08

13 15 10
                                    

"Ang galing mo, Ma'am

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Ang galing mo, Ma'am.'no?"

"Huh? Bakit?" Naguguluhang tanong ko sa kasambahay nila Cole. Nandito ako ngayon sa kusina nila kasi nagbi-bihis pa si Cole sa kwarto niya. Ayoko naman sumama dahil wala naman akong mapapala dun kun'di ang kahanginan niya.

"Kasi napa-amo mo po si Sir Cole, Alam mo bang hindi yan basta-bastang pumupunta dito? Pumupunta lang yan dito kung may problema siya tungkol sa mga magulang niya," Aniya, tumawa ako bago tumango.

"Ganon ba?"

"Opo! Tapos magiliw siya pagdating sa iyo. Sa tingin ko mga rin po ay walang pakialam si Sir Cole sa mga tao, Kahit umiyak ka pa ng dugo, wala talaga siyang pake. Kilala rin si Sir Cole bilang sarkastiko at cold na tao pero kanina pa namