Bottom 12

262 13 10
                                        

Chapter 12
Last

*********

Grego's POV

We all have the happiness in the whole world. I can't imagine myself living without the person I mostly love.

Sa araw-araw na iminumulat ko ang aking mata mula sa mahimbing na pagtulog. Siya agad ang sumasagi sa aking isipan.

He's the only person who can make me smile and calm. I promised to myself that I will always stay for him.

Hindi ko na mabilang ang mga pagkakataon na nagpasalamat ako sa panginoon na binigay niya siya sa akin. Kung sakali mang paghiwalayin kami ng tadhana. Hinding-hindi ako mapapagod na hingin siya ulit sa araw-araw.

I can sacrifice everything for him. Ganon ko siya kamahal.

"Ganda ng ngiti natin, ah." Wika niya ng tuluyan na siyang makalapit sa akin. Umupo ito sa aking tabi saka ako hinalikan sa pisngi.

"Lagi namang maganda ang ngiti ko kapag nakikita kita." Sagot ko habang nakatingin kami sa isa't isa.

Iyong mga ngiti niya ang isa sa mga dahilan kung bakit ko pinangako sa saking sarili na aalagaan at mamahalin ko siya habang buhay.

Paulit-ulit kung hinihiling na sana habang buhay kong makikita ang mga ngiting iyon.

Kontento na ako sa kung anong buhay meron ako ngayon kasama siya. Lahat ng pagmamahal na meron kami sa isa't isa, lahat nang iyon ay sapat na.

"Gusto ko after ng college bumukod na tayo. Gusto ko ng dalawang anak. Tapos masaya tayong mamumuhay kasama ng mga anak natin. Ako ang magtatrabaho sa ating dalawa tapos ikaw magaalaga sa mga anak natin habang nasa work ako. After ng work ko, sasalubungin ninyo ako tapos bibigyan ng matatamis na halik at yakap." Nakangiti kung sabi dito.

Lahat iyon nakaplano na. Lahat iyon pinangako ko na. Masaya na ako kasama siya pero...

"Mario, please. I still love you at hindi nawala 'yon." Makaawa kong sabi habang hawak ang mga kamay ni Mario.

"Grego, please. Okay na ako. Masaya na ako sa buhay ko kasama ang aking anak. Ayaw kong kamuhian ako ng anak ko kapag itinuloy pa natin ito." Malungkot na wika niya.

"Please. Hindi naman niya kailangang malaman kung ano ang meron sa atin. Alam kung mahal mo pa rin ako please hayaan mo akong makasama ka kahit papaano." Niyakap ko siya nang mahigpit.

At noong araw ring iyon. Napagpasyahan naming pareho ni Mario na maging personal bodyguard ng kaniyang anak na si Jensen para may dahilang magsama at magkita kaming dalawa.

Kinabukasan ding iyon ay inumpisahan ko ang aking pagpapanggap bilang isang personal bodyguard ng kaniyang anak.

"I'm at work right now. Nasa station 02 si Jensen nakakulong na naman. Mukhang may kalokohan na namang ginawa iyon. Pwedeng ikaw na muna ang kumuha sa kaniya?" Wika ni Mario sa kabilang linya.

"No problem. Sunduin ba kita mamaya after kung sunduin ang anak mo?" Nakangiti kong sabi habang kausap siya sa telepono.

"Hindi na. Matatapos na rin naman na itong trabaho ko. Sunduin mo nalang si Jensen and make sure na okay lang siya."

Uy, Di Ako Bottom!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon