Matapos kong tumaya sa lotto, ano ba. Ang hirap na ng buhay, kailangan kong maging milyonaraya, ang sya nga pala si Eunice na kina Juju, yun! Pag practisan niya para sa hinaharap kasama si Cameron? Si Cams ata, ewan ko sa babaeng yun. Sobrang dami ng lalake, susme. Baka sila na ang susunod na instant na naunahan pa ang instant noodles.
Kinuha ko ang puto ko sa kusina at umupo sa bamboo sofa namin at in-on ang Sony Bravia 5 inches na bagong bili ko galing kay Maykol.
Kung ano anong balita ang lumalabas sa Tondoville Patrol, madaming rebelasyoness ang nagaganap pero ito ako sa bahay, tunganga lang dahil may lahing tamad ako ako, kinakain ko lang ang mga paninda kong puto. Tinignan ko si Lei na kilig na kilig na nagta-type sa Iphone 7 plus na may keypad, bagong bili niya kay Maykol, pero di ko na siya inistorbo pa, baka biglang ma-ihi.
Kakagat na sana ako ng puto ng "Aray!" Parang may kumirot sa mga mata ko pati na rin sa utak ko. Napapikit ako sa sakit at ano to?! Si Maria ba ang babaeng nakikita ko? At si Junjun?ano ba ito?! Nakita kong nakayakap si Junjun kay Maria, nakatalikod si Junjun pero rinig ko ang mga hikbi niya.
Ito na ba ang isa sa mga kapqngyarihan ko maliban sa pagiging illusyonada? Nakaka-kita ako ng hinaharap?! Pero bakit parang sa halip na maging masaya ako ay parang ayokong maging sila ni Junjun at Maria? Para sinasabi ng utak ko na 'Jenjen, pano na iyan? #JunjunMarLeoTere shipper ka...'
Lumabas ako ng bahay at kumuha ang planggana na may tubig at mga bato saka pumosisyon para sa aking pagdra-drama, Kinuha ko ang bato at humarap na planggana.
"Bakit ba kasi ganito?!" At tinapon ko ang isang bato sa planggana.
"Sana ako, sana ako nalang siya!" Nag tapon pa ako ng isa.
"Sinasabi ko lang naman na... na, bakit hanggang ganyan lang ang tingin mo sakin Junjun?! Na may pagka-boyish ako? Na brutal ako sayo?! Na pinagtapo tayo dito sa Tondoville?! Na kahit wala akong maalala, what the mind forgets the heart remembers?! Na kahit nagka-amnesia ako ay hindi nawala ang nararamdaman ko sayo! Bakit?! Dahil hanggang kababata nalang ba ang tingin mo sakin?! Junjun nakakapagod na! Ayoko na! Sana magka-amnesia ako ulit!" At tinapon ko na ang last na bato na nasa kamay ko at huminga ako ng malalim.
"Bobo, sa ilog ka dapat gumaganyan!"
Pahiya na ito..
Kung pwede lang sana kumain ng uod ngayon matagal ko ng ginawa
"Greyson... Pag-asa?"
"Hoy, Jenjen. Anong bang drama drama mo jan?! Sino si Junjun?"
"Ah, ano. Wala, teka pano ka nakarating dito?" Tanong ko
"Ano kasi, nakisabay ako kay Dora, kapitbahay kasi namin siya"
"Ahhhhhhhh-"
"Meooow"
"AY PUSA!" Greyson
"Pusa ko pala Greyson, si Poopie." At tumae si Poopie aa harap ni Greyson bilang pag-bati.
"Jenjen, may puto pa ba diyan?"
"Wala na, di ko rin naman talaga passion ang pagtitinda ng puto, ang gusto ko talaga, ang maka-pasok sa Save More bilang sales Lady, kaso si Meyer yung Tatay-tatayan ko, hindi pumayag dahil ang gusto niya sa Pure Gold ako mag trabaho"
"Jenjen"
"Ano?"
"Sabihin mo sakin Greyson!"
"Bakit?"
"Jenjen"
"Ano nga?!" Naiirita kong tanong.
"Jenjen"
"Greyson!"
"Yan!, ano kasi... may sasabihin ako sayo-"
"Wait... don't tell me-" Napa step back ako.
"I'm not going to tell you that heaven is a place on earth, I just wanted to tell you that I'm waiting outside the lines wondering when will I am going to see you again, and now here... I love you Jennifer"
"ANO?! One time nga lang tayo ng kita eh" kaloka naman to.
" Pero nung nataehan ng baka mukha mo, dun ako nailove sayo, lamoyun love at first sight-"
"Jenjen!"
Holy God, Holy Might One---sandali! Di ko na alam ang nangyayari!
"Junjun?!"
"Jenjen, may sasabihin ako sayo!"
"Huh? Ikaw rin? Magtatapat sakin?"
"Oo, mahal na"
"MAHAL?!
"Oo, sabi ni Melchora sakin, nagtaas na raw ang lahat ng paninda nila maliban sa colgate 14 pesos parin, pinapaalam ko lang sayo, kaibigan tayo eh!" Tapos kumindat siya.
Letche, bakit ang gwapo niya talaga?!
"Jenjen, mamaya, party sa videokehan ni Aling Nena ah" sabi ni Junjun at umalis na
BINABASA MO ANG
The Adventures Of Jenjen (Reigning Tondoville Queen)
FanfictionBoring ang buhay ko at isa lang ang pangrap ko, ang maka-trabaho sa Save More. Pero yun ang akala ko.