#LostGirl

117 9 7
                                    

Nagising nalang ako ng una kong nakita ay si Kendall at Lei, paano ako nakarating dito? Diba nasa Puregold ako?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagising nalang ako ng una kong nakita ay si Kendall at Lei, paano ako nakarating dito? Diba nasa Puregold ako?

"Jenjen, dinala ka ni Junjun dito kahapon, nahimatay ka kasi" Adlai at inabutan niya ako ng Rainbow color na gulaman, ito yung favorite ko eh!

Inalayan ako ni Kendall na umupo sa kama saka ininom ko ang Gulaman.

"Jenjen, pinadalhan ka ni Juju ng Lumpia, hinatid yan ni Maykol kanina" Kends.

"Paki-sabi kay Juju, salamat---ay wag na pala, nag-extend ako ng Combo 10 ko kahapon bago umalis ng bahay" At kinuha ko ang Iphone 6 ko na dual sim sa side table.

"San mo binili ang Iphone mo?" Curious na tanong ni Lei.

"Kay Maykol, o diba ang ganda, with free memory card yan na 16 gb at free sim din!" Pag-mamalaki ko.

"Jenjen, check natin temperature mo" Kendall at kumuha ng temometer.

May sakit ako? Danapi ko ang kamay ko sa leeg k--"Aray!"

"See? May sakit ka, bakit ka ba kasi nagpa-ulan kahapon!" Parang nanay na sabi ni Kendall at nilagay ang termometer sa kili-kili ko, mabuti nalang mabango, nag rexona kaya ako!

Bigla kong naalala ang sinabi nung Jenny kahapon, yung mga tunay kong magulang.

Sina Faye Costanza at Erwin Costanza.

Si Junjun lang ang makaka-sagot sa lahat!

"Lei, asan si Junjun?"

"Nakita ko kanina pumila sa Gulaman ko, at pagka-tapos ang kasama sila ni Kaloy papuntang Tindahan ni Aling Nena"

~

"Junjun, pwede mo bang ikwento sa akin lahat?"

Andito kami ni Junjun sa sala ng bahay namin ni Kendall at Lei, inihanda muna nila Lei ang Neon color na Gulaman at ang Lumpia ni Juju

"Lahat?" Parang tanga na tanong ni Junjun sakin.

"Ay hindi, ang natira" pambara ko.

"Ha?"

"Junjun, seryoso ako, minsan lang ito" naiirita kong sabi.

"Sorry" at napa-yuko siya.

Bakit ng pag-yuko niya ay nag slow motion ulit? Ito yung naramdaman ko ng iniligtas niya kami ni Justin.

*Junjun* *Junjun*

Ito na naman ang tibok ng puso ko, bakit ganito?

"Excuse me, ito na ang miryenda niyo" Kendall, ay saved by Kendall.

"Junjun, pwede mo bang ikwento? Importante to sa buong pagka-tao ko" Pagmamaka-awa ko. "Junjun, I'm just a girl turned 18" Sabi ko.

Nag pekeng ubo muna si Junjun at nagsimula ng magkwento.

"Nasa plaza ako noong 5 years old pa ako, naglalaro ng piko ng hindi ko na tansya ay nasapul ang isang batang babae na nangugulangot, focus lang siya nun pero nadistorbo ng natamaan siya ng piko, Nilapitan ko siya para mag-sorry pero agad niyang nilagay sa pisngi ko ang kulangot niya"

"Kadiri naman!" Kumento ko.

"Oo, kadiri mo, tapos nangulangot din ako at gumati sa'yo hanggang sa nagpakilala ako sa'yo at ikaw din, naging magkalaro tayo o kababata for short, pero isang araw bigla ka nalang nawala, inantay kita sa plaza at sa basketball court na may 4ft. Ring pero di ka dumating"

"Talaga? Inantay mo ako?"

"Oo halos araw-araw, hanggang sa ilang tao ang dumaan at dumating si Jenjen Ledesma dito sa Tondoville, akala ko ang kababata ko pero ikaw pala yun" At nalungkot ang boses niya.

"Pero di ko inakalang ikaw pala yun Jenjen, ang Jenjen na kababata ko"

Aray! Teka--bakit parang may kumirot sa puso ko nung pagsabi ni Junjun na kababata niya lang ako?

"Junjun, bakit ako pinalilipat ni Meyer sa Puregold?"

"Dahil, ikaw lang ang tanging na sa Save more, maliban nalang kay Asiong pero kailangan din para mabantayan kita"

"18 na ako Junjun, ayoko, dun lang ako sa save more! Pangarap ko yun!" At napatayo ako.

"Jenjen, hindi ka normal, tayong lahat may taglay na kapangyarihan!" At napatayo rin siya.

"Jun, masaya na ako sa buhay ko ngayon!"

"Jen, kailangan mong tanggapin!"

Unti-unti kong nararamdaman ang mga luha ko sa pisngi ko at lumabas ako ng bahay, kailangan kong maka-limot muna kahit limang segundo lang.

Habang busy ako sa pagda-drama ay naramdaman akong ibang tumutulo sa pisngi ko, kinapa ko iyon at..

Yaks! Bakit ang puti? Ang baho!

Inangat ko ang ulo ko at nakita ko ang mga kalapati na lumilipad sa langit!

Bwwwwwwwssssst na buhay 'to!

nataehan ako ng Kalapati!

"HOY! MAHUHULI KO RIN KAYO! GAGAWIN KO KAYONG SABON! TANDAAN NIYO YAN! MAKIKITA KO KAYONG NAKA-KARTON NA SA SAVE MORE!" Parang baliw kong sabi sa itaas at oinagtitinginan na ako ng mga taga Tondovillagers!

×××

Di ako nka-ud nu g Sunday, naka-tulog ako.

The Adventures Of Jenjen (Reigning Tondoville Queen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon