#BackToYou

26 3 0
                                    

Guess who's back?I'm back againIt's me Jenjen, tell a friend

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Guess who's back?
I'm back again
It's me Jenjen, tell a friend

At ang tangi ko nalang nakita ay ang motor ni Mang Harry na papalapit ng papalapit sa kay Junjun, di ako maka-sigaw o maka-galaw, para akong naging istatwa sa kinatatayuan ko.

"Jenjen?"

Hindi ko na kaya, marami nang nasasangkot sa gulo na ginawa ko, kung di ko lang sana pina-iral puso ko at nag-isip muna di ito mangyayari.

"JUNJUN!"

Ang tangi kong sigaw sa pag lapit ng Motor ni Mang Harry sa kay Junjun pero nag-dilim ang lahat, nanghihina na ako, wala na akong maramdaman at parang lumututang ang katawan ko. Ang sakit ng ulo ko, kailangan kong mag buscopan venus.

"Jenjen?"

"Jenjen?"

"Oh my G! Jenjen what happened?"

Nagising nalang ako dahil pakiramdam kong may mga taong tumitingin sa akin at tama nga, andito sila, ang tokwa. Anak ng tokwa bakit andito sila? At si Junjun akala ko ba dead end na siya sa tulay? Paano yun? Di ko maintinditan, at si Maykol di na siya panot at si Kaloy wala ng Highlights sa buhok.

"Mabuti gising ka na Bh3szxt!" Agad na yakap sakin ni Kendall, teka ano ba talagang nangyayari?

"Jenjen I'm sorry, mabuti't gising ka na" yakap ni Asiong sakin na ikinabigla ko. "Umalis ka nga! Epal" pangtataboy niya kay Kendall na ikinahulog ng bh3szxt ko sa kama.

"Walang hiya ka, Mang Harry oh!" Pabebeng sumbong ni Kendall kay Mang Harry

"Teka, anong nangyari?" Tanong ko sa kanilang lahat.

"Bigla nalang namuti ang mata mo noong itinanong ko sayo ang 'ano?' " sabi ni Asiong

"Break na tayo! Alam mong may Girlfriend ka lumalandi ka pa!, tara na Kirky!" At aalis na sana ako ng hinawakan niyang kamay ko.

"Jenjen, di yan ang iniisip mo, Jenjen naman mahal na mahal kita! Wag mo kong iwan. Wag kang makipag-break, kahit cool off nalang! Please!"

Huminga muna ako ng malalim bago sumagot.

"Ano?"

"Tapos bigla nalang namuti ang mata mo at bigla kang uminit" dagdag na kwento niya.

"She's kinda hotdog" kanta naman bigla ng mga tao dito sa kwarto.

"Eh dough yun diba? Yung nilalagay sa bibingka?" Inosenteng tanong ni Maykol.

"Bobo Tsong! Sa pizza yun!"

"Eh diba though yun?"

"Oy andito ka pala?" Sarkastikong tanong ni Maykol kay Lucio.

"SHUT UP!" Lucio. Tables turned na pala.

"Hanggang ngayon nga oh, ang init mo pa" dinampi ni Asiong ang kanyang kamay sa noo ko tapos ay sa leeg ko.

Ibig sabihin hindi totoo ang lahat? Na illusyon ko lang ang nangyari matapos itinanong ni Asiong kung ano ang Ano. Ipinakita ng kapangyarihan ko kung ano ang mangyayari kapag nakipag-hiwalay ako sa kanya, may madadamay, may mag iiba, may mawawala, may uulitin.

"Ladies and gentledogs, labas muna tayo, parang may naaamoy akong putok e!" Sabi ni Juju

"Oy naliligo na ako at nag de-deodorant!" pagdepensa ni Lucio sa kanyang sarili.

"SINABI BA NIYANG IKAW? HINDI NAMAN DIBA?!" Galit na sigaw ni Louise, jusko ikaw na Bagita ka kalma.

