Bottom 2

619 36 6
                                        

Chapter 2
Mga katanungan

********


Limang oras din ang itinagal ko sa kulungan, hanggang sa piyansahan ako ni Grego na ngayon ay kasalukuyang nag mamaneho pauwi sa bahay. Hindi ko na nga iniisip kong anong sermon na naman ang aabutin ko kay Daddy pag-uwi. Mas iniisip ko kung sino ba talaga si Grego at bakit siya nagta-trabaho kay Daddy.

"Bagay kang model, bakit hindi ka mag-audition sa PBB? Baka magkaroon sila ng regular housemates, for sure pasok ka doon." Banat ko dito na ikinatawa lang niya. Aba, hindi naman ako nag jo-joke, a.

"Mukha ka namang mayaman, bakit pagiging tauhan ni Daddy ang pinili mong trabaho?" tanong ko dito.

Nakatingin lang ako sa kaniya habang siya naman ay diretso lang ang tingin sa daan, pero kahit ganon pa man, hindi naman siya bastos at sinagot naman ang tanong ko.

"Masyadong personal kaya ako pumasok bilang tauhan ng Daddy mo." Sagot naman niya na ikina-tango lang ng ulo ko.

"Malaki ba mag pasahod ni Dad?... Gusto mo ipasok kitang artista? Ako magiging manager mo," magiliw kong suhistyon sa kaniya. Sana naman pumayag siya, sayang ang pagkakataon.

Natawa siya ng bahagya saka ako nilingon. Nag-tama ang aming mga mata ni nagbigay sa akin ng awkward na feeling. Ewan ba, kakaiba kasi siya makatingin.

"Ang ganda ng katawan mo, kutis mayaman at huwag lalaki ulo mo, a. Gwapo ka naman, mas gwapo nga lang ako, pero wala ka bang balak na mag model, singer, dancer, or kahit maging business man? Kasi, bagay sa'yo 'yon." Wika ko saka ko sinipat nang tingib ang kaniyang kabuuan.

"Bagay maging model?" tanong niya

" Hindi, bagay maging karpentero. Tangina parekoy, syempre oo. Tignan mo nga sarili mo sa salamin, naiingit nga ako, e." Medyo malungkot kung sabi sa huli.

Saglit siyang napatingin sa akin habang naka-pout ng bahagya ang aking labi.

"Bakit ka naman naiingit? Gwapo ka naman, a." Sabi nito na ikina-ngisi ko. 'yong feeling na pati gwapo naga-gwapuhan sa'yo. Naks, ako na talaga.

"Alam kong gwapo ako, pero hindi naman kasi ako kasing tangkad at kasing ganda ng katawan mo." May lungkot muling sabi ko.

"Pero malaki 'to, alam mo ba 'yon?" Tanong kong ikina-salubong ng kilay niya.

"Malaki ang ano?" Taka nitong tanong na ikinatawa ko.

Hayuf! Inosentse ang parekoy ninyo.

"Wala hahahah. Sige na mag maneho ka nalang." sabi ko saka ako nag-ayos ng upo at dumungaw na lamang sa bintana.

Nakarating kami ng bahay mga bandang hapon na, pumasok ako ng bahay at nadatnan ko si Daddy sa mesa habang may mga papel itong pinipirmahan.

Lumingon ito sa kinaroroonan namin, habang si Grego ay nasa likod ko lang. Nginitian ko si Daddy saka ako lumapit dito.

"Hello, Dad. Your gwapong son si baaacck!" magiliw kong bati dito.

Paglapit ko dito bigla na lamang nito piningot ang tenga ka.

"Awww... Awww" naluluha kong sabi sa sakit. Langya naman si Daddy, pipingutin na nga lang sa ilong pa, pang-tenga lang ang pingot, a.

"Nakulong ka na naman!" sigaw nito sa akin matapos bitawan ang matangos kong ilong.

"Dad naman, e. Huwag ka na magalit." Pabebe kong sabi dito habang himas-himas ang nasaktan kong ilong.

"Anong 'wag magalit? Araw-araw nalang lagi mo akong pinag-aalala sa mga kalokohan mo!" sigaw nitong muli na ikina-awww ng puso. Awww si Daddy talaga, o.

Uy, Di Ako Bottom!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon