CAPÍTULO TRECE.

343 5 0
                                    

I almost groaned when i heard noises coming from my kitchen? Agad akong napatingin sa orasan at napakunot ng noo. It's 5:48 pa lang ng umaga. For fuck sakes! Who the hell would be in my condo at this early?

Kahit masakit yung ulo ko dahil sa sobrang lasing kagabi. Hindi ko na din naalala kung sino ang naghatid sa akin. Kita naman sa sarili ko na hindi pa ako nakapag bihis.

Napailing akong tumayo dahil sa sakit ng ulo. I tied my hair in a messy bun before walking out.

Nagtaka ako nang makita sina Amira, Isabelle, Angel, Leah, Brenda, Sheena. Completo ang mga hayop. Nasa hapag sila at may kinakain.

"Angel! ang takaw mo naman kumain, tirhan mo din si Cyrelle, Si Vladimir pa naman nagluto nyan" Pag sesermon ni Amirah.

Vladimir is here?

Dali-dali akong bumalik sa kuwarto at agad na ni lock yung pinto. Myghaaad! buti na lang di ako nakita. Agad kong tinignan yung sarili ko sa salamin. Boom! Sabog na sabog ang mukha pati ang lipstick nakakalat. Yung buhok ko na parang sinabunutan. Maligo na nga lang ako.

Without a hesitation naligo talaga ako. Ang panget ko pa naman. Kinuha ko na yung towel ko at agad na pumasok sa banyo. At naligo na.

After kong maligo ay agad na ako naghanap ng mabibihisan. Just a normal shirt and short-shorts. Inayos ko na din yung buhok ko pati nakapag skin care na din.

Pak! pwede na akong lumabas.

Paglabas ko ay nakita ko na sila na nasa sala na nanonood ng TV. When they saw me, nag wave lang sila at pinagpatuloy yung panonood. Tatabi na sana ako sakanila ng makita ako ni Vladimir at nagsalita.

"Come here, eat your breakfast. May pupuntahan tayo" He said.

He prepared everything in the table, kulang na lang ay umupo ako. Just a simple breakfast. Scrambled egg, bacon, fried rice, and hotdogs. Tinignan ko muna sya pero may kausap na sya sa cellphone nya kaya umupo na ako at kumain.

Pangatlong subo ko pa lang ay bigla na lang nagsalita si Vladimir.

"I have to go, make sure to finish this. I'll fetch you at eleven, okay?" He said and kissed my forehead.

Nagpaalam na din sya sa mga kaibigan ko at tuluyan na nga syang umalis. Ipagpapatuloy ko na sana yung kinain ko ng biglang nagsitakbuhan sila sa kusina. Ano nanaman?

"Cyrelle...."

Natigilan ako sa pagsubo saka dahan-dahan na inaangat ang aking tingin sakanila. Tumaas na lang ang kilay ko pagkakita sa mga makatanungang tingin nila sa akin.

"Ba't ganyan kayo makatingin sa akin? Wala naman akong kasalanan nagawa" Sa pag aakalang okay na sila sa sinabi ko ay napangiwi na lang ako dahil sa iba na yung ngiti nila sa akin.

"Wala ka naman talagang kasalanan, at may tanong lang kami sayo ha!" Saad ni Leah.

"So? Bakit ka nag-ala disney princess noong isang araw? At binuhat-buhat ka pa ng isang billionaire, Aber?" Saad ni Amira na may panunuksong tingin.

Sabi ko na nga ba e'. Pag issue ko talaga di nila malilimutan. Jusme.

"It's just.....pagod lang ako nung time na yun, and he insisted na buhatin nya ako. Kasi pagod daw ako" Salad ko sakanila.

"Yun lang?" Sabay nilang tanong. Tumango ako nilang sagot.

Hindi na ako nag sinungaling pa kasi, hindi nila talaga ako tatantanan ng tanong kung hindi sasabihin ang totoo. After that bumalik na sila sa sala para tapusin yung panonood.

Natapos na din akong kumain, nahugasan ko na din yung ginamit ko. At kasalukuyan akong namimili ng susuotin na damit. Kasi nga ang sabi ni Vladimir na may pupuntahan daw kami. Hindi naman nya sinabi kung saan.

Tied Up to A Dominant Man [ON-GOING]Where stories live. Discover now