon... Pero anong mga pangarap mo para bukas?"

Dave avoided her gaze. He cleared his throat and, with snap of his fingers, biglang bumalik sa pagiging buhangin ang blackboard, upuan, at salamin sa mata. She soon found herself sitting on the floor, in the middle of the dark hallway lit only by the light coming from the nearby window.

Nakatayo sa kanyang harapan ang Dreamcaster. Kapansin-pansin ang tensyon sa postura ng binata nang magsalita ito, "The kitchen is just around the corner. Mabuti nang kumain na muna tayo bago umalis dito."

At nauna na itong naglakad papalayo.

Cornelia was left pondering on what happened and staring at the discarded lumps of sand in front of her.

---

✔ DreamcasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon