Bottom 4

736 33 20
                                        

Chapter 4
Confused

*********

"What happened? Bakit may pasa ka sa mukha?" Alalang tanong ni Dad na maiging sinuri ang aking mukha as AF.

"I'm okay Dad, no need to worry about me, malayo 'to sa bituka." Saad ko saka natawa ng bahagya.

"Sen naman, ikinuha kita ng personal bodyguard para maiwasan mo na ang mga kalokohan mo, ano pa bang gusto mo?" may inis na wika ni Dad.

Napalingon naman agad si Dad kay Grego na nasa gilid lang namin nang magsalita ito.

"Walang masamang ginawa si Sen, may mga kalalakihang humarang sa amin noong papunta kami sa hospital para humingi ng tawad sa kakalse niya, pero hinarang kami para gantihan ang anak mo." Napalingon din ako sa kaniyang gawi dahil sa kaniyang mga paliwanag.

"Ayan na nga ang sinasabi ko, kung hindi ka lang nagpadalos-dalos sa mga ginagawa mo, hindi mangyayari ito, paano na lang kung wala si Grego noong mga oras na 'yon, saan kita hahagilapin, sa morgue?" napa-pout naman ako sa sinabing iyon ni Dad. Ang harsh naman nito, gusto na ba niya akong mamatay?

"Sorry, Dad." Hingi ko ng tawad saka ako yumuko.

"Umakyat ka ng kwarto mo at mag palit ng damit, mag-uusap lang kami ni Grego." Umalis na si Dad saka pumunta sa pool area.

Napabuntong hininga nalang ako nang maka-alis si Dad sa harapan ko.

"Wala kang kasalanan, don't feel guilty about it." Saad ni Grego na ni-tap pa ang balikat ko saka nito sinundan si Daddy.

Napangiti ako sa kaniyang sinabi, hanggang sa maalala ko na naman ang mga titig at pagaalala niya sa akin tungkol sa nangyari kanina.

"Abnormal na naman tibok ng puso ko." Wika ko sa sarili nang maramdaman ang pagbilis ng tibok ng aking puso.

Umakyat nalang ako ng kwarto bago pa masira ang ka-gwapuhan ko.

Naligo agad ako at nagpalit ng damit. Kinuha ko ang aking loptop saka in-open ang aking facebook account.

100+ notifications at 1000+ friend requests ang bumungad sa akin. Pero isang latest friend request ang umagaw ng aking atensyon.

"Althea M. Andres?" tanong ko sa kawalan as if naman may sasagot sa akin ng, "Ha?"

Pero naaalala ko ang babaeng ito, siya 'yong nagbigay sa akin ng lunch box sa chapter 1 na nabasag ni Marlo, kung naaalala niyo pa. Naalala niyo pa ba? Mag comment lang ng "Yes" para sa inyong mga sagot.

In-accept ko ang kaniyang friend request at saka in-stalk na rin.

"Ganda." Bulalas ng maganda kong bibig nang makita ko ang kaniyang mga litrato.

"Pwede." Dugtong ko pa nang makita ko ang cute nitong picture na yakap-yakap ang kaniyang aso.

Biglang isang message ang nag pop up sa harapan ko. Napangisi ako nang makitang si Althea ang nag message. In-open ko ito at binasa ang,

"Hi, Sen. Salamat sa pag accept." Tss! Akala ko pa naman, "Hi, Sen. Salamat sa pag accept ang gwapo mo kyah! Anakan mo ako."

Uy, Di Ako Bottom!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon