"What the hell, Cris! Even a f*cking child can solve this simple math, I said to just calculate it. Then done! What's so hard about it- Ugrh, pass the phone to my secretary," Nagising ako sa boses ni Cole, at kumunot ang noo ko dahil ang aga-aga pa mainit nanaman ang ulo.
"Hello? Ah, Yes. This should be your work, not mine! What's the use of you being my secretary? I just leaved for one day and this happened? Don't tell me you also forgot to message the engineers and architects to cancel the meeting?. . . You know what, I'll deal with you later." Mahinang sambit ni Cole kahit na nag-iinit na ang ulo at pinatay ang tawag.
"Bullshits!" Frustrated niyang sigaw habang inihagis ang phone niya sa table at umupo sa tabi ko habang minamasahe ang temples niya. Tiningnan ko siya ng malapitan, Mukha siyang stress na stress at parang anumang oras ay sasabog na ang mga ugat niya sa ulo.
Tumayo ako at marahang minasahe ang mga balikat niya para pakalmahin siya.
"What are you doing?" Naguguluhang tanong niya ngunit sarap na sarap pa rin sa masahe ko. Effective talaga 'to kahit kailan! Ganito din kasi ang ginagawa ko kay Tita kapag pinapagalitan niya ako kung nakipag-away nanaman ako.
"Masyado ka kasing stressed eh, kalma lang!" Natatawa ako habang patuloy na minamasahe siya, humarap siya sa akin gamit ang masaya niyang mukha.
Oh no!
Ano nanaman ang naiisip nito? Wag mong sabihin na gagawin mo'kong masahista, at magpapatayo ka ng sarili mong massage parlor?
"Ikaw nalang kaya pumalit sa secretary ko? I'm planning to replace her because she's not doing her job well. I am not satisfied. It's a pity that I have to pay her if she doesn't do her job well." Tanong niya, hindi man lang nagdududa kung ano ang magiging epekto nito sa kanyang sekretarya.
"Nahihibang ka na ba? Baka kailangan niya talaga ang trabahong iyon kaya bakit mo siya pinaplanong tanggalin?" Pabalik kong tanong, nginisihan niya lang ako at nilapitan. Sobrang lapit ng mga mukha namin, isang lapit niya nalang ay magkakahalikan na kami. Gagong 'to, Nakasanayan na niya itong gawin sa akin. Medyo nasanay na rin naman ako kaya hindi na ako naiilang ng konti.
"If she really need it, she would work hard for it. But she did not, so she lost it. Do I make sense, love?" Tanong niya habang hindi pa rin napapawi ang ngisi sa labi niya. Kinagat ko ang loob ng pisngi ko para hindi mahalatang nailang ako dun sa pag tawag niya. Palibhasa kasi alam niya na kahinaan ko ang matawag na ganoon.
"N-Nagugutom na ako..." Pag-iiba ko ng usapan nang marinig ko ang kalam ng tiyan ko. Mahina naman siyang tumawa at tumango bago tumayo at ini-abot ang kamay niya sa 'kin.
"It's already 8, I'm pretty sure they had breakfast already. Let's eat outside?" Tanong niya pagkatapos niyang silipin ang relo niya. Tumango nalang ako dahil nagugutom na talaga ako. Baka mamaya kainin ko na si Cole- ANO?!
Jusme, gutom lang 'to Shin.
Lumapit siya sa 'kin at ginulo ang buhok ko kaya tinitigan ko siya kasabay ang nanlilisik kong at inayos 'yong buhok ko. Ang hirap kaya mag-ayos ng buhok 'no! Tsaka pag nag sala-salabid 'tong buhok ko malaking problema yun.
"Go take a bath, piggy. Lalabas ka bang ganyan lang?" Tanong niya. Nakakainis 'tong lalaking 'to, noong una Shorty tas ngayon naman piggy. Paano ako naging piggy? Di naman ako mataba. Tsaka pa'no ako naging Shorty, eh mas matangkad pa nga ako kesa kay Tita, Ate, Sierra at Angelo!
"Syempre hindi!" Diretsong sagot ko at pumasok sa banyo niya. May damit, pants and panty naman ako na gagamitin ngayon kasi nag insist naman si Kamila kagabi na papahiramin niya ako ng damit at may hindi pa raw siya gamit na panty.
YOU ARE READING
[UNDER EDITING] That Smile Spells Trouble
RomanceDestined series #3 Shivani Verena is living her simple life with her Aunt and Cousin but always finds herself in trouble. Kaedan Cole Saffron is a Workaholic CEO but is also a fun person to hang out with. They're in different shells, But they manag...