"JUNJUN! ANAK NG ABS! ALASAIS IMEDYA NA, MAHUHULI KA PA SA TRABAHO. EH PAANO KA AASENSO NYAN?! HINDI KA NA NAHIYA SA BUONG TONDOVILLE! BANGON NA!!"
Grabe naman tong Tiyahin ni Junjun! Umabot pa dito ang bunganga niya! At si Junjun pa talaga ang mahihiya sa buong Tondoville! Kung ang Tiyahin lang ni Junjun ang pambansang alarm clock ng Pilipinas pati siguro patay ay babangon.
Alas-otso pa ang pasok ko eh, at 6 am akong nagising! Pambihirang buhay nga naman 'to! Wala na akong magawa kundi pumasok na sa banyo para maligo.
Nagshampoo ako ng rejoice at minasahe ko ang scalp ko for 5 minutes, yan ang sabi sa sachet eh, at para maging mala-Kathryn Bernardo ang buhok ko, wag na yung mukha, mas maganda pa ako sa kanya! Si Jennifer Chrissy Ledesma, na kaka-debut lang, nakakapasok lang sa Save More, ang Miss Tondoville 2015? Ang Teen Queen ng Tondoville?!
Okay
Ako na ang Maganda! ako na talaga!
Pagkatapos ay nag-olay ako, pampa-puti ng balat kong maputi at para mailabas ko pa ang aking gandang di mo inakala!
Para sa karagdagang impormasyon, maraming nagtatanong sakin kung bakit ganito ka kutis ang balat ko, flawless na flawless.. maliban nalang sa likod ko na may peklat, yan ang sabi ni Meyer sakin, mukhang inborn raw.
Nestea lang.. share-share!
Pagkatapos nun ay nag-shower na ako gamit ang latang binutas-butas ko na nilalagyan ko ng tubig mano-mano ako nito tsong! at nag towel na at lumabas na, naabutan ko si Kendall na nag-stretching.
"Bheszx, gising na ba si Justin?"
"Tulog pa si Bheszx" Sagot niya
Hala!
Di ko pa napapaliguan si Justin simula kahapon, anong oras na ba? Tinignan ko ang napanalunan kong Mercury Drugstore na wall clock, 7:05 na pala, pumasok muna ako sa kwarto para magbihis na ng Pinapangarap kong Save More uniform!
Pinonytail ko ang buhok ko at nag-lagay ako ng eyeliner at nag-lipstick at konting lipgloss.
Pinuntahan ko ang pangatlong kwarto ng bahay na dati ay bodega na ngayon ay kwarto na ni Justin.
Tulog parin siya at nganga na may laway pa, at umaapaw ang baho niya, kailangan ko na talaga tong paliguan at dalhin ka Meyer, sinong mag-aalaga sa kanya dito sa bahay? Luhhhh..
Mga ilang oras na rin ay gising na si Justin, at sinabihan ko siyang maligo na at gamitin ang ganda duo ko.
Bakit hindi Trio?
Nakaka-ganda ba ang Whispher?
Ha? Napkin yan!
Lumabas na si Justin at binigyan siya ni Kendall ng mga damit, mabuti at may pambata na damit si Kendall, bumibisita kasi ang pamilya niya dito.
BINABASA MO ANG
The Adventures Of Jenjen (Reigning Tondoville Queen)
FanficBoring ang buhay ko at isa lang ang pangrap ko, ang maka-trabaho sa Save More. Pero yun ang akala ko.