"Hoy buntis, kalma!" Sabi ni Maykol.

"MA-BAOG KA SANA!"

"Tara na nga't lumabas" Kaloy at tinignan si Lei pero di ko nakita ang expresyon ni Lei kasi tinakpan ni Acacia ang mukha.

Lumabas na ang mga tao maliban na lamang kay Asiong, ang awkward at parang may isang makapal na wall ang nasa pagitan namin ni Asiong na kailangang gibain.

"J-jenjen. . . I'm. . . I'm sorry, sana humindi nalang ako, nagpumilit lang kasing magpasama si Mimi kasi di niya alam kung ano ang ipapa-peace offerring niya sayo, at nung minalditahan ka niya, umarte lang siyang ganon para kunwaring di ka niya talaga gusto. Na ayaw niya sa iyo" Tapos ay yumuko si Asiong

Tignan mo nga yang Mimi na nayan- preno lang Jenjen, wag pairalin ang emosyon diba, dapat ay mag isip muna.

I cupped Asiong's adorable cheeks lifting his head up at nakita kong ngmiti siya ng kaunti at ngumiti ako kaya naman ay mas lumiwanag pa ang mukha niya ng isang ngiting abot kilay.

"I'm sorry rin Asiong, natakot lang kasi akong aagawin ka ni Mimi sa akin, mahal na mahal kasi kita"

Niyakap ako bigla ni Asiong dahil sa tuwa at niyakap ko siya pabalik, Isang mahigpit na yakapan dahil sa sobrang miss na miss ko na siya at dahil di ako nakapunta sa birthday niya na nasa illusyon ko.

"Miss na miss talaga kita Jenjen, masaya ako na gising ka na!" Sabi niya at hinalikan yung pisngi ko habang nagyayakapan parin kami. Ng bumitaw kami sa pagkayapan ay may napansin akong nag bago sa mukha niya.

"Nagpagupit ka?!"

"Gwapo ba?" At nag pogi sign pa siya at nag playful grin. Lord bakit nga ba ako nahulog sa taong 'to?

"Sira ka talaga, mami miss ko yung bun mo!" Ginulo ko yung buhok niya.

"Pero alam mo ba kung ano ang namiss ko?" Asiong

"Ano?"

"Ito!" Tapos kiniliti niya ako ng todong todo, habang tumawa ako ay hinahabol ko ang hininga ko, di ako makahinga utang na loob kakagising ko lang mula sa masalimuot na pag iilusyon

"Asiong tama na di na ako nakakahinga! Maawa ka!" At salamat naman ay tumigil na siya.

"Nagugutom ako" sabi ko.

"Sandali may la paz batchoy na inihanda sa kusina si Kendall, kunin ko muna"

Habang kinukuha ni Asiong ang noodles ay napaisip akong ang swerte ko, may mga mabubuti at mababaliw akong nagpapasaya, sumusuporta at nagmamahal sa akin at isang boyfriend na nag-aalaga at nagmamahal mg todong-todo at sagad na sagad. Mabuti nalang ay hindi ko talaga 'to binitawan.

"Ito na ang noodles" dumating na si Asiong kaya umayos na ako ng upo at umupo na siya sa tabi ko para subuan ng noodles.

"So anong ginawa nyo habang wala ako sa sarili ko?"

"Binantayan ka namin lalo na ako, di ako umalis sa tabi mo at pinagsisihan ko ang nagawa ko" At sinubuan niya naman ako ulit. Inubos ko muna ang pagkain na nasa bibig ko para makapag salita na ulit.

"Asiong, tandaan mo. . . Wala kang kasalanan at biktima lang tayong lahat okay?"

"Okay, basta't walang iwanan Jenjen ah"

"Walang iwanan, pangako"

"Mahal kita Jenjen"

"Mahal din kita Asiong"

The Adventures Of Jenjen (Reigning Tondoville Queen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon