Bottom 7

140 9 5
                                    

Chapter 7
Heart beat

*************

Nagising akong wala nang kayakap. Tumingin ako sa orasang nakasabit sa aking wall. Alas sais na ng hapon pero dinig ko pa rin mula dito sa aking kwarto ang malakas na ulan at ihip ng hangin mula sa labas.

Masakit pa rin ang ulo ko at mabigat pa rin ang aking pakiramdam. Pinilit kung tumayo kahit nanghihina pa rin ako.

Tumungo akong closet at kumuha ng jacket. Lumabas ako ng kwartong medyo nilalamig. Hinanap ng mata ko si Grego. Nasaan kaya 'yon?

Siguro iniwan nalang niya ako bigla nong alam niyang nakatulog na ako. May nalalaman pa siyang "I'm not gonna leave you" aalis lang din naman pala.

Saka bakit ba ako naiinis? Ano naman kung umalis siya? Tsk!

Pumunta akong sala at doon ay naabutan kong nakahiga si Grego sa sofa. Sumilip ako saglit sa kusina at nakitang nagluluto na sina manang ng pang hapunan.

Lumapit ako kay Grego at umupo sa pang isahang sofa saka siya tinignan habang natutulog.

Tsk! Matutulog lang din naman pala bakit kailangan niya pang umalis sa kwarto ko. Pwede rin naman siyang magpahinga doon.

Maya-maya pa ay gumalaw si Grego at nagmulat ng mata. Nagkatitigan kaming pareho ngunit agad din akong nag iwas ng tingin.

Tumayo ito mula sa pagkakahiga saka ito agad na lumapit sakin ang inilapat ang kaniyang palad sa aking noo.

"Mainit ka pa rin,  bakit lumabas ka na ng kwarto mo?" Tanong nito.

"Okay na ako" Maikli kong sagot.

Maya-maya pa ay nabigla nalang ako nang bigla nito akong buhatin ala bride. Nagkatitigan kaming dalawa.

"Grego ibaba mo ako. Okay na ako" Wika ko rito pero nakatitig lang ito sa akin.

Napalunok ako. Ang lapit lang ng mukha niya sa mukha ko. Tanaw na tanaw ko ang medyo mapula at manipis nitong labi. Maging ang matangos at mapungay nitong mata. Sa ikalawang pagkakataon napalunok ako.

Maya-maya pa ay nag-umpisa na itong maglakad patungo sa aking kwarto habang buhat pa rin ako.

"Grego ibaba muna ako. Kaya ko maglakad." Walang lakas kung sabi dito ngunit hindi ito umiimik.

Nakapasok kami ng kwarto at dahan-dahan nito akong inihiga sa kama ko.

"Hindi mo naman ako kailangang buhatin ulit dahil kaya ko ang sar—"

Naputol ang aking sasabihin ng bigla itong humiga sa tabi ko. Nagulat ako nang biglaan niya akong hinila dahilan para masubsob ang mukha ko sa kaniyang dibdib saka niya ako niyakap.

"Grego ano ba!" Pilit kong sigaw dahil sa ginawa nito.

"Stay here" malumanay nitong sabi.

"No... I'm fine. Okay na ako, wala nang kulog at kidlat you don't have to—" muling naputol ang aking sasabihin ng gumalaw ito at agad akong hinalikan  sa labi.

Nagulat ako sa kaniyang ginawa. Hindi ako nakagalaw. Halos hindi ko na rin marinig ang malakas na tunog ng hangin at ulan dahil sa lakas ng kabog ng aking dibdib.

Maya-maya pa ay kumawala siya ng halik mula sa akin ata agad akong tinignan sa mga mata.

"I want to feel your lips if you're not drunk." Nanlaki ang mga mata ko sa kaniyang sinabi.

Ang ibig ba niyang sabihin na totoo 'yong panaginip kung naghalikan kami noong panahong lasing ako?

Hindi ako nakapag salita. Dahil sa nanghihina rin ako hindi ko rin nagawang pumiglas.

Uy, Di Ako Bottom!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon