Convince

1.3K 84 2
                                    

Sophia's POV

Hayyy.. Bakit naman ako nasama sa Room ng mga taong SPECIAL ANG SEKSYON?!

"Phia?" Aila

"Hmm?? Bakit???" Sagot ko.

"Phia. Kailangan natin mag usap. Para sa kabutihan mo 'to Phia" saad ni Aila.

"Eh kung simulan nyo na kaya? Andami-dami nyo walang gustong mag simula ng matino" totoo naman :3

"Fine. Sophia. Kailangan mo sumama sa amin." Ehhh!? Bakit naman biglaan tong si Sophie. Di pa nga ako nakapag impake eh.

"Saan ba? Boracay? Gora ako." Hihi! Gora naman talaga ako kapag ganyan kaya lang wala pa akong susuotin.

"Phia. Hindi sa--" pinutol ko naman si Aliyah

" Sa LONDON!!" Sigaw ko ^o^

"Hindi. Sa A---" pinutol ko si Leslie.

"Sa Paris!!" Ako ulit

" HIN--" Acer

"Sa Japan?" Ako

" "Hindi rin--" Ciel

"Sa PILIPINAS LANG----" ako naman naputol ni Blake nung Sumigaw sya.

"Stupid Phia! Pakinggan mo muna kaya sila?! Masyado kang maingay! Di tayo matatapos dito eh!"  di na ako umimik :( galit na sila eh.

"As what we are saying Phia, kailangan mong sumama sa amin. Hindi tayo gagala or magbabakasyon. Mag -aaral ka sa panibagong eskwelahan" Saad ni Aliyah."

"Eh?! Bakit naman?! Di nyo na ba ako mahal?! Pinapalipat nyo na ba ako ng ibang school kasi di nyo na ako mahal?!?!" pag d'drama ko.

"Phia naman. Hindi sa ganun. Naaalala mo ba yung ginawa mo kay Magenta?" Tanong ni Aliyah sa akin.

"Hindi. Wala akong maalala eh." Sagot ko naman.

"Well, in that case, sasabihin na namin sayo ang nangyayari. Nung araw na yun. Nagbago ang kulay ng mga mata mo. Naging pula. At bigla kang nagpalabas ng isang malakas na enerhiya at kapangyarihan. Ang pula mong mga mata ay hindi normal at hindi kagaya ng sa amin. Ang sa amin ay iba. Walang may pula kaya kailangan mong sumama sa amin at doon mo pag aaralan ang kapangyarihan mo. Tatanggalin natin ng alaala ng lahat ng normal na tao dito na nakakakilala sayo. Maski ang pamilya mo. O di kaya ang mga kaaway mo rin, para 'to sa ikabubuti mo." Sabi ni Aila

"Wait? Anong iba? Anong pulang mata? Anong kapangyarihan? Anong tatanggalin ang mga alaala?" Di ako makapaniwala. Walang nagsi-sink sa utak ko.

"Isa kang kagaya namin. May kapangyarihan ka gaya namin ngunit nagiging pula ang mata mo.Pero panigurado, isa kang weakling" paliwanag ni Leslie na medyo sarcastic ah tas sinamaan sya ng tinggin ng lahat kaya natahimik ang leon.

"Kapangyarihan. Hmm.. I don't believe in that. Wala pang April para mangloko kayo. Di nyo ako mauuto." Sabi ko. Totoo naman eh. Di kapani-paniwala

"Gusto mo ba ng pruweba?" tanong ni Blake.

"Hmm.. Sige. Kung mabibigyan nyo ako ng totoong pruweba. Matibay na pruweba jan sa sinasabi nyo." Hinahamon ko sila kahit wala naman talaga ata/

"Okay. Sasama ka sa amin pag napatunayan namin 'to ah" Blake

"Osige ba!" Sagot ko naman. I'm confident na di naman 'to totoo.

"Leslie mauna ka" sabi ni Blake.

Pumikit si Leslie and in just a snap of her finger eh biglang lumakas ang hangin dito sa kwarto! Nakasara naman yung mga bintana eh! Parang may ipo-ipo ditoooo! Wahhhh!! Buti nalang at nawala agad.

"Her power is the Wind Element" sabi ni Aila

"Riko. Ikaw naman." utos ni blake.

"okay." Wow. Napaka anghel ng boses nya dun ah. Wait! Di ko napansin agad na lumulutang ako. WAAAH! Takot ako sa matataas!!! T_T

"Omayyygadddd!!! IBABA NYO AKOOO!!!! Natatakot ako dito sa ere!!!" Sigaw ko at agad naman akong ibinalik sa sofa pero pabagsak nya akong ibinaba

 "Ahhh!!!! Tunguna! Ayoko pa mamatay!!!!" Sigaw ko ulit bago ako bumagsak. Di ko na ata kaya 'to eh. T_T

"His power is to let anything levitate on his own will. He could even transform too" sabi ni Aliyah

"Ikaw na Ciel." sabi ni Riko. Ang anghel talaga ng boses at itsura nya <3

Gumawa ng bilog si Ciel. Pero tubig?!?! Pano?!?! Omaygad! Ibabato nya ata sa akin!!! Fudgee!! di ako makaalis. May mga galamay na tubig na humihila sa akin sa kinatatayuan kooo! Anong gagawin kooo?!?!


