ginawa nito dito, hanggang school makikita ko.
"Arya tinitignan mo dyan?" tanong sa akin ni David pagkalapit, pero hindi ko pinansin at tumingin na ulit sa ibang way.
nararamdaman kong my nakakatitig sa'kin kaya lumingon ako sa likod pero wala, pag tingin ko sa kanan ko nakita ko si Dave na nakatingin sakin at naka ngiti wow happy pill muna ko agad Dave.
"Ms Cruz, hinahanap po kayo ni Sir Evren" sabi ng isang studyante hindi ko kilala " sa office daw po niya ngayon na daw po" tuloy nito ng hindi ako gumalaw.
tumango para sabihin na pupunta ko sa opisina ni sir Evren.
////////////////////////
"Ano pa bang kelangan kong gawin, Arya?" panimula niya, nagkibit balikat lang ako dahil hindi ko alam kung ang tinutukoy ni Sir
"Sir?" tawag ko " saan po ba tungkol ang pag-uusapan natin?" tanong ko rito.
"tungkol sa suspension o paglilinis ng school ng apat na studyante!" sagot nito sa akin
sus! ganyan ka lanh naman kasi andun girlfriend mo e, sumbong kita sa DepEd e.
"Sir, ikaw po ba si Ellen?" tanong kk at umiling naman siya " so Sir hindi po ikaw si Ellen, ibig sabihin po hindi po ikaw ang kukuha ng parusa nila Ellen diba!" tuloy ko at lumungkot lamang ang mukha ni Sir.
lumabas nako ng Opisina ni Sir Evren dahil wala naman kasi kaming dapat pag usapan.
nagulat na lang ako ng biglang my nagtatakbuhang studyante sa open-field hindi ako maka takbo din dahil masakit ang paa ko kaya naghatak ako ng isang studyante at nagtanong.
"hey Avri, anong nangyare at bat kayo nagtatakbuhan?" tanong ko hinihingal siya at sumagot
"may bagong studyante ang pogiii, Arya!'" sabi niya sakin na halatang kinikilig
"huh?! ok" sagot ko at tumakbo ulit siya ng pakawalan kona.
gwapo? kelan pa nagka gwapo dito hayst
"Goodmorning students and teachers, go all now in the open-field"
Sabi ng isang guro.
Ayan na naman tayo! Napaka init ngayon hayst.
sabay sabay lumabas ng classroom ang mga studyante kaya nakisabay na din ako
"Arya dito tayo sa harap!,"tawag sa akin ni Stella ang isang kaibigan ko.
"anong ginagawa mo dito sa harap kainit init ah, baka atakihin ka ng sakit mo!" alalang tanong ko
umiiling iling lang siya sabay tawa "wag ka mag-alala kaya nga kita inaya kasi alam kong my payong kana mamaya" sagot niya ng parang baliw.
siraulo talaga ket kailan to, pag ito nalaman ni Daddy sabay kaming pagagalitan buti at ala si David dahil pati ang isang yun malalagot din.
"nga pala kamusta si Ate Fave at kuya mo?" tanong niya nang hindi lumilingon sa akin.
"ayun, hiwalay na." tamad kong sagot.
"goodmorning students" unang bigkas ng principal "ngayong araw ay may mga bagong studyante sa ating school kaya ating iwe welcome" tuloy ulit.
woaah sana pogii
pogii ba yan ma'am?
maaaam sana pogii.
ma'am chiks ba yan.
woahh ayaan naaa sana pogiii
sigaw ng mga kapwa studyante ko. ano naman kung pangit? bakit kelangan ba ng pogi at gwapo? sus mga shansing lang to!
"ituloy tuloy na natin ito dahil halatang mga iniinit na kayo!" sabi ni Sir Airron habang tumatawa.
suss sirr si Arya naiinitan naaa - rinig kong sigaw ng isang studyante sa likod at nagtawanan lahat yung iba naman nag abot ng payong para hindi ako mainitan .
"Ito na lahat ng studyante" turo ni sir sa lahat ng naka tayo sa harap namin " introduce yourselves first before I tell you which section and grade you are." tuloy ni woah english huh
"Aj Vedes, 18"
"Liam Erez, 19"
" Kristine Suarez, 18"
"Cristian Suarez, 18 yes twin ko 'to"sabay turo kay Kristine na nasa tabi niya
"Diana Coltz, 17"
"Xinia Vior, 18"
" Elise Mendoza, 19" college huh
"Lea Erez, 19 wag niyo ko tanungin kung ano ko si Liam"
taraaay ni girl ohhh!!
"Dave Ibarra, 19"
bwaaah angggg pogiiiii mopooo
my girlfriend kaaana Daveee?
asawahin mokoooo Dave Ibarra
Ibaraaa akin kana lang
sus di naman pogi - Alvin Alvarez
"Hi Arya" biglang salita ulit nito sa mic kaya napatingin akp sa kanya ulit
Naks kilala ako, parang parang parang kilala kooo siyaaaa!!
"Huh?" sagot ko habang kinikilala kung saan ko siya nakita.
"IKAW?" "ARYA!" sabay naming sabi at napatingin lahat ng studyante samin at nagtataka kung bakit kami magkakilala.
ay wow kilala si Arya.
Arya ano mo yan!
Arya boyfriend mo? olats agad.
Naks my boyfriend na si Arya.
Arya lang.
Hoy Arya alam ba yan ng daddy mo hah!
Tanong ba yan o ewaaan! diko nga kilala yan.
"Isang oras lang ang binigay sa atin dito sa field dahil my mga exam at quiz kayo, dahil masyado na tayong advance na oras, pauunahun kona kayo sa mga classroom ninyo dahil inaantay kayo ng mga teachers niyo" salita ni sir Airron.
lahat ng studyante ay nagreklamo dahil hindi nalaman ang mga sections nito pero halata namang 1st year college at grade 12 ang lahat na transfer pwera sa isa dahil grade 11 pa lang ang isa.
Nagtataka siguro kayo kung bakit magkasama ang college at senior high dahil gusto ni daddy .
Senior at College lang naman pero dahil masyadong maraming nag aaral na college ay ihihiwalay na ulit ang grade 11 dahil masyadong bata pa daw kahiy hindi naman. tsk si daddy talaga.
"Arya anong ginagawa mo dito sa labas?" tanong ni Da-! DAVE? DAVE IBARRA?
ang pinsan ni Fave.
/////////////////////////////////////////////////
//////ito naaaa shets!! magsisimula na ang kandugan hihi