Chapter 1
Gwapo ka, pero kulong ka.******
"Uy, mga parekoy!" nakangiti kong bati sa kanila. Umupo ako sa isang bangko na katabi ni kuyang panot, hindi ko na tanda iyong pangalan niya, halos isang linggo na rin kasi ang nakakalipas mula nang huli naming pagkikita.
"Nagbalik ka, parekoy." Aniya ng isa sa mga pinaka-maliit sa kanilang lahat na nandidito.
"Oo nga, e. Baka na-miss ni chief 'yong kagwapuhan ko kaya binalik niya ako dito." Sabay tawa ko na sinabayan naman nila.
"Noong huli kang nandito dahil sinunog mo 'yong kotse ni Mayor, ano namang kaso mo ngayon?" nakangiting tanong ng isang mahilig maghubad ng damit.
Nakatingin silang lahat sa akin at wari'y hinihintay ang magiging sagot ko.
Napangiti ako dahil alam kung naga-gwapuhan sila sa akin, pero dahil sa tunay nga naman akong gwapo, sinagot ko naman sila.
"Nasira 'yong retokadong mukha ng anak ni mayor nang makipagsuntukan siya sa akin. Tangina mga parekoy! Ang unfair, nakulong ako ulit dahil doon, eh dati nang sira mukha non." Nagsitawanan kaming lahat sa loob ng kulungang iyon.
Hindi ko naman na-miss ang mga dati kong nakasama sa kulungang ito dahil alam kong babalik ako ulit dito. Ang totoo nga, sa hindi na mabilang kung ilang beses akong nakulong dahil sa mga kalokohan ko, heto at muli akong nakakulong.
Bakit nga ba ako nakakulong? Kakasabi ko lang mga vaklang twooo! Pero sige, ike-kwento ko pa rin.
*****
Ilang minuto nalang at mahuhuli na ako sa klase, ngunit ganon pa man, mabagal pa rin ang aking bawat pag hakbang. Mga gago alam kong gawain ninyo rin itong gawain ko. Magpapahuli kuno kayo sa klase, para center of attention kapag na-late, at dahil diyan, alam kong maglalaway na naman ang lahat sa kagwapuhan ko. Watch me and nae nae...
"Good morning, Sen." Pang-pipti na babaeng bumati sa akin. Kinindatan ko siya, at sa hindi inaasahang pagkakataon nahimatay ang babae sa kilig. Napangisi ako, at hindi naman magkanda-ugaga ang mga kaibigan nitong gisingin siya sa isang magandang panaginip.
"Bes, 'wag malandi..... Gumising ka d'yan." dinig ko pang wika ng kaibigan niyang bakla.
Bahala sila, basta inosente ako. Gwapo Oo, pero inosente po talaga ako.
Napahinto ang bawat pagtanaw at pagnakaw nang tingin sa akin, at alam kong pati ang mga pokpok na langgam sa gilid ng mga halamanan, at mga butiking nasa kisame ay napahinto rin nang mapahinto ako sa paglalakad ng isang babae ang humarang sa akin. Nakayuko ito at nakatungo ang dalawang kamay sa harapan ko habang abot-abot ang isang pulang box.
Futa, anong akala ni ate, nasa anime movie kami?
"Anong drama 'yan ate?" nagtataka kong tanong dito.
Namumula ang kaniyang mukhang tumingin sa akin sabay sabing, "Gift ko po sa'yo, sana tanggapin ninyo."
Trivia mga parekoy. Ipinanganak akong gwapo, pero lingid sa kaalaman ninyo at lingid sa kaalaman ng mga tv newscaster at ng Wikipedia, na ipinanganak din akong mabait.
Kinuha ko ang box at saka siya nginitian.
"Salamat," sabi ko sa kaniya saka siya nginitian.
BINABASA MO ANG
Uy, Di Ako Bottom!
HumorSa hindi inaasahang pagkakataon, ngunit inaasahan ni Author, nakulong si Jensen sa kadahilanang muntik na itong makapatay ng tao ng isang araw ay makipag bugbugan ito sa mayabang niyang klasmeyt. at dahil sa pangyayaring iyon, na-triggered ang Ama n...