Chapter 6
Hug me tight*******************
Linggo ngayon kaya walang pasok. Maganda sanang mamasyal ulit katulad ng pamamasyal na ginawa namin ni Grego kahapon. Kaso, malakas ang bugso ng ulan saka may kasamang malakas ng ihip ng hangin.
Ayon sa balita. Meron daw bagyong parating na magtatagal ng dalawang araw. Suspended den lahat ng klase. Wala lang, kunwari isa akong news anchor. Kunwari nag we-weather report ako kasi pogi ako. Sa maghahanap kung anong konek, bahalakayo.
Lumabas ako ng kwarto at tumungo sa kusina para kumain. Naabutan ko si Grego sa sala na nakaupo sa sofa habang nanunuod ng balita.
Natigil ako saglit sa paglalakad at tinitigan siya.
Hanggang ngayon, sariwa pa rin sa aking mumunting isipan ang panaginip kung iyon na naghahalikan kami ni Grego. Urrghh! Iniisip ko pa lang nasusuka na ako.
Pero kung sakali mang mangyari iyon sa totoong buhay, hindi na siya lugi sa akin. Sa pogi kung to? At sa dami ng mga nilalang na nagkakandarapa sa akin? Dapat nga magpasalamat pa siya at nahalikan niya ang isang Mark Jensen Alyego.
"Jensen, are you okay?"
Nabalik ako sa huwisyo nang magsalita si Grego na ngayon ay nasa akin ng harapan. Paano nakarating 'to dito nang hindi ko napapansin?
"O-oo naman." Utal kong sagot.
"Kanina ko pa tinatawag pangalan mo kaso kanina ka pa rin tulala habang nakatingin sa direksyon ko."
Luh, feeling. Ako, matutulala sa kaniya?
"Wala 'to. Saka, may iniisip lang ako na hindi pwedeng i-share. Nakakasira daw kasi ng kagwapuhan 'yon." Confident kung sabi.
"Okay, pero kapag may kailangan ka magsabi ka lang. Nasa trabaho kasi ang Daddy mo." Offer niyang sabi sakin.
May bagyo na nga pero trabaho pa rin ang iniisip ni Daddy. Tsk!
Hindi ko nalang sinagot si Grego at iniwan nalang siyang nakatayo doon saka diretsong tumungo sa kusina para kumain.
Binuksan ko ang ref at tumambad sakin ang iba't ibang pagkain. Kinuha ko ang isang box ng cake saka iyon inilapag sa mesa. Pagkatapos, kumuha din ako ng plato at kutsara.
Habang kumakain. Tumingin ako sa labas na ngayon ay malakas pa rin ang ulan at hangin. Parang bawat oras ay palakas ito nang palakas.
Inisip ko si Daddy kung okay lang kaya siya ngayon. Inilabas ko ang aking cellphone sa aking bulsa saka tinawagan si Daddy para kamustahin.
Ilang sigundo lang ay sinagot rin niya ito.
"Hey son. Tatawag na sana ako sa'yo para i-check ka kaso naunahan mo ako. Okay ka lang ba? Don't go outside dahil malakas ang bagyo ngayon." Bungad nitong sabi sa kabilang linya.
"Okay lang ako, Dad. Kayo ba, okay lang po ba kayo? Makakauwi ba kayo?' tanong ko dito sabay subo ng cake.
"One of the reason why I was planning to call you to say that we're stranded here sa office. Masyadong malakas ang ulan at hangin kaya dilikadong bumyahe. Baha na rin daw ang ibang mga daanan so it's better to stay here for safety. Saka don't worry about me son, marami kami dito kaya magiging okay lang ako. Saka, you have Grego naman at ibinilin na kita sa kaniya. If you need help or something just approach him." Mahaba niyang paliwanag sa akin.
BINABASA MO ANG
Uy, Di Ako Bottom!
HumorSa hindi inaasahang pagkakataon, ngunit inaasahan ni Author, nakulong si Jensen sa kadahilanang muntik na itong makapatay ng tao ng isang araw ay makipag bugbugan ito sa mayabang niyang klasmeyt. at dahil sa pangyayaring iyon, na-triggered ang Ama n...