"Happy Birthday Jen!"
"Gift ko sayo Oh! Maligayang kaarawan!"
"Jenjen, ito oh, piso pambili ng white rabbit na candy!"
Sabay abot ni Maykol ng Piso sakin, at anong white rabbit na candy? Wala naman ata yan sa panahon ngayon. Hindi na nga nagtitinda si Aling Nena nun, Sinaunang tao ata si Maykol eh, oh well papel, 18th birthday ko nga pala at andito kami sa basketball court na may 4 feet na ring at tanging mga flashlight lang ang gamit na pampa-ilaw, nagkaroon kami dito ng bongang salo-salo, debut ko kasi at yung escort ko.
Asan na nga ba ang escort ko?!
Hay nako, mamaya ko na nga lang iisipin ang escort ko at smile-smile muna ako dito, may hinire rin kasi kami na event organizer dun sa kabilang kanto at mura lang nga yung pinagawa namin na tarpaulin na may mukha ko pa, ang ganda ko naman!
"Jenjen, maswerte ako ngayon at naka-benta ako ng balot!" Masayang salubong sakin ni Kaloy na sakay sa kanyang bike dala ang kanyang balot at chicharon at naka-bonet pa sya ah.
"Oh, talaga?! Asan na yung gift ko?" Sabay lahad ko ng kamay na parang masayahing bata.
"Oh ito, Belated Happy Easter" At inilagay niya ang isang itlog na may design sa kamay ko.
"Grabe ka naman Kaloy! Improving 'to! Salamat!" Sabi ko at nag fist bump kami.
"Okay, tawagin na natin ang ating Birthday Celebrant, Jennifer Chrissy Ledesma!" Sabi ni Kendall, umakyat na ako sa plastic chair na nagsilbing stage.
"Salamat sa Lahat ng dumalo sa kaarawan ko, at sa mga nagbigay ng regalo, Enjoy the night!" Sabi ko at itinaas ang aking dalang nestea at bumaba na, dahil hirap na hirap na ako sa gown ko na patong patong, ano ba naman kasi bakit may pa speech speech pa jusko, alam naman nilang i no speakining english.
Bumaba na ako at sinalubong ako ni Asiong dala ang aking 3 layered cake galing sa bakery dyan sa tabi-tabi. "Jenjen, it's time to blow your 18 candles!" Naka-ngiting sabi ni Asiong na parang gangster ang dating ngayon na naka-jersey pa.
Nag-wish muna ako, dahil sabi ng Mama ko, bago raw ako magblow ng candle ay yun nga mag-wish tapos matutupad raw ito. Ipinikit ko ang mata ko ng dahan-dahan para madama ko ang pagwi-wish.
Sana maging Sales Lady ako ng Save More
Saka ko minulat ang aking mga mata, at pinapalakpakan nila ako tapos heto na naman, todo smile dito smile doon, ano ba naman nangangawit na panga ko ah, nagugutom na ako.
Asan na nga ba ang escort ko?
Tanong ko na naman sa sarili ko sa ikalawang pagkakataon, jusko naman noh, nag simula na ang program tapos wala pa sya buti nalang ako ang may birthday hindi sya, napairap nalang ako dahil sa inip ng kakahintay, ganyan naman talaga ang buhay, sanay naman akong mag hintay. Chos.
"Pasensya na, late ako! Ako kasi yung nag-sara ng Pure Gold!"
At natanaw ko si Junjun, at nagslow-motion ang pagtakbo niya, at suot niya ang kanyang pulang suit na may bitbit pa s'yang baton at may mga skull pa syang singsing.
Ngumiti siya as he ran he's fingers through his hair sabay sabing "Tumakbo pa ako kina Lucio kanina para manghiram ng brip eh nawala sakin" sabay kamot sa kanyang batok.
Ah, kaya naman pala tumango lang ako wala na akong masabi dahil ang gwapong gwapong gwapong gwap-- okay gwapo niya ngayon!
Inalalayan na ako ni Junjun sa dance floor at para sa 18 sampaguita, binitawan na niya ang kamay ko at pumunta na si Mang Harry sa akin at ibinigay na niya ang sampaguita at nag-twerk na siya, para siyang Ulol na uod sa pinaggagawa niya, hanggang sa final 8 na at nangunguna si Zayn, Louis, Niall, Liam, Asiong, Kaloy, Maykol at ang aking escort na si Junjun Roberto.
![](https://img.wattpad.com/cover/25508867-288-k246059.jpg)
BINABASA MO ANG
The Adventures Of Jenjen (Reigning Tondoville Queen)
FanficBoring ang buhay ko at isa lang ang pangrap ko, ang maka-trabaho sa Save More. Pero yun ang akala ko.