Chapter 2: Who is he?

2K 107 3
                                    

Hi Guys!

Wondering kung sino ang nakabanggan nya?

Let's see..

Enjoy!! =)
---------------------------
Sophia's POV

Tuminggin ako sa taas.. Ang nakita ko ay si..

"IKAW?!?!" Ako.

"Yes. Ako nga, Stupid." Sabi nya ulit habang nakatinggin saken..

Hayyy!! Sa dami ng pwede Kong mabangga siya pa. Nagtataka kayo kung sino sya? Siya lang Naman ang pinaka-mahangin at nakakatakot daw (sabi nila) na member.. Or should I say PRINCE ng Royal Council dito sa academy... Siya ay walang iba kundi si Blake..
.
.
.
Silence
.
.
,
"Pasensya na po, Mahal na Prinsipe.." Sabi ko sa kanya.

Napansin ko na. May Mga tao pa sa hallway at naririnig ko ang bulungan ng Mga babae..

"Hala! Binangga nya ang Prinsipe!!" Girl 1

"Tsk.. Walang hiyang babae. Di na nahiya sa Mahal na Prinsipe." Mataray na sabi ni Girl 2

"Omaygad! Ang pinakamamahal Kong prinsipe! Ayos lang ba sya?!" OA na sabi ni Girl 3. Tss.. Sila ba ng mahangin na prinsipe na 'to?

Marami pang bulung-bulungan Pero di ko na pinansin. Bigla namang umalis 'tong MAHAL na prinsipe na 'to sa harap ko.. Aba!! Di man lang ako tinulungan tumayo.

"Miss? Okay ka lang ba? Tulungan na kita tumayo" sabi ng kasama ni Mahal na Prinsipe sabay inilahad nya ang kanyang kamay.

Kung Hindi ako nagkakamali, isa rin siyang prinsipe. Ang cute nya. ^_^ Mas type ko sya kaysa sa nakabangga ko. Ang gentleman nya eh!

"Umm.. Salamat po." Sabi ko sa kanya. Tumanggo lang sya. Nagtitipid ba sya ng sasabihin nya?

"Pagpasenyahan mo na yun, Ms. Cutie. Ganun lang talaga sya eh." Sabay wink sa akin. Tss.. PLAYBOY 'tong isang Prinsipe na ito.

Napatanggin ako sa room namin at nakita ko ang kambal na sumisenyas sa akin. Hindi ko naman maintindihan.. Maya-maya pa ay tumunog na ang bell. Ibig sabihin magsisimula na ang klase.

"Mauuna na po ako, Mga Mahal na Prinsipe." Sabi ko sa kanilang dalawa sabay takbo.

"Mag-ingat ka! Baka makabangga ka ulit eh!" Sigaw nung tumulong saken na makatayo.

"Hanggang sa muli, Ms. Cutieeee! ^_^" aba! Grabe! Playboy nga ito!

Pagpasok ko sa room, umupo na ako sa upuan ko malapit sa bintana. Si Aila nasa right side ko, si Aliyah nasa likod ko.

Pagpasok ko kanina nagbubulungan yung Mga babae. Mataray sila tignan.
Kinalabit ako ni Aliyah.

"Phia! Nakabangga mo kanina si Prinsipe Blake ah! Okay ka lang??" Tanong yan ni Aliyah.

The Lost Elemental Mage PrincessWhere stories live. Discover now