Si Sophia po yung nasa Media..
Enjoy!!! =)
-------------------------------
Sophia's POV
"Sophia. Sophia.."
May naririnig akong babae na tumatawag sa akin. Malumanay ang kanyang boses.
Teka! May nakikita akong anino.
"Sino ka?! Magpakita ka!" Sigaw ko sa anino na maya maya pa'y palapit na ng palapit sa akin itong anino na nakikita ko.
"Pasensya na iha. Hindi ako isinuka, ako'y inire din ng aking ina gaya mo." Sabi ng anino. Aba'y pilosopo pala ito. Pero ang lumanay parin ng boses nya kahit namimilosopo.
"Wag ka mag alala, ako'y magpapakita sa iyo sa tamang oras." Dagdag pa nya.
Maya maya pa ay nagbago ang paligid. Napunta ako sa isang Hardin.
"Sophia!!" Sigaw ng isang lalaki. Sino Naman kaya ito? Anino lang rin ang nakikita ko. Kinusot ko ang mata ko at matapos ito.. Nakita ko nalang na nasusunog ang hardin.
Ang lalaking sumisigaw kanina ay nakikipaglaban sa isang dragon. Teka! Isang dragon!!
"Ahhhhh!!!!!!" Sumigaw nanaman yung lalaki. Nasusunog sya?? Nasusunog nga sya!!
"Hindi!!!" Napasigaw ako. Hindi ko alam kung bakit Pero bigla nalang akong natakot. Sinubukan kong igalaw ang katawan ko Pero Hindi ako maka alis sa pwesto ko.
"Tulong! Tulungan nyo ako!!" Mangiyak-ngiyak na ako sa pag hinggi ng tulong,
Maya maya pa ay narinig ko nanaman yung boses nung aninong Babae kanina.
"Imulat mo ang iyong Mga mata." Sabi nya. Sira ba sya? Nakamulat na nga mata ko eh.
"Sinapian ka ba ng kung ano? Naka mulat kaya ako!" Pasigaw Kong sabi.
"Ayy sira! Edi pumikit ka Tapos imulat mo ulit yang Mga mata mo!" Sabi nya. Ay Hindi.. Sigaw nya pala. Palapit na ang dragon sakin kaya sinunod ko Naman yun.
Pagmulat ko..
"Ahhhhhhhhh!!!" Sigaw ko. Napansin ko na nasa kwarto ako at pawis na pawis. Panaginip lang pala. Akala ko mamamatay na ako. Bigla nalang tumunog ang alarm clock ko.
Nako! May pasok pala ngayon.. At Lunes pala! Bumanggon na ako at ginawa ang daily morning ritual ko. (Alam nyo na yun. Kung Hindi pa, maganda kung isesearch nyo na. Hihi!)
After ko sa daily ritual ko..... Ayy! Nga pala.. Di pa ako nakakapag pakilala. Ako si Sophia Riley Williams. Kung kaibigan kita gusto ko ang tawag mo saken Sophia parin, pero kung best friend kita.. Syempre pwede mo akong tawagin na Phia. Wag nyo lang akong tatawaging Riley, naaasar ako eh. 71 years old na ako. Ay Hindi! Joke lang yun! 17 years old. Matalino. Check. Maganda. Check. (Pero sa paninggin lang nanay ko.) Madaldal. Check. Friendly. Check. (Dahil sobrang friendly ako pati yung ibang mga plastic na tao kaibigan ko rin. Oh diba? I'm so great) Anong basic information pa ba kailangan? Hmm.. Sa ngayon yan nalang muna kasi in..
3
.
.
.
2
.
.
.
1
.
.
.
"Sophia!! Anak! Gising na at kumain ka na! 30 mins. Nalang late ka na sa school!" Si Mama yung nagsabi nya, Pero wait! Ano?!?! 30 mins. Nalang?!?! Ganun ba kahaba ang pagpapakilala ko sa inyo?!?!
(Hindi Naman. Sadyang mabagal ka kasi maligo)
Grabe ka Naman otor! Di Naman eh. 1 hour lang Naman.
(See? Antagal mo maligo. Ayieeee! Siguro nagdadalaga na sya!)
Otor Naman eh! Wag mo munang ibulgar! Panira ka eh noh!
(Haha! Sige na. Alis na ako. Panira pala ako eh. Sa susunod nalang ulit)
Yes! Bye otor!
Ayan! Tara na nga at nang maka-kain na ako dahil mali-late na ako! Sabay kami kumain nila Mama at Papa. Also Kahit mahirap lang kami we are a HAPPY FAMILY. Si mama ay kusinera sa isang mayamang pamilya at si papa ay isang hardinero sa pamilya kung saan nagta-trabaho si mama.
Pagkatapos namin kumain ay umalis na ako agad dahil 20 mins. Nalang late na ako. Buti nalang I can go to school within 10 mins. At 5 mins. Papunta sa room ko. Oh diba?! Na-estimate ko pa kung ilang minuto ang byahe mula sa bahay.
"Paalam po mama at papa. Aalis na po ako, mali-late na ako eh." Sabay halik ko sa pisngi nila.
"Mag ingat ka anak ah! Mahal ka namin! Pag butihin mo ang iyong pa gaaral." Sabi yan ni papa.
"Syempre Naman po, Papa!" Sigaw ko sabay takbo kasi baka ma-late na talaga ako.
Pag dating sa school...
"Hayyy! Buti nalang di pa ako late! First day of classes pa Naman!" Sabi ko na hinggal na hinggal dahil sa pagtakbo.
"Sophia!!!" Sabay na sigaw ng dalawang babae. Bakit ba kanina pa may sumisigaw ng pangalan ko?!
"Oh!? Bakit?!" Sigaw ko naman yan sa kanila
"Tara na sabay-sabay na tayo pumasok" sabay ulit sila. Pumasok na kami sa loob ng Winysris Academy. Ang weird ng name ng school namin noh? Wondering who they are? Mga baliw na kaibigan ko lang Naman. Si Aila Patricia at Aliyah Patrice Henley. Yes! Kambal sila at galing sila sa mayamang pamilya kung saan nagta-trabaho ang akong Mga magulang.
Si Aila ang girlish sa kanilang dalawa. Nakatali sa likod ang buhok nya Pero may part pa rin na nakalugay. May headband din sya na suot lagi, si Aliyah Naman ang may pagka-boyish Pero Hindi sya Tomboy. Nakatali lang sa likod ang buhok nya na medyo messy. Pareho silang maganda at di ko alam kung Pano ko naging kaibigan itong kambal na 'to eh.
May dalang bear ai Aila, maya maya pa ay bigla Naman yung hinablot ni Aliyah. At sinabing..
"Bleeeh! Kunin mo 'to saken kung kaya mo!"
"Aliyah Naman eh!! Akin na yan!" Sabi yan ni Aila.
Eto talagang si Aliyah sobrang childish. Hinabol Naman ni Aila itong si Aliyah hanggang sa room. Inunahan na nila ako, akala ko ba sabay kami?
Tatakbo na rin sana ako Pero bigla akong bumangga..
"Aray! Ansaket ng ilong ko ah!" Ako yan.
"Stupid.." Sabi ng isang cold na boses.
"Hala!? Kailan pa nag salita itong pader na 'to?!?!" Ako.
"Stupid nga..." Sabi nya ulit.
Tuminggin ako sa taas.. Ang nakita ko ay si..
"IKAW?!?!" Ako.
"Yes. Ako nga, Stupid." Sabi nya ulit habang nakatinggin saken..
------------------
Yun lang muna sa ngayon ah.. Sorryyyy..
Pero sino kaya yung nabangga nya o nakabangga sa kanya?
Bakit kaya gulat sya?
Next: Chapter 2
YOU ARE READING
The Lost Elemental Mage Princess
FantasyFirst fantasy story ko po ito. Hope you'll like it. =)