Chapter 5
Satur-date********
Itinungga ko ang natitirang alak sa bote. Tuloy-tuloy hanggang sa mapangiwi ako ng maubos ko ang lahat ng iyon.
"Lasing ka na ata, e." Wika ni Grego habang nakatingin ito sa akin.
Tumingin ako sa kaniya habang pupungay-pungay ang aking mga mata. Aaminin kong nahihilo na ako pero hindi pa naman ako lasing. Hindi ako lasheng, hoki?
Iinom lang pero hindi malalasing. Iyan ang paninindigan ng isang tunay na gwapo. Hik. Hik.
"Hindi ako weak para malasing agad." Pinilit ko ang sariling sagutin siya ng diretso. Mamaya kasi sabihin niyang lasing na talaga ako. Guys! Gusto ko lang ipaalala sa inyo, magkaiba ang lasing sa medyo nahihilo lang, okay? Hik.
Masinsinan kong tinitigan si Grego sa mukha. Sinuri ko ang hulma ng kaniyang mukha, ang magandang tabas ng kaniyang ilong, iyong singkit niyang mata, at iyong manipis niyang labi.
"Pa-kiss nga." Sabi ko saka ko siya biglang hinalikan sa labi na kaniyang ikinagulat.
"Jensen lasing ka na ba?" Tanong nitong muli.
Napatawa ako ng bahagya. Hayuf, hinalikan lang lasing agad?
"Paano mo nasabing lasing ako?" Tanong ko sabay tungga muli ng alak.
Hindi niya ako sinagot. Sa halip, patuloy lang ang pagtitig niya sa akin.
"Futa! Huwag mo akong titigan ng ganiyan. Nakaka-aning ka tumitig, e." Sabi ko dito na ikinangiti niya. Hinawakan ko iyong kwelyo ng kaniyang floral na polo na hapit na hapit sa kaniya. Saka ko siya muling hinalikan.
"Huwag mo bigyang malisya 'yon, a. Lalaki naman tayo pareho, e." Pangunguna kong sabi dito matapos ko siyang halikan sa labi ng ilang sigundo.
"Alam mo bang naku-curious pa rin ako sa'yo,"
"Bakit naman?" Tanong nito saka tumungga din ng alak.
"Kasi hindi pa kita kilala, pakiramdam ko hinding-hindi na kita makikilala." Sagot ko dito.
Tumingin ako sa kaniya habang tumutungga ng alak. Lumaban din ito ng titigan sa akin.
Maya-maya pa ay inilapag ko sa mesa ang bote at saka siya mabilisang hinalikan sa labi.
Mapusok ang mga halik kong iyon na kaniya rin namang sinabayan.
Maya-maya pa ay nagbitiw siya ng halik at sinabing, "I want to fuck you."
"NOOOOOOOO!!!!!!"
"Fuck! What was that?"
Pawisan akong bumaba ng kama saka dumiretso ng banyo at naghilamos ng mukha.
"Letseng bangungot 'yan, kakaiba." sabi kong muli sa sarili habang nakatingin sa salamin.
"Ano bang pumasok sa kaluluwa ko at napanaginipan ko 'yon?" Tanong kong muli saka muling naghilamos ng mariin.
Tinignan ko ang aking sarili sa salamin. Hindi talaga maikakailang napaka-gwapo kong nilalang. Kung tutuusin, mas gwapo pa ako sa character ni Harold sa "Uy, di ako bakla."

BINABASA MO ANG
Uy, Di Ako Bottom!
HumorSa hindi inaasahang pagkakataon, ngunit inaasahan ni Author, nakulong si Jensen sa kadahilanang muntik na itong makapatay ng tao ng isang araw ay makipag bugbugan ito sa mayabang niyang klasmeyt. at dahil sa pangyayaring iyon, na-triggered ang Ama n...