Capitulum 26

46 10 2
                                    

Noong una niyang nalaman ang tungkol sa malaking refrigerator sa palasyo, pareho rin ang tinanong ni Dave dati kay Sandman...

"May kuryente pala dito?" 

Now, Dave used the same words to answer that question:

"Solar energy. May naka-install na solar panels sa bubong ng palasyo."

"You use technology?" Cornelia asked before taking a bite out of her coconut bread.

Umiling si Dave at ipinaliwanag, "Inspired sa teknolohiya ng mga mortal, but these panels are powered by magic. Artificial lang kasi ang araw rito sa Land of Dreams---err, Land of Nightmares---kaya naisipan ni Sandman na i-redesign ang mga ito. These 'solar panels' don't really collect solar energy, but the magic in a realm's atmosphere. Wala man tayo sa Land of Dreams, pakiramdam ko ito rin ang nagpapagana rito."

"Because the Land of Nightmares is just a negative version of the Land of Dreams?"

Dave couldn't help but smile. Mabuti naman at mukhang naiintindihan na ni Cornelia ang sitwasyon.

"Mukhang handa ka na kung sakaling mapatagal pa tayo rito."

She frowned. "Being stuck here any longer with you sounds like a nightmare, Dave."

"A nightmare or a dream come true?" He grinned cheekily. "Wag ka nang mahiya---"

"Nightmare. Final answer."

Aray.

Isinara na niya ang ref, thanking all the gods out there that humans invented such a useful thing.

Maya-maya pa, naalala ni Dave ang laptop niya. An idea came to him. 'Pwede ko kayang makita ang status mula rito?' Before Cornelia could ask where he was going, mabilis na naglaho sa isang corridor si Dave at nagpunta sa kanyang kwarto. He literally took two steps at a time on the spiral staircase.

'Ang masama nito baka lowbat pa rin dito.'

Bakit may laptop ang Dreamcaster?

Well, three reasons...

1. Mas madaling i-track ang status ng mga taong bibisitahin niya gabi-gabi at ang schedules ng mga ito.

2. You don't expect Dave to magically memorize all their names and addresses, do you?

3. Para cool.

Pero siguro nga lowkey na aaminin ni Dave na 'yong huling rason talaga ang pinaka-importante. Sandman was always against the idea of using a laptop to make their job easier, pero kalaunan wala na itong nagawa nang mag-insist si Dave. At saka wala na rin naman siya dito, so...

"Gotcha!"

Fully charged.

Napangiti na lang siya at sinimulan nang buksan ang files noong bigla siyang nakarinig ng sigaw. Agad na nakilala ni Dave ang boses. Oh, how could he ever forget that ear-piercing voice? Sa huli, naging dahilan ito para mahina siyang mapamura at mapabalik sa kusina bitbit ang laptop niya.

*

"'Ilang araw na siyang nawawala..."

June tried not be too bothered with her disappearance, pero ramdam niyang unti-unti na rin nitong nilalamon ang kanyang mga ginagawa. Tuwing papasok siya ng klase, maaalala niya ang dalaga. And the shittiest part of this is that nobody seems to care if she's gone!

Umaakto ang mga propesor nila na para bang hindi siya naging estudyante nila. Umaakto ang mga kaklase nila na kumpleto sila sa silid at walang bakanteng upuan sa gitna.

Heck, June wouldn't even be surprised if the police forgot about her with their lack of assistance!

"It's like she never really existed," June concluded before taking a gulp of his beer. Nang maubos na niya ito, agad niyang hinagis ang lata sa basurahan, katabi ng iba pang katulad nito. June wasn't much of a drinker. In fact, he has a high tolerance for alcohol. Pero sa mangilan-ngilang pagkakataong bumabalik ang stress sa kanya, he makes an exemption.

✔ DreamcasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon