AWAKENED

612 28 9
                                    


Sophia's POV

Sht. Ansakit ng ulo ko. Pati katawan ko ang hirap igalaw.

Nasan ba ako? Tch.

Nilibot ko ang paningin ko. Di ko parin alam kung nasan ako.

Napako ang tinggin ko sa pinto. Biglang bumukas at iniluwa non si..

Ciel.

"Ciel?"

"Sophia?! SOPHIA!! GUYS! GISING NA SYA!!!" Ciel

Huh? Gising?

Nagpasukan naman lahat ng kaibigan ko at bigla akong niyakap at dinaganan.

"BESPREN!!!"
"SOPHIAAAA!!!"

Sabay sabay nilang sigaw.

"Aray! Masakit!" Sigaw ko naman at agad silang napalayo saken.

"Sorry. It's just. Sobra kaming nag worry sayo! T^T" Aila

"Oo nga! Tell us what happened" Aliyah

"What happened? Hmm..." Sinubukan kong alalahanin pero wala talaga

"Hindi ko maalala. Wala akong maalala sa nangyari. Ano bang nangyari?" Wala akong maalala sa nangyari saken. Ewan ko nga kung bakit bigla nalang ako nagtamo ng mga sugat at masakit ang katawan eh.

"Hindi rin naming alam. Nakita ka nalang naming sugatan." Riko

"At Puno ng dugo." Acer

"Nag-aagaw buhay" Leslie

"At namatay" Saad ni Blake. Sht! Nakakagulat! Nasa tabi ko lang pala sya?! Pero ang mas nakakagulat eh namatay ako!

"Namatay?!?! Eh panong buhay pa ako!?" Tanong ko.

"The healers tried to revive you."

"We can't let you die."

Sabay na sabi ng kambal.

Bat ba ako napunta sa gantong sitwasyon ughh!

"Sophia." Tawag ni Blake saken. Wait what?! Tinawag nya akong Sophia! Wow! Just wow!

"Himala di stupid phia tawag mo saken!" Sagot ko

"Tch. Wag ka nga maingay. Pati ba naman maliit na bagay, tinutuunan pa ng pansin. Mag pahinga ka muna ulit. Mukhang di mo pa kaya i-absorb yang nangyari sayo.

May point naman sya. Medyo gusto ko pa matulog.

"Hm. Sige. Papahinga na muna ako. Pakigising nalang ako kung may importanteng gagawin." Tumango lang sya saken. *yawns* Sana lang magising pa ako.

_____________________________________________

Aila's POV

Nang masiguro na naming tulog na si Phia ay lumabas kaming lahat sa kwarto.

"Guys, bakit wala syang maalala sa nangyari sa kanya?" tanong ko agad.

"Hindi ko rin alam. Pero baka side effect mismo ng lason yun. Or may ginawa ang healers sa kanya na hindi natin alam." Sagot ni Acer

"Tama kayo jan. Matatalino nga kayo." Biglang singgit ni Principal.

"Sir, alin ang tama? Yung side effect ng lason? O ginawa ng healers yan?" Tanong ni Ciel

"Pinatanggal ko sa mga healers ang alaala ng kaibigan nyo tungkol sa nangyari sa kanya. Mas mabuti na wala muna syang alam doon. " Principal.

Pero bakit naman? Diba dapat nalang paghandain si Bestfriend?

"Alam kong nag aalala ka sa kaibigan mo Aila, pero ginagawa ko ito para sa kaligtasan din ng kaibigan nyo. May rason ako kung bat ko yun pinagawa. Hindi pa ito ang oras para malaman nyo ang sagot." Ay! Nababasa pala ni sir ang iniisip namin.

"Natukoy na kung sino ang gumawa nun sa kaibigan nyo at nabigyan na ng karampatang parusa." Biglang singgit ni Sir.

"Sino po?!!" Tanong ni Aliyah.

"Just visit the office this afternoon. I'll leave you now. I entrust her to you. Keep an eye on her. I'll go back to work now." Sabi ni sir at umalis na palayo.

Napag desisyunan namin na pumunta sa office mamayang hapon pero sa ngayon, babantayan muna naming ang kaibigan namin. May mga misteryosong bagay parin tungkol kay Sophia at Arrieta ang hindi pa namin nahahanapan ng kasagutan. Maraming tanong sa utak ko ngayon but I chose to set them aside first. Makapagpahinga na din nga muna.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 20, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Lost Elemental Mage PrincessWhere stories live. Discover now