Neither of them said a word.
Kanina pa pasulyap-sulyap si Dave sa dalagang sinusundan niya, pero halatang ayaw rin nitong magsimula ng usapan. He sighed, knowing that Cornelia is avoiding him for some reason. Nakakatawa lang dahil pareho nilang alam ang puno't dulo nito, pero pareho silang napipipi.
'At paano naman niya nalaman ang daan palabas ng bangin?'
Hindi siya naniniwalang "intuition" lang niya ito.
Dave kept wondering that. He watched as she walked with confidence in her strides, as if she had a compass guiding her. Baka naman may tumulong sa kanya? No, that's impossible. Imposibleng may ibang nilalang sa ilalim ng bangin.
No one would be sane enough to live in the bottom of an abyss.
The Dreamcaster sighed, knowing the silence is probably gonna kill them first than the dangers lurking in this land.
"Elia, anong iniisip m---"
"Dave, unahin na muna nating problemahin kung paano makakalabas dito."
Nag-iwas na naman ng tingin si Cornelia, halatang hindi kumportable sa tanong. Dave noticed this easily and didn't insist. Kahit na pakiramdam niya may mas malalim pang dahilan sa mga ikinikilos ngayon ni Cornelia, he didn't want to engage her in a conversation she's not prepared to have.
Not yet.
Maya-maya pa, umaakyat na sila sa isang matarik na bahagi ng bangin. Paminsan-minsan niyang inaalalayan si Cornelia tuwing dumudulas ang paa nito sa bato, manipulating the gray sand to support her feet. On several occasions, Dave had to aid her by holding on to her arm, even though exhaustion was already taking a toll on his body, too.
May isang pagkakataon na inis nang bumaling si Cornelia sa kanya.
"Kaya ko na 'to."
Napasimangot si Dave. "Unahin na muna nating makaakyat bago mo 'ko pagalitan sa pag-alalay ko sa'yo."
For a moment, she looked guilty and turned away. Matapos 'non, hindi na ulit kumibo ang dalaga kahit noong inalalayan niya ulit ito sa pag-akyat.
'Well, this is unfortunate... Isa akong Dreamcaster hindi isang rock climber!' Dave mentally complained while struggling to keep his strength.
When they've finally reached the top, sabay silang napatingin sa tanawin. Muntik nang malula si Dave nang mapansing hindi na niya ulit makita ang ilalim ng bangin. Para bang kanina pa nakaabang ang mga anino para takpan ito. Surely, they haven't climbed that high?
"It's a shortcut," Cornelia suddenly explained, still catching her breath. "May kung anong mahikang umiiral dito para iklian ang pag-akyat natin. It's the only way out of that endless pit."
Dave was growing even more suspicious.
"Paano mo alam? The last time I checked, neither of us are resident dwellers in the Land of Nightmares."
"That doesn't matter anymore---"
"Doesn't matter? Elia, hindi mo alam kung gaano katagal akong nagpapalaboy-laboy sa ilalim ng bangin na 'yon para lang hanapin ka!"
"Sino bang nagsabing hanapin mo 'ko?! You're the immortal here, you could've just left me!"
Hindi makapaniwala si Dave sa sinabi niya.
"At anong inaasahan mong gawin ko? Iwanan ka rito?!"
"Yes, why the fuck not? Unless you actually need me to get out of here!"
Dave was stunned. 'Anong sinabi niya?' This time, he forced himself to calm down. May hinala na siya sa mga nangyayari ngayon...
"Narinig mo ba ang usapan namin ni Coco?"
Nahuli niya ang pasimpleng paglunok ni Cornelia, na para bang may ayaw itong sabihin sa kanya. Hindi na niya ito napigilan nang maglakad na ito papalayo. Nakatuod lang si Dave sa kanyang kinatatayuan, at the edge of the endless depth that clearly had more secrets to tell.
*
Cornelia understood why they called it the Marble Ruins.
'At akala ko talaga ang Oasis at palasyo ni Sandman lang ang nakakamangha dito...'
Nang maaninag na niya ang mga gusaling hinulma sa puting marmol, alam niyang nalalapit na sila sa katapusan. If memory serves her right, then they'll be in the Black Desert in no time.
'Paano kaya ito magtatapos?'
Napahinto si Cornelia. Hinayaan na niyang si Dave na ang manguna sa paglalakad. Thankfully, he didn't seem to notice her abrupt halt and continued walking through the gray desert. Ni hindi siya dinapuan ng tingin nito.
Sumulyap si Cornelia sa kanya. She stared at his back, her thoughts everywhere.
Dave looked like a dream walking away from her, a man venturing the vast gray desert adorned with those white marble slabs in a distance.
"Mag-iingat ka sa kanya, hija."
Bumalik na naman ang bigat sa dibdib niya. Naaalala na naman niya ang mga bilin ng ermitanyo kanina bago siya tuluyang nagpaalam dito. Siya rin ang nagturo sa kanya kung nasaan ang shortcut para makalabas ng bangin, pero nang tanungin ni Cornelia kung bakit hindi nito ginagamit ang shortcut para makaalis, the old man just shrugged as if it wouldn't make a difference.
"Nandito na ang buhay ko. Matagal ko nang tinanggap ang ipinagkaloob sa'kin ng kapalaran."
In the end, Cornelia left his nipa hut with more questions than answers. Doon niya natagpuan si Dave na matagal na pala siyang hinahanap. He was in a bad condition, that much she could tell.
'Yang awa mo ang magpapahamak sa'yo, eh,' suway ni Cornelia kanyang sarili bago sinundan si Dave sa Marble Ruins.
The Marble Ruins looked like an abandoned city with walls made of white marble. Dahil sa tagal ng panahon, halatang nilamon na rin ng disyerto ang lugar na naging dahilan para mangilan-ngilang mga haligi at tahanan na lang ang natira. Cornelia watched in awe as she noticed the small white houses covered in sand and mold. Tirik na tirik ang araw kaya't halos masilaw na siya sa repleksyon nito sa marmol. The air felt drier than usual, almost suffocating. The smell of sandalwood and earth tickled her nose. Nang sundan ng mga mata ni Cornelia ang mataas na tore sa 'di kalayuan, napansin niyang may kampana roon.
'Para saan yun?' She wanted to ask aloud.
Sa kanyang gulat, sumagot si Dave.
"Ginagamit dati ang kampana para magbigay-babala sa pamayanan tuwing may sandstorm na paparating."
Dave glanced at her. Agad na nag-iwas ng tingin si Cornelia at 'di na umimik. Para saan pa? This is already so awkward!
"Cornelia...?"
Her eyebrows furrowed. Bakit parang may tumawag sa kanya? Nagpalinga-linga si Cornelia, hinahanap ang mahinang boses na narinig niya kanina. That's weird. So, after deciding that maybe she was just imagining things, she ignored it.
---
BINABASA MO ANG
✔ Dreamcaster
Fantasy"I am a Dreamcaster." "But you don't have any dreams?" "Does it matter?" He challenged. She glared back. "It does." After his mentor's retirement, tuluyan nang pinandigan ni Dave ang kanyang mga responsibilidad bilang isang Dreamcaster. As someone w...