"Ahhhhh!! Waaag! Kingina! Ano 'to?!?!?!" akma namang ibabato na ni Ciel ang tubig ayun, binato na nya at BOOM! Napapikit ako pero wala naman akong maramdamang sakit. patay na ba akoooo?!

Iminulat ko ang mga mata ko at nagulat nalang ako nung nakita kong nakahinto yung mga tubig sa harap ko.

"Hihi! Wala akong balak manakit ng Cute na babae gaya mo. Water element ang sa akin" sabay wink nya.

"Ako naman!" Sabi ni Acer.

Di na ako masyadong nakapaghanda dahil bigla nalang lumindol. Jusme! Nahihilo na ako. Binabawi ko na ang sinabi ko.

"Walang bawian" may nagsabing lalaki sa utak ko. Syempre nagulat ako. lumilindol na tas may nagsasalita pa sa utak ko. Hala?! Baka nababaliw na akoooo?!?! O di kaya may multooo!?! Jusko! Takot po ako sa multo! Wag naman gantooo!

Maya maya pa ay tumigil na ang lindol.

"Ang sa akin ay ang Earth element." Ngumiti si Acer sa akin.

Lumapit sa harap si Blake. at maya maya pa ay... WOAH! May apoy sa kamay nya. Waittt! Ibabato nya rin baaa?!?! Oww.. Napanatag ako kasi di naman pala pero maya maya ay may apoy na nakapalibot sa akin.

"Tama naaa.. Ang init. Di.. a..koo.. M..Ma...Ka..hi..nga." Sabi ko. Oo na. Maniniwala na ako. Tama na. Natatakot na ako sa mga 'to baka mapatay na ako.

Maya-maya eh nawala na bigla ang apoy.

"Sorry." Yan ang sabi ng Halimaw na yun. Jusme! Aatras na ako. tatakas na ako. Di na ata ako lalabas ng buhay dito eh.

"Fire element ang sakanya. Actually... 3 ang kapangyarihan namin but we tend to show you our specialty. Ang kapangyarihan na pare-pareho kami ay ang "Blossom" kung saan kaya naming mare-generate ang lakas namin at pagalingin ang sarili namin" Sabi ni Leslie

"Bes! Kami naman ni Aila!" sigaw ni Aliyah.

Eh!?! Sila rin?! 'Bat di nila sinabi agad 'to saken?!?! DIOS MIO! Ayoko naa.. Tama! Ayoko na.

"Guys! Ayoko na. Magpapahinga na ako." Akmang tatayo na ako at lalabas ng biglang mapundi ang mga ilaw. Nagpapatay-sindi sya. Ano!?! Multo na ba talaga 'to?

"Umm.. guys? Sira na ata 'tong ilaw dito.... GUYS??" Parang wala na sila? WAIT. WHAT?! AYOKO MAIWAN DITO PLEASE!

"GUYS!!! NASAN KAYO?!?! WALA NAMANG GANTO OH?! NATATAKOT AKO!" Sabi ko na parang maluluha na. Tsk. Nahihilo na ako. 

"HAHAHA!!" Napatalon ako dahil sa tawang yun. Nakakakilabot. Parang demonyo.

"SOPHIA. SUMAMA KA NA SA AMIN. KAILANGAN KA NAMIN" HUHU!!! Natatakot na ako! AYOKO!

"ALIYAH! AILA! NASAN NA KAYO!?!?! TAMA NA! PROMISE MAGPAPAKABAIT NA AKO AT ILILIBRE KO NA KAYO NG FOOD" Pagkasabi ko nun ay biglang lumitaw silang dalawa sa harap ko at tumigil sa pagkapundi ang ilaw.

"Talaga?" Sabi ni Aila tas bigla syang nawala.

"Promise mo yan ah." sabi ni Aliyah. Nandun sya sa table kanina pero nawala sya. Umiikot na ang mga mata ko. Nahihilo na talaga ako.

"Kami ang kambal mong kaibigan. Kaya naming mag teleport, mag invisible at syempre.. Gumawa ng Ilusyon" sabi ng kambal. And with that. I collapsed while they're in front of me. Pero may malalaking bisig naman ang sumalo sa akin and I felt comfortable bago tuluyang nawalan ng malay.

-------

Sorryyy po for the Lame update T_T


The Lost Elemental Mage PrincessWhere stories live. Discover now