Blake's POV
So.. Ayun nga. Nahimatay yung stupid habang pinaglalaruan sya ng kambal. Eh wala tayong magagawa. Takot ang ate nyo Phia sa mga Multo. Buti nalang at hindi sya totally bumagsak sa sahig. May nakasalo sa kanya.. at syempre, yun ay...
.
.
.
SI RIKO. TSK. Yeah! Tama kayo ng basa. Si Riko. Malapit kasi sya kay Stupid Phia eh. Pano kaya kung ako yung malapit dun? Edi sana, ako ang sumalo sa kanya. TSK. Pero okay na rin. Baboy kasi eh. Baka maipit pa ako nun.
Sooo.. Going back to reality tayo. Diba nga hinimatay sya.. Hmm.. Dinala na namin sya sa Van para didiretso na kami sa PORTAL kahit di pa sya gising. Tinali ko yung paa at kamay para di makatakas. Masaya kasi kapag napag-t'tripan sya. Si Sophie naman inasikaso yung pag ta-tanggal ng mga alaala tungkol kay Stupid using her powers. Tinanggal na nya lahat. Simula sa mga taong nakakakilala sa kanya hanggang sa mga nakakaalam ng mukha nya at hanggang sa mga Social medias para walang maiwang bakas tungkol sa kanya. Mas maiigi na ang sigurado para protektado. Any minute now magigising na sya at magwawala at mag iingay--
"WTF?!?! BAKIT AKO NAKATALI?!?! PAKAWALAN NYO AKO!" And there she goes. Nagwawala nga sya. Sabi sa inyo eh. Pero nakakatawa syang tignan. She looks so stupid. God damn stupid >_<
"Phia. Pasensya na. Hindi pa pwede eh. Hangga't hindi pa tayo nakakarating sa Academy, hindi ka namin pwede pakawalan." Sabi ni Aliyah na nag lu-lungkot-lungkutan.
"Sige na please? Alisin nyo lang 'tong mga tali. Promise di ako tatakas. Promise talga. HUHU! Sasama ako sa inyo. Anshaket na nung pagkatali eh" Sabi ni Stupid
HAHA! oppsiee.. Mahigpit pala pagkatali ko. Kawawa naman sya. Sige na nga.
"Sige na. Pakawalan nyo sa pagkakatali." Sabi ko naman na ma-otoridad at ayun pinakawalan na nila.
"Now, I want to clarify one more thing." Saad nya.
"Ano yun?" Tanong ko naman.
"Saan nyo ba ako dadalhin? Anong kapangyarihan ko? Wala naman akong alam dun eh. Pano ko magagamit yung "POWERS" ko?"
"Dadalhin ka namin sa White Mage Academy. Kapag tinanong ka kung anong kapangyarihan mo, ang dapat mong sabihin ay ang mag Levitate lang at Plant Controller. Yun lang. wala kang ibang sasabihin. Pag tinanong ka kung saan ka galing, sabihin mo sa bahay ng kambal na 'to dahil pinsan mo sila. Kapag may tinanong sila sayo na tungkol sa Mortal na mundo. Wag kang mag sasabi ng kahit ano. O di kaya kapag tinanong ka kung galing ka sa mortal na mundo, mag sinungaling ka. Deny everything about the Mortal World. Basta dapat, lahat ng isasagot mo ay konektado lamang sa kambal na 'to.TANDAAN MO YAN LAGI, Stupid." Na-explain ko na.
"Okaayyyy" Phia
"Nga pala Phia! I cast a spell on you para maitago yang kulay ng mata mo kapag gagamit ka ng kapangyarihan. Di makikita ng ibang tao ang tunay na kulay ng mata mo, maliban sa amin. Aayon lang ang kulay ng mata mo sa ginamit mong kapangyarihan para maitago yan" sabi Aila.
"Mag e-enjoy ka sa Academy na pupuntahan natin" sabi ni Leslie. Wow. Nagsasalita sya ng ganyan. UNBELIEVABLE.
"Ipagmamalaki kita dun, Babehhh!" sabi ni Cielooooboyy Ang playboy.
"I'll make sure na maayos ang trato nila sayo." Pshhh! Ambait naman ng isang 'to *reffering to Acer*
"Marami kang matututunan dun. You'll love it. You'll fit in that lovely place. As lovely as you, Young Lady." Ehh?!?! Riko?!?! Damn You! Ano bang pinagsasasabi mo jan?! Arghh! Makatulog na nga lang.
.....
"Gising. B-b-Blake. Gising na. Nandito na daw tayo." Napaka-Anghel ng boses. Kantahan mo ako please? Nakakaantok.
"Gising naaaa!!!!"
"ARAAAYY!!! TF?! SINONG SUMIGAW?!?!" Ayoko sa lahat ganyan ako kung gisingin.
"AKO! BAKIT?!?! KANINA PA KITA GINIGISING PERO AYAW MO PARIN!" Sigaw ni Stupid Phia na medyo nagpipigil ng tawa. Nagpipigil nga ba? Lumingon ako sa mga kasamahan kong nasa labas na ng Van. Lahat sila nagpipigil ng tawa habang si Stupid, paunti-onting bumabalik sa kanila, malapit sa portal pero nagpipigil parin ng tawa. Ano bang mali? May natuyo bang laway? Isshh.. Napatingin ako sa salamin ng van at dun ko nakita sarili ko!
ANG MUKHA KO! ANG KILAY KO! KUMAPAL DAHIL SA PENTEL! YUNG LABI KO PULANG PULA DAHIL SA LIPSTICK! YUNG MATA KO SA KALIWA AY MAY BILOG AT MAY GREEN NA EYESHADOW! YUNG KANAN NAMAN AY NANGINGITIM DAHIL SA PENTEL HABANG MAY PUTING EYESHADOW! YUNG NOO KO MAY DRAWING NG MGA BULAKLAK! YUNG PISNGI KO! PULANG PULA DAHIL SA BLUSH! TAS MAY PAIKOT NA BILOG DUN SA PISNGI KO! TAS MAY DRAWING AKO NA BALBAS! TAS MAY MALAKING ITIM NA TULDOK YUNG ILONG KO! TAS MAY KORONA AKO! WTF?!?!
"SINONG MAY GAWA NITO?!?!" Sigaw ko
"SINONG GUMAWA NITO SA AKIN" Tanong ko ulit at nagpalabas ng apoy. Sabay-sabay nilang tinuro si Stupid phia. Hmmm.. Ikaw pala ah! Binato ko nga ng apoy. Pero pinatay naman ni Ciel gamit yung tubig nya. Lumapit ako sa kanila pero kalahati palang ako mula sa kanila ay may sumigaw
"PHIA! tara na! Takboooo!!!" Sigaw ng kambal at tumakbo na papasok ng Portal ang lahat kaya naman bigla na rin akong tumakbo para habulin sila kaya lang nakapasok na sila. Arghh!
Naabutan ko naman silang lahat na nakatayo sa harap ng malaking gate ng Academy. Hahablutin ko sana siya kaya lang bigla syang nag liwanag. *Ulit* Ano ba talagang meron sayo? Sophia Rilley Williams?
Sophia's POV
Wow! Ang ganda! GATE PALANG EH MUKHANG PANG MARARANGYA NA TAO LANG 'TO. Yung gate! Ang taas at sa tinggin ko gawa ito sa maraming maraming maraming ginto at pilak. Napaka ganda.
"Phia. Tara na?" Sabi ni Riko kaya naman pumasok na kami.
Pag-apak ko pa lamang mula sa gate. May iba akong naramdaman. Ang init pero biglang lumamig. Ang bigat ng pakiramdam ko pero bigla naman akong nakumportable. Anong pakiramdam ito?
"Stupid? Ayos ka lang ba?" Whoaaa! May concern ba 'to sa akin?!
"Wala akong concern? Tinatanong lang kita kasi di ka na naalis jan sa pwesto mo."
Whut?! Nabasa nya nasa isip ko?!!? "Ayos lang ako. Na- Naga-ganda-han lang a-ko rito" Sabi ko, sabay ngiti nalang.
Pumasok na kami sa loob at pumunta sa Opisina ng academy na 'to. Ang tagal nga nilang nag usap sa loob bago ako mai-enroll eh. Hayyss.. Nakakapagod naman dis day. Pero ang ganda talaga dito. Mamahalin ata mga gamit nila dito at halos lahat ay gawa sa ginto o pilak. ang iba ay Antique. Napakaganda dito. Di ko mai-describe eh. Nagagandahan lang ako.
"Phia. Ayan! Magka-room lang tayo ng kambal ko. Pareho din ang sched ng klase natin. So tara na?" Sabi ni Aila. Tumanggo nalang ako bilang sagot.
Nung dumating kami sa kwarto, maganda rin naman sya. May 3 hiwa-hiwalay na kama. Then may Dining table. May 3 bathroom. May 3 study table. And eventhough may canteen dito sa Academy, may sarili kaming kusina and cooking set.. Mukha man syang maliit tignan sa labas, Malaki naman 'to pagpasok. Nakaka-amaze lang!
*Yawwwwnnnn*
"Aila? Aliyah?" Napatinggin ako sa kambal. Tulog na ang mga bruha. HUHU! mukhang dun ako magpapahinga malapit sa bintana ah. Hayyy... Makatulog na nga.
Sa sobrang antok ko.. Pakiramdam ko ang bigat na ng katawan ko at ng mga mata ko kaya ipinikit ko na ito. Bago ako tuluyan makatulog ay may humaplos sa mukha kong malalambot na kamay sabay sabi ng "Welcome back, dear Princess." ang sarap sa pakiramdam ng tinig at yun ang na nakapag pagaan ng pakiramdam kolalo upang tuluyang mawala sa tunay na mundo at mapunta sa mundo ng panaginipna puno ng rainbows, and unicorns and floowweerrss.. GooooodNighhtttt.
YOU ARE READING
The Lost Elemental Mage Princess
FantasyFirst fantasy story ko po ito. Hope you'll like it. =)