Bottom 10

143 12 4
                                        

Chapter 10
Tears and Pain

*********

Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakaupo sa bench na ito. Pakiramdam ko magang-maga na rin ang aking mata dahil sa kakaiyak kanina. Pakiramdam ko naubos lahat ng aking lakas dahil sa nangyari. Tinatamad akong tumayo at iniisip ko nalang na manatili dito.

Napatingin ako sa kalangitan. Ano mang oras ay babagsak na ang ulan. Lumalakas na rin ang hangin kaya lumalakas na rin ang hampas ng mga alon sa dagat.

Napangiti ako ng mapait. Sa aking pag-ngiti nakaramdam ako ng kirot sa aking puso. Tumulo muli ang aking luha. Walang hikbi ngunit patuloy lamang sa pagbuhos ang aking mga luha.

Kasabay ng mga luhang dumadaloy mula sa aking mga mata ay ang biglaang pagbuhos ng malakas na ulan.

Kumulimlim ang paligid hatid ng ulan at makulimlim na kalangitan. Maya-maya pa ay tumunog ang malakas ng kulog at lumabas ang makinang na kidlat na kitang-kita ko mismo mula sa aking harapan.

Bumilis ang tibok ng aking puso. Naalala ko si Grego. Naalala ko ang bawat yakap at halik niya sa akin tuwing natatakot ako sa kulog at kidlat. Naalala ko lahat ng mga masasayang pinagsamahan namin.

Tumayo ako at sumigaw ng malakas habang umiiyak.

"AAAAAAAAAHHHHHHHHH!!!!!!!" Masakit sa lalamunan pero hindi ko iyon ininda.

"AAAAAAAAAHHHHHHHHHH!!!!" kasabay nang pangalawa kung pagsigaw ay ang sabay ding pagtunog ng malakas na kulog at kidlat.

Napatingin ako sa kalangitan habang tuloy-tuloy pa rin ang malakas na pag buhos ng ulan. Hanggang sa napaupo ako sa buhanginan at tuloy-tuloy na umiyak.

"Gago ka!" Sambit ko habang lumuluha.

Natawa ako ng bahagya nang maalala ko si daddy. Malamang sa malamang nagaalala na 'yon kung nasaan ako ngayon. Nagtataka na siguro 'yon kung bakit hanggang ngayon wala pa ako sa bahay.

Sa aking tansya. Alas sais na ng hapon ngayon. Pero wala akong pakialam. Nawalan ako ng gana. Ewan ko ba? Parang dahil sa sakit na nararamdaman ko nawalan ako ng pakialam sa buhay ko.

Muli akong natawa ng bahagya.

Tumingin akong muli sa kalangitan nang biglang kumulog at kumidlat. Napangiti akong muli. Hiniling ko na sana tamaan ako ng kidlat. Hindi ako natakot, mas nangingibabaw ang sakit na nararamdaman ko kesa sa takot.

Tumayo ako. Mariing pinunas ang aking pisngi. Humugot ako ng malalim na buntong hininga. Tinalikuran ang dagat at nag-umpisang maglakad paalis sa lugar na iyon.

Bawat hakbang ko ay ang malalim kung paghinga. Kailangan kong umuwi. Kailangan kong kalimutan ang lahat nang nangyari kahit masakit. Kailangan kong ipakita na ayos lang kahit hindi. Hindi dapat malaman ni daddy na nagkaroon kami ng relasyon ni Grego.

Dalawang araw nalang magtatapos na rin ako. Makakaalis na rin ako dito at makakapag umpisa ng sarili kung buhay.

Sa ilang pagkakataon muli akong natawa sa sarili.

"Di ba? Matured naman na pala akong mag-isip, e." Wika ko sarili nang biglang tumulo ang aking luha na mabilisan ko namang pinahid gamit ang aking palad.

Uy, Di Ako Bottom!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon