Acer's POV
Guess what? Nandito kami ngayon sa "ROOM" namin with Aila and Aliyah. Why? May meeting kami eh. Tungkol dun sa Sophie. Gusto nyo ba malaman misyon namin? Well.. di ko sasabihin sa inyo. Pero dahil di ako makatiis ay sasabihin ko na.
Nandito kami sa mundo ng mga mortal. Di kami mortal eh. Ang tawag sa amin ay PROTECTORS. Each of us own different abilities. May mga similar powers kami like flying, our power to talk with each other using our mind and block whoever wants to read what's on our mind. We could also heal ourself pero konti lang. We could lift anything using our mind. We could make a barrier but for a limited time only. Basics lang yan at kaming mga Protectors lang ang kayang gumawa o magkaroon ng ganyan karaming powers kasi yung sa mundo namin kapag normal na mage ka lang.. isa lang ang kaya mong kontrolin. May iba na kayang gawin ang isa sa mga kapangyarihan nya may iba din naman na di lanfg yang basics na yan ang kaya nila. Kaming mga Protectors, may own special power kami. We have our very main power. Yun ang ikinaiba namin sa mga normal mage at sa isa't isa *Protectors* Our mission here? Find our Princess.ang elemantal mage princess ng aming hari't reyna. Ng aming mahal na eskwelahan, tahanan at kaharian. Sinasabing ang prinsesa ng aming kaharian ang itinakdang pinakamalakas. At ngayon lang rin daw magkakaroon ng isang prinsesa na may kakayahan gaya ng kaaway naming kaharian. Kailangan namin syang mahanap sa lalong madaling panahon dahil nagbabanta ang mga kaaway ng isang giyera. Pero anong gagawin namin ngayon eh mukhang dalawa ang kailangan naming ibalik.
Si Sophia at Sophie. Doon nalang daw namin ipapaliwanag sa kaharian.
*BOOGSHHHHH!!!!* Bumukas yung pinto. Pumasok si Sophie at umupo. What?!
"Kailangan ko ang tulong nyo, PRO-TEC-TORS!" At nagbigay sya ng isang mala anghel na ngiti.
"Bakit ka naman namin tutulungan?" Tanong ni Blake.
"Dahil ako ang makapag-liligtas sa Kaharian natin."Sagot ni Sophie. ANO DAW ULIT? Sya? Weh?
"What I mean by kaharian ay ang Prinsesa" Sambit nya sa aming isip.
"Anong ibig mong sabihin?!" Sabay na tanong ng kambal.
"Tutulungan ko kayo kung tutulungan nyo rin ako." Sagot ni Sophie.
"Pano kami makasisiguro?" Tanong naman ni Leslie.
"Les, Sa tinggin ko mapagkakatiwalaan natin sya" si Ciel na ang sumagot.
"Dapat lang na pagkatiwalaan ako dahil ako ang Guardian Mage." Medyo mayabang na sagot ni Sophie. Where did she get all those confidence? Guardian Mage? Guardian Mage. Whut?! GUARDIAN MAGE?! Ang slow ko talaga kaya ngayon lang ako napa-nganga sa sinabi nya. lahat kami naka nganga maliban kay Blake na tahimik lang.
Pero paanong naging Guardian mage sya?! Ano ba talagang plano nya?! Pa-explain naman oh!!!
----
Hihi! Guardian mage daw si Sophie. Ano bang plano ni Sophie?
YOU ARE READING
The Lost Elemental Mage Princess
FantasyFirst fantasy story ko po ito. Hope you'll like it. =)