Prologue

314 221 141
                                    

“Shin! Ano ba?! Itigil mo na yan!” Sigaw ng kaibigan ni Shin na si Sierra

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

“Shin! Ano ba?! Itigil mo na yan!” Sigaw ng kaibigan ni Shin na si Sierra. Kagaya ng dati, Pinipigilan na naman nila si Shin sa pakiki-pag away.

“Bitawan mo ako, Angelo!” Mahinahon ngunit mariin niyang sabi sa isa pang kaibigan, habang nanlilisik paring nakatingin sa mga kaaway.

“Huminahon ka Shin! Pinapangunahan mo na naman yang galit mo!” Yan ang problema nila kay Shin, Palagi niyang pinapangunahan ang galit niya kaya lagi siyang nasasangkot sa gulo.

“ANO BA?! SUMOSOBRA NA ANG BIBIG NG SPOILED BRAT NA YAN! TAPOS INAASAHAN MO PA AKONG KUMALMA?!” Sigaw pabalik ni Shin habang nakaturo sa mga babaeng nakasuot ng makapal na makeup

“Excuse me?! What did you just say?” Galit na tanong ng babaeng nasa gitna at humakbang patungo sa direksyon ni Shin at agad na hinila ang buhok nito, Isang malutong na sampal ang iginanti ni Shin nang makawala ito sa pagkakasabunot ng babae.

Kumunot ang noo niya dahil sa ginawa niyang pag sampal

“What am I doing? Slaps are for amateurs.” Ngumisi siya at inambahan ng suntok sa mukha ang babae.

Napailing nalang ang mga kaibigan niya at napagpasyahan nang umalis dahil alam nilang si Shin naman ang mananalo dahil hindi ito nagpapaawat.

“Ma'am Melanie! Naku!” Awat ng isang matandang lalaki, na baling dun ang atensyon ng lahat. Mukhang nairita si Melanie dahil sa pag tawag sakanya.

“What?!” Pikon na hiyaw ng babae kahit nanghihingalo na sa sakit.

“Pinapatawag po kayo ng Daddy niyo” Sabi ng matanda, nginisihan lang ni Shivani si Melanie nung nag lakad ito papaalis.

“Tsk, Daddy's girl.” Napailing si Shin habang hinay hinay na binagsak ang pwet niya sa sahig para makaupo.

“Ano ba yan! Dami kong gasgas dahil dun sa babaeng yun. Malalagot nanaman ako kay Tita nito.” Agad niyang reklamo, at pinagpag ang damit.

“Who are you talking to?” A manly voice asked, luminga-linga siya sa paligid ngunit wala na ang kanyang mga kaibigan. Umalis na rin yung mga nanonood kanina. Natahimik siya nang mapagtantong siya nalang at ang lalaking nasa harapan niya ang nandito.

“Pake mo ba? Ba't ka nandito?” Sunod sunod niyang tanong, napaangat siya ng tingin sa lalaki dahil wala naman itong ginawa kundi ang titigan siya.

“You have a lot of bruises. Go home and treat them.” Inabot niya kay Shivani ang isang band aid bago naglakad palayo.

[UNDER EDITING] That Smile Spells Trouble Where stories live. Discover now