Bottom 8

142 7 4
                                        

Chapter 8
Taken

***********

Isang linggo na rin ang nakalipas simula nang mangyari ang lahat ng iyon. Isang linggo pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nangyari nga talaga ang lahat nang iyon.

Hindi ko akalain na papasok ang isang tulad ka sa ganitong klase ng relasyon. I mean, I am not against with same sex relationship. I just don't know how to react. Lumaki akong buong akala ko sa babae lamang ako magkakagusto not until dumating si Grego.

Araw-araw kaming magkasama ni Grego. He has been very sweet to me specially kapag kaming dalawa lang ang magkasama. Ang inaalala ko lang baka patayin ako ni Dad kapag nalaman niya ito. Jusko, 'wag naman sana.

"Sen, may naghahanap na chicks sa'yo. Nasa labas." Sigaw ni Anton, isa sa mga classmate ko. Nagsihiyawan naman ang ilan sa aking mga ka-klase sa isiping isang babae na naman ang nahumaling sa aking ka-gwapuhan.

Lumabas ako ng room upang makita ang isang babaeng naglakas loob na kitain ako.

"H-hi, Jensen." Nakangiti niyang bati sa akin. Nginitian ko naman siya ng tipid.

"Hi. Kamusta? Anong atin?" Tanong ko rito na ikinamula ng kaniyang pisngi.

"Umm. Ano, I just wanted to invite you for dinner later sa bahay. Nagpaalam naman na ako kay kuya at pumayag naman siya." Napakunot noo ako sa winika nito.

Si Grego pumayag, bakit?

"I see. Ano kasi, Althea. Sorry pero wala kasi ako sa mood na sumama sa kahit na sino ngayon. Pasensya na." Nalungkot naman siya sinabi ko. Pero, mas lalo akong nawalan ng gana ngayong araw sa isiping pumayag si Grego na maka dinner ko itong kapatid niya.

"Okay lang. Maybe next time?" Nakangiti niyang sabi.

"Sorry pero walang next time. I am really sorry, Althea. If you really like me that much I want you to stop now." Napayuko siya sa aking sinambit.

Ano ba kasing iniisip ni Grego? Alam naman niyang may gusto sa akin itong kapatid niya. Saka may lihim kaming relasyong dalawa, bakit niya hinahayaang umasa itong si Althea?

Baka naman ako lang ang nag-iisip na may relasyon kaming dalawa.

"Tss." Mahina kong sambit sa pagkadismayado sa aking iniisip.

"Look, Althea. Marami pang iba diyan. Better than me. Ayaw kong umasa ka sa wala, we can be friends since kilala ko naman ang kuya mo." Paliwanag ko nalang dito.

"Okay lang. Thanks, Jensen." Wika nito na may kasamang pilit na ngiti saka siya mabilis na umalis sa harap ko.

Napakagat ako sa labi dahil sa inis. Hanggang sa matapos ang buong klase, wala ako sa mood.

Nakatingin lamang ako sa labas ng bintana ng sasakyang iyon habang maiging nagmamaneho si Grego.

Ilang minuto na rin simula nang walang nagtatangkang magsalita sa aming dalawa. Wala rin naman talaga akong balak na kausapin siya.

"You okay? Kanina ka pa tahimik." Basag nito sa katahimikan naming dalawa.

"Yeah." Mabilis at tipid kong sagot.

Uy, Di Ako Bottom!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon