Blake's POV
Nagtatataka siguro kayo kung Pano ako napunta sa eksena ni Sophia at Magenta. Eh. Ganito kasi yun...
*flashback*
"Guys! May nag aaway sa cafeteria tas may isa dumugo ang ulo"
Sabi ng babaeng kulot.Di ko na sana papansinin eh. Kaya lang lumapit sakin yung Isang kambal na kaibigan ni Stupid Phia.
"Prinsipe Blake! Please.. Tulungan mo si Phia ngayon na!"
Tss. Di ko sana susundin 'to eh. Kaya lang mas mataas ang tungkulin nya kaysa sa akin hangga't Di pa tapos ang misyon.
Pupunta ako sa Cafeteria at doon ko nadatnan ang paglipad ni Magenta papunta sa pader. Nakakagulat. Hindi ko inaasahan na magagawa nya yun. Kagaya lang namin ang may kakaibang kapangyarihan. Pero ang level ng sa kanya ay mas mataas pa kaysa sa amin. Kumbaga EXTRAORDINARY. Dahil tanging ang anak lamang ng Royalty ang may ganoong kapangyarihan. Hindi kaya, sya na talaga ang hinahanap namin?
Nakita ko na bumalik na sya sa katinuan. At halatang malapit na syang bumagsak. Sinalo ko sya. Baka mapagalitan ako ng mag kambal kapag napahamak 'to eh! Napadako ang mata ko sa mata nya. Kung bumalik na sya sa katinuan, bakit iba parin ang kulay ng mata niya?! At bakit pula? Imposible rin iyon dahil ang mga Jaunts lamang ang mayroon nito. Nagtataka kayo kung sino ang Royalty at Jaunts. Ang Royalty ay ang Hari at Reyna sa aming Academy: Ang WHITE MAGES ACADEMY. Pinag lilingkuran namin ng mga kaibigan ko hari at reyna. Ang misyon namin ay hanapin ang nawawala nilang anak dito sa mundo ng mga mortal. Ang mga Jaunts naman ay ang mga namumuno sa DARK MAGES ACADEMY. Ang Academy na ito ay pinamumunuan na ng isang sakim na prinsipe. Ka-edad lang namin sya pero kaya nyang pantayan ang kapangyarihan ng aming hari at Reyna. Ayan na ah! Yan lang muna ang ipapaalam ko sa inyo. Secret muna. Habang iniisip ko yun ay napasabi ako ng
"Stupid."
*End of Flashback*
Kung iniisip nyo na may gusto ako sa babaeng 'to kaya lagi akong nakakasasingit sa eksena nya. Pwes. Nagkakamali kayo.
(Eh bakit ka defensive)-otor
Tss! Baka kasi kung ano isipin nila -.-'
Nandito nga pala kami sa Ospital, kasama ko ang kambal. Ilang linggo na rin kasi syang Di gumigising. Sino pa ba? Edi si stupid. Si Magenta kakagising lang kahapon. Bakit kaya antagal nito gumisin----
"Mph." Ungol niya. Teka?! Gising na ata sya!
"Nasan ako? Bakit andaming nakalagay sa katawan ko?" Tanong niya. "Aray!"nagulat ako ng bigla syang dumaing. Nakita ko na lumiwanag ang katawan nya pero nawala agad. O.O
" Anong masakit sayo?" Tanong ko sa kanya
"Di ko rin alam eh. May biglang kumirot pero Di ko alam kung ano." -Sophia
"Oka--" naputol ang sasabihin Kong okay dahil..
"Waaaaaahhhhhh! Hoyy! Di mo pa ako sinasagot! Nasan ako?! Ano itong mga nakasabit saken?! Bakit andaming bulaklak na nakapalibot sa kama ko?! Ano to?! Bakit parang may bagay na may pakpak dito sa ilalim ng kumot?! Ano ba--- Waaaaaahh!! Waaaalaaangggyaaaaa!! Ipis! Ipis! Andaming IPIS! Bakit may IPIS!?! ANONG KASALANAN KO?! Dios mio!" Ang ingay nya.
BWAHAHA! Nga pala! Nag lagay pala ako ng 3 ipis sa ilalim ng kumot nya at malapit sa kamay nya. Gusto ko lang naman malaman kung ano reaksyon nya kapag ganyan eh Di ko naman inakala na mag iingay sya. Inosente ako.
"Blake! PHIA!!! Omaygad!!! Gising ka na PHIA!! Bakit ka sumisigaw?! May masakit ba?! Kamusta na?! 1 linggo kang nakahimlay Jan sa kama! Nilagyan namin ng bulaklak kama mo kasi baka Di ka na magising. HUHU!" Ang OA ni Aila ngayon ah. Nakakainis lang. Tsss.. Tignan mo naman yung isa. Iyakin.
"Huhu! Andaming bulaklak para akong bangka sa kama tas may kadiring mga ipis na nilagay si Blake!" Stupid. Really stupid.
"Nakuuu Blake! Ikaw talagang bata ka! Humanda ka lang talaga saken!" Si Aila yan. I know what she meant nung sinabi niya yun.
Wait! Lumiliwanag Nanaman sya! Bakit ba sya lumiliwanag?! Hindi kaya isa na nga itong hint para sa amin?!?!
YOU ARE READING
The Lost Elemental Mage Princess
FantasyFirst fantasy story ko po ito. Hope you'll like it. =)