#KirkyPatricia

54 3 1
                                    

"Huy Jenjen, anong drama mo dyan?"

Napatigil ako sa pag iyak dahil sa taong sinira ang pagdradrama ko. Tinignan ko, si Kirky pala, ang taong sumira ng buhok ko sumira pa ng drama ko!

"oh, para matigil ka na sa kakaiyak mo" binigyan niya ako ng lollipop, naalala ko tuloy ng binigyan ako ni Maykol ng tarzan na bubble gum. Napa-buntong hininga nalang ako at tinanggap ko iyon saka binuksan at kinain.

"Asan pala yung Asiong mo?" Tanong niya ng may pagka-bitter yung boses niya. Wait, nagseselos ata to samin ni Asiong eh, baka..

"Bakit ang ng tono mo? May gusto ka kay Asiong ko no?!" Literal na umuusok na ang ilong ko, kahit bakla to baka mabugbug ko na to ha!

"Chill, hindi no!" At nag roll eyes pa siya.

"Akala ko kung ano na, si Asiong nasa trabaho, sa Save More promodiser siya ng Close-up."

"Baloooooooooooot! Baloooooooot! Baloooooot! Bumili na kayo ng balot please! Kahit di na Easter Day! Ano bang gusto niyo? Magdala ako ng kuneho? bumili na kayo oh!"

"Kaloy!" Pagtawag ko sa kanya at lumapit naman siya samin.

"Hoy Jenjen! Sino yang kasama mo? Isususmbong kita kay Asiong mo ha! Nangangabit ka na-----Aray! Ang brutal mo talaga kahit kailan!"

"Sira, si Kirky 'to yung pinsan ni Acacia." Tapos tinignan niya ng Maigi si Kirky.

"Ay oo nga pala, Jenjen bumili ka na ng balot oh, bibili kasi ako ng bagong bike, alam mo namang ang super rusty na nitong bike ko" sabi niya.

"Hayaan mo Kaloy, magkaroon akong extra money, bibilhan kita ng bago" at tinapik ko yung balikat niya.

"Ang bait mo talaga Jenjen!, ito oh, libre nalang tong balot sayo, pati sayo Kirky!, sige una na ako ah!"

Nagsimula ng mag padyak si Kaloy sa pedal ng bike niya ng Nabali yung pedal.

"Hala Kaloy!" Sabi ko.

"Maglalakad nalang ako Jenjen!" At binitbit niya yung basket niya at pati narin yung bike niya.

"Ipapa-ayos ko nalang to bukas!"

"A-ah sige" Sabi ko.

"Ilang years ka na rito sa Tondoville?" Tanong ni Kirky.

"Mga 3? Lumipat ako rito nung nag 16 ako eh" 

Bigla akong napa-isip dun sa bike ni Kaloy, may extrang ipon ako ron sa bahay, ay alam ko na bibilhan ko siya ngayon may 24 hours naman na tindahan na adun lahat na mabibili.

Nagpasama ako kay Kirky papuntang bahay para kunin ang pera at pumunta na kami sa tindahan.

"Alam mo Jenjen, bagay sayo ako!" Bigla niyang sabi.

"Huh?"

"Ang sabi ko bagay sayo magpakulay ng kuko"

Ay akala ko kung ano na. Nako! Hindi na no, baka dumugo pa ito dahil sa kanya.

Pumasok na kami sa store at,

"A-asiong?"

Bakit andito siya, at si Mimi?

"Hi Jenjen, long time no see ah? by the way nice hair" At demonyong tumawa si Mimi at nag cling pa siya sa braso ni Asiong at umalis din.

"Asiong, a-ano to? Bakit kayo magkasama?" Hoy luha wag ka munang pumatak, Comedy ang genre ng story nato kahit face palm lang yung mga readers na bumabasa nito.

"Oh my G. I forgot kayo na pala awwwwwww" Mimi.

"Jenjen, nagpasama lang si Mimi sakin na bumili co-"

"Ano Asiong?! Co?!" Biglang react ni Kirky.

"Anong Co?!" Clueless kong tanong. Anong Co? Coco?! Cocaine?

"Sinamahan ko lang si Mimi na bumili ng Coconut husk, wala raw kasi sa bahay nila" Pag-eexplain ni Asiong.

"Oh Ikaw Jenjen, ba't mo kasamang baklang yan?" Asiong.

"Nagpasama lang ako na bilhan si Kaloy ng Bike"

"Tara na Asiong!" Mimi at hinalikan si Asiong sa pisngi. "Thank you sa pag sama sakin, Let's Go?"

Pero bago pa maka-alis ang dalawang malandi ay hinila ko ang braso ni Mimi at Sinampal ang pisngi niya.

"Mimi, maaring wala na ako sa Save More at pwede mo ng 'landiin' ang boyfriend KO, pero tandaan mo, sa oras na mahuli kita na lumandi, good luck!" Bawat sinasabi ko ay idiniin ko. At binaling ko naman ang atensyon kay Asiong.

"Break na tayo! Alam mong may Girlfriend ka lumalandi ka pa!, tara na Kirky!" At aalis na sana ako ng hinawakan niyang kamay ko.

"Jenjen, di yan ang iniisip mo, Jenjen naman mahal na mahal kita! Wag mo kong iwan. Wag kang makipag-break, kahit cool off nalang! Please!"

Huminga muna ako ng malalim bago sumagot.

"Ano?" Cold kong sabi.

The Adventures Of Jenjen (Reigning Tondoville Queen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon