09

16 16 21
                                    

"'Yo, Bro!" Masayang pag babati ni Kio sa lalaking kaka-pasok lamang

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"'Yo, Bro!" Masayang pag babati ni Kio sa lalaking kaka-pasok lamang. Agad namang nag salubong ang kilay niya nang niyakap siya ni Kio.

"Shove off, Kio. I can't breathe," Aniya at ginalaw ang balikat niya para matanggal ang pag kakayakap ni Kio. Naku, suplado din! Baka kapatid 'to ni Cole.

"Apo, mabuti naman at nandito ka na. Halika dito at maupo ka," Pag-aaya ni Tatay Alfred. Ngumiti naman yung lalaking kakapasok lang at umupo sa gilid ng upuan ni Kio. Dun nalang kasi ang may space.

Nilibot niya ang mata niya sa amin na para bang isa siyang scanner. Agad na nag tama ang mga tingin namin at kumunot naman ang noo niya.

"Who is she?” Tanong niya habang 'di pa rin umiiwas ng tingin.

Staring contest ba gusto mo?

"My girl," Sagot ni Cole habang nakatingin sa kanya gamit ang walang emosyon niyang mga mata.

Narinig ko ang mahina na pag ubo ni Kio at kinausap ulit siya. Tumingin naman sa 'kin si Cole at ngumisi.

"Bro, 'di ba this is your favorite? I heard Nanay Belinda cooked this especially for you," Rinig kong sabi ni Kio at inabot sa kanya yung Caldereta.

Maraming naging pagu-usap sila Kamila at Kio kanila Nanay at Tatay, habang kami naman nila Cole ay tahimik lang na kumakain hanggang sa natapos kami.

Ugh, nabusog ako dun ah! Ang sarap talaga mag luto ni Nanay Belinda.

"Let's go?" Rinig kong tanong ni Cole, tumayo naman ako at nginitian siya.

'Pwede bang magpahangin muna ako? Nabusog ako ng sobra eh," Sagot ko habang naka-pout pa rin at nakahawak sa tiyan ko. Sa tingin ko ay sasabog na ang tyan ko maya't maya dahil sa sobrang kabusugan.

"Cute ninyong mag-kasintahan. Bagay kayo sa isa't isa. Naalala ko nung ako ay isang binata pa lamang, ganyan na ganyan kami nitong asawa ko,” Bulaslas ni Lolo, habang inadjust ang salamin niya at tumawa ng mahina. Gusto ko sanang ngumiwi kaso ngiti ang lumabas sa labi ko.

"Talaga po?" Interesadong tanong ko at akmang uupo, nag babakasakaling may iku-kwento pa si Lolo ngunit hinila na ako ni Cole papunta sa likuran niya. Tumango nalang si Tatay at tumawa ulit.

"That's the way to our balcony. I'll be right back. Tinatawag ako ng kalikasan," Turo niya sa isang malaki at malawak na pinto at tumalikod bago pa man lumabas ang mga salita sa bibig ko.

Sigurado ba siyang iyon ang pinto sa Balkonahe nila, at hindi ang entrance door?

Habang nag dadalawang isip akong pumasok do'n, narinig ko ang tawa ng isang lalaki, "Dummy, he's serious. That's the door to the balcony." Tinignan ko kung saan nanggaling yung boses, nakita ko yung lalaki na ang paboritong ulam ay kaldereta.

Binigyan ko siya ng isang nakapapawing ngiti bago naglakad papunta sa pinto

Nang makalabas ako ay hindi ko mapigilang 'di mamangha. Makikita ang magandang tanawin dito, may pool din pala sila sa labas, kitang kita din ang fountain na nadaanan namin kanina.

[UNDER EDITING] That Smile Spells Trouble Where stories live. Discover now