Capitulum 40

40 9 0
                                    

The sky darkened.

'Uulan na naman ba?' Napaisip si Cornelia nang tumingala siya sa langit.

Napansin niyang tila ba unti-unting tinatakpan ng maiitim na ulap ang araw. Lumakas rin ang ihip ng hangin na parang tatangayin na siya nito. Her black abaya cloak swayed in the wind as dust particles started to rise.

"Mukhang uulan."

But Dave didn't seem convinced. Nakatanaw lang ito sa malayo, may pilit inaaninag. Maya-maya pa, humarap ito sa kanya at inayos ang abaya para takpan ang mukha ni Cornelia, only her confused brown eyes were visible. Ano bang nangyayari?

"Hindi 'to ulan."

Naalala niya ang kampana.

That's when she understood.

Hindi lumipas ang isang buong minuto nang tinamaan na sila ng hagupit ng disyerto.

Sa isang iglap, bumulusok ang malakas na hangin sa kanilang direksyon, dala ang buhangin at maliliit na tipak ng bato. Muntik nang mawalan ng balanse si Cornelia sa lakas ng pwersa niyo, her entire dress dancing with the harsh winds. Halos wala na siyang makita. Maya't maya siyang nagagalusan ng buhangin sa mukha at mga kamay. Her skin pricked with pain, enough to make her wince.

When she looked at Dave, she noticed he wasn't doing any better. Alam niyang 'di na rin maganda ang kalagayan ni Dave, not when he's clearly suffering from fatigue.

'Bakit ngayon pa nagkaroon ng sandstorm?!'

Sinubukan nilang maglakad, pero kinokontral sila ng malalakas na hangin. Hindi na halos maimulat ni Cornelia ang kanyang mga mata, kaya ipinikit na lang niya ang mga ito. It's either they escape a sandstorm with their eyes closed or risk getting blind.

'Dave?'

Nang mapansin niyang walang kumikilos sa kanyang tabi, nataranta si Cornelia at hinanap ang kamay ng binata. There, she found felt lying in the sand, barely moving.

Without second thoughts, inalis ni Cornelia ang tela sa kanyang mukha at nagmamadaling itinali ito sa kamay nila ni Dave. She cried out when the shard of sand and stone grazed her face.

"Anong... ginagawa mo...?"

She could barely hear his voice amidst the howling winds.

'Hang on, Dave.'

Nang masiguro niyang mahigpit ang pagkakatali, sinimulan na niyang alalayan ito papunta sa mga abandonadong kabahayan habang nakapikit pa rin. Cornelia had to almost drag the half-conscious Dave with her all the way.

'Dave, hindi ka madaling buhatin, ha!'

Halos gumapang na sila papunta sa pinakamalapit na pader. She felt cold mable on her palm. Napasigaw sa sakit ang dalaga nang maramdaman niyang malapit na rin siyang bumigay sa tindi ng pagpaparusa sa kanila ng sandstorm. Pakiramdam niya makakalas na rin ang kanyang braso sa bigat ni Dave.

But Cornelia refuses to believe her dreams end here.

"Hindi pa magtatapos dito..."

With zero visibility, she felt like they were caught in a hurricane.

Then, she miraculously felt a door handle. Bingo.

Cornelia used all her strength left to crawl them into the house. Nang makapasok na sila sa loob, agad niyang inihiga si Dave sa sahig at isinara ang pinto bago siya napasandal doon sa pagod.

Lumakas ang hangin sa labas, mas naging agresibo ang disyerto.

At this moment, Cornelia doesn't care anymore.

---

✔ DreamcasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon