CAPÍTULO DIEZ

405 9 0
                                    

As the day past naging busy na din ako dahil sa trabaho ko kasi ilang days ako hindi naka pag bukas ng coffee shop ko dahil sa nangyari sa akin. And currently nasa mansion pa din ako ni Vladimir nakatira, hindi pa nya ako pinabalik sa aking condo dahil sa ayaw nya. Hindi ko alam kung ba't ayaw nya pa ako bumalik don.

At kasalukuyan akong nag babake ng Isang order ng isang tao na sarap sapakin. Sa dis oras ng gabi ginising ako para lang mag bake ng bento cake na nauuso ngayon dahil malapit na ang araw ng mga single. I mean puso pala. Si Brenda lang po yung tinutukoy kong tao.

"Heart shaped ba yan Cy?" Tanong nya habang dumudungaw sa ginagawa ko.

"May mata ka naman siguro no'? Kita mo naman na yung heart shape diba, tinanong mo pa ako sa walang kwenta mong tanong" Medyong inis kong saad.

"Aba, galit ka na nyan? Buti nga sayo binabayaran ka kaysa katulad ni Angel na umuutang pa sayo." Paririnig nyang saad kay Angel na nasa sala nanonood Ng TV.

"Narinig ko yun bakla!" Sigaw ni Angel sa sala.

Napailing na lang ako dahil sa bardagulan ng dalawa. Pinagpatuloy ko na yung paglagay ng cake sa oven para maluto na. Pagkatapos ay sinimulan ko ng magligpit sa mga gamit at maghuhugas na.

Iniwan ko muna yung cake sa oven since bagong lagay pa yun. Tumabi muna ako sakanila manood ng 365 days. Oh diba! sa dis oras ng gabi nanonood pa kami nyan at alam nyo naman siguro kung sinong pakana nyan.

"Hindi mo pa ba yan napanood Angel?" Taka kong tanong sakanya.

"Limang ulit nya yan panuorin, pag-aaralan daw nya yung mga position dyan yung sa part na nasa yacht na sila."

Hinampas ko na lang ng unan si Angel dahil sa sinabi ni Brenda. Nagtawanan na tuloy kami. Ilang minuto lang ay tumunog na yung oven hudyat na naluto na yung cake kaya iniwan ko muna sila para magsimula nanaman ulit sa icing.

After an hour, natapos ko na din ako mag design sa cake at naipasok ko na sya sa lalagyan nito. Nakatulog na yung dalawa sa guest room dito ni Vlad. At ang oras na ngayon ay alas tres na ng madaling umaga. Pasado alas dose sila pumunta dito kaya ng natapos na nila yung pinanood nila ay agad na silang umakyat.

Tatlong cake yung nagawa ko kasi may konti pang cake mix at sayang naman kung di yun lulutuin kaya akin na lang yun at magbabalak na may bibigyan ako nyan bukas. Hindi na ako umakyat at dito na lang sa sala matutulog.

___________|•fast forward•|___________

Kasalukuyan akong nagbibihis para aalis, kasi may pupuntahan ako. Maagang umalis yung dalawa kasi may surprise daw yung mga asawa nila. Edi sila na. Hindi naman sa na inggit ako, sadyang masaya lang ako para sakanila kasi nahanap nila yung taong mamahalin sila ng sobra.

Tapos na akong magbihis at naka black trousers lang ako at naka white polo na naka unbutton yung dalawang button para makita yung collar bone ko at naka white sneaker din ako. At isang mini shoulder bag na ang laman lang ay yung cellphone ko, mga credit card na kailangan dalhin, ID, at iba pa.

"Nay, aalis na muna po ako" Pagpapaalam ko kay Nanay Ester yung head ng maid dito at Nanay ni Kaycee.

"Nagpaalam ka na ba kay Vladimir, iha? umaga na yun umuwi kanina at ng nakita ka nyang natutulog sa sofa ay dinala ka nya sa kuwarto mo, nakita pa nga yun ni Brenda" Saad nya.

So, that is why pag gising ko nasa kuwarto na ako. Ba't umaga na sya umuwi?

"Magpapaalam muna ako nay" Saad ko at umakyat muli.

Magpapaalam tayo sakanya baka sasabihin pa nya na inaabuso ko yung pamamahay nya. Kumatok muna ako sa pinto ng kuwarto nya pero walang sumagot kaya pinasok ko na.

Tied Up to A Dominant Man [ON-GOING]Where stories live. Discover now