"There's a reason why they need sleep, kahit na minsan sila rin mismo ang nagsasawalang-bahala nito."
Morpheus muttered to himself as he watched the chaos they called Eastwood. The demi-god perched on the top of a lamp post, observing the humans below. Dahil nasa sentro ng bayan ang parke, madali niyang nasusubaybayan ang epekto ng pagkawala ng tagapagmana ni Sandman.
How long as it been since they had a decent night's sleep?
Dahil wala si Dave, walang nagmo-monitor sa Dreamscapes nila at walang nakakatulog nang mahimbing. Kahit si Morpheus ay may limitadong kontrol lang sa mga panaginip. He can shape shift and tweak a few strings, but he can't do a Dreamcaster's job. And this effect ripples outward, starting from the origin of their disappearance.
Mula sa silid ng babaeng 'yon kung saan huling lumitaw ang mahiwagang pinto.
Ang lagusan sa Land of Nightmares.
"Pwede ba, 'wag mo 'kong hawakan?!"
Napalingon si Morpheus sa direksyon ng magkasintahang mukhang wala pang pahinga. As expected, they started arguing over nonsense. Ilang sandali pa, pinuno ng nakabibinging security alarm ng kalapit na shop ang paligid. The criminals got away, and the police were nowhere to be found. Walang may pakialam. Bukod pa rito, nakakairita na ring makita ang ilang taong bumabagsak na lang sa gilid ng kalsada dahil sa panghihina nila.
'Kung hindi pa makabalik agad ang Dreamcaster, baka wala na siyang abutang mga tao.'
Morpheus sighed. How annoying!
Mukhang wala na talagang pag-asa ang Eastwood. Dahil dito, nagdesisyon na lang siyang bumalik sa kanyang lungga at panoorin na lang maubos ang kulay abong buhangin sa hourglass. No, none of them has much time left to fix this before the situation becomes unfixable, even for a demi-god.
"Hindi sana mangyayari ito kung hindi dahil kay Sandman at sa mga propesiyang wala namang kasiguraduhan."
Pero sa huli, ito na lang ang pinanghahawakan ni Morpheus. Mula sa bulsa ng kanyang coat, kinuha niya ang nakatiklop na papel, ang pahinang pinunit niya mula sa aklat ni Sandman noong binisita niya doon ang palasyo nito.
Page 34.
Binasa niya ulit ito, hindi pa rin maintindihan ang ibig sabihin ng huling bahagi ng propesiya.
"Damn it all."
Morpheus cursed and leaned on his throne, eyeing the hourglass once again. Wala na siyang magagawa kung 'di pagkatiwalaan ang nakasulat dito, dahil alam niyang ito na lang ang makapagliligtas sa kanilang lahat. Because when the last grain of gray sand falls down, the world will not only have sleepless nights and potential death...
He'll also lose his title, status, and power among the demi-gods of this realm.
Hindi niya rin hawak ang huling bahagi ng palaisipang ito para makatakas sa nakatakda niyang pagbagsak.
'Pero may isang lugar na lang akong hindi napupuntahan,' isip-isip ni Morpheus bago siya umalis para pumunta sa Land of Nightmares.
Indeed, it's a fancy night to venture the bottom of a canyon, isn't it?
---
BINABASA MO ANG
✔ Dreamcaster
Fantasy"I am a Dreamcaster." "But you don't have any dreams?" "Does it matter?" He challenged. She glared back. "It does." After his mentor's retirement, tuluyan nang pinandigan ni Dave ang kanyang mga responsibilidad bilang isang Dreamcaster. As someone w...