Capitulum 30

73 15 3
                                    

June felt like he was walking on egg shells. 

'Hindi ko na alam kung saan kita hahanapin.'

Para bang anumang sandali, bigla na lang mababasag ang reyalidad at lalamunin siya nito nang buhay. That morning, he didn't even bother eating breakfast, feeling guilty for declining Cornelia's parents' offer.

Dire-diretso lang siyang pumasok sa ECU kahit na 8:00 am pa ang unang klase niya. Wala sa sarili siyang naupo sa harapan ng building at pinanood ang mga nagjo-jogging sa oval.

His mind wandered off to his memories of Cornelia...

"Hala, ang ganda naman nito!"

June turned to the voice. Kahit siguro ilang kilometro ang layo nito, makikilala niya ang boses ng crush niya. Nang mapansin niyang tinitingnan pala nito ang entry niya sa poster making competition ng Nutrition Month sa high school nila, agad na nahiya si June at naramdaman ang pag-init ng kanyang mga pisngi. She was staring at his drawing as if it had been the most eye-catching one of the batch.

"Ang ganda ng symbolism... Ang ganda rin noong babae dito. Sino kayang artist?"

He heard her say while running a finger down the edge of the illustration board. Her eyes sparkled with interest as she took in the colors. Nagpapasalamat na lang si June at puro entry number lang ang nakalagay sa posters. Hindi niya alam kung anong magiging reaksyon ni Cornelia kapag nalaman niyang siya ang gumawa nito.

Much less if she found out that June had been admiring her since the start of their first year in high school.

Maya-maya pa, nataranta na lang si June nang bigla na lang nakigulo ang kaklase niya at tinabihan si Cornelia.

"Ah! Parang kilala ko kung sinong gumawa niyan. 'Di ba sa'yo 'to, Ju---!"

Dahil nataranta na si June, mabilis niyang sinagi ang hawak na juice ng katabi niyang teacher. Naging dahilan ito para matapunan ang madaldal niyang kaklase. The boy yelped in surprise as the orange juice stained his white polo.

"Papagalitan ako nito ni mama! Kaninong juice 'to, aabangan kita sa kanto---ay, sorry, ma'am. Joke lang po! Hehe!"

Natawa na lang si June at mabilis na umalis ng stage. Hinayaan na niya ang mga nagkukumpulang tao roon at dire-diretsong bumalik ng silid. But before walking away, he stole one last glance at Cornelia who was already admiring another poster. Tuluyan nang nalihis ang atensyon nito sa gawa niya.

Napangiti na lang si June.

Buti na lang hindi napansin ni Cornelia inspired sa imahe niya ang babae sa poster ni June.

"EARTH TO JUNE!"

Napapitlag na lang si June nang bigla na lang may kamay na kumaway sa harapan niya. Doon lang niya napagtantong kanina pa pala siya tinatawag ng isa sa mga batchmate niya. Ilang minuto na ba siyang nakatulala lang na parang pasan-pasan niya ang daigdig? Oh, well. It's not like they're not used to June having a world of his own. He stared back at the oval and noticed there weren't any joggers anymore. Medyo makulimlim na rin ang langit.

"Hello."

Kumunot ang noo ni... Teka, ano nga ulit pangalan nito? Ah, Mark. Tama, si Mark na hindi naman tahimik.

"Kanina ka pa ba nandito? Magi-start na ang klase, ah."

Sa totoo lang, 'di na alam ni June ang oras. "Papunta na rin ako doon."

"Sige, sabay na tayo. Hulaan ko, wala ka ring maayos na tulog 'no? Halata sa eyebags eh, hahaha!"

June didn't argue. Walang-imik na lang niya itong sinundan papasok ng lecture hall kung saan unti-unti nang dumarami ang mga estudyante. He lost track of time, but why the heck didn't he notice the people around him? Baka nga lumalala na rin ang epekto ng kawalan niya ng tulog.

Nakakatakot.

"---may group project nga raw pala tayo ngayon. Sakto kumpleto tayo mamaya," Mark blabbered on.

Doon na nito nakuha ang atensyon ni June. Hindi na niya napigilang magsalita.

"Hindi tayo kumpleto dahil wala si Cornelia."

Sa kanyang gulat, tumawa nang malakas si Mark (na hindi talaga tahimik). The sound irritated him. He patted his back as if they were the best of friends and said, "Cornelia? Sinong Cornelia? Fictional character ba 'yan?"

Napasimangot si June. Heto na naman sila. Humigpit ang pagkakahawak niya sa strap ng kanyang bag.

"Si Cornelia. Classmate natin."

"Erm... Sure ka? Wala talaga akong kilalang may ganyang pangalan, eh. Look, maybe you should just skip classes today."

Pinagtitinginan na sila ng ibang estudyante. Pumapatak ang oras at ang pawis sa gilid ng kanyang mukha. The walls suddenly felt like they were closing in on him, trying to suffocate him. Wala nang ibang marinig si June kundi ang pang-asar na tawa ni Mark at ang bulungan ng mga classmate nila. Their eyes scrutinized him like a specimen under a microscope.

"Sinong Cornelia?"

Bakit...

"Anong pinagsasasabi niya?"

...parang...

"May kilala ka bang Cornelia sa batch natin?"

Heads shook in denial.

'...hindi nila alam na nage-exist si Cornelia?!' Sa pagkakataong ito, hindi na maipinta ang ekspresyon ni June. In fact, he wouldn't be surprised if even Picasso himself can't translate his face onto canvas. Sa ilang araw nang pag-alaala ni June at pamomorblema sa misteryosong pagkawala ni Cornelia kasama ang mga magulang nito, how the fuck can they act like she didn't even exist in the first place?

This was the last straw.

"Pre, mabuti pa siguro---!"

Sa wakas tumahimik na si Mark.

He stumbled back in shock when June's fist connected to his jaw. Para bang bumalik sa normal ang paligid, lumawak ang hallway at umatras ang mga estudyante sa nasaksihan nila.

At the center of it all, June stood with his head hung low, shaking in anger and misery.

Sa kabila ng kaguluhan sa loob at labas ng isip ni June, dalawang salita lang ang lumbas sa bibig niya...

"Shut up."

---

✔ DreamcasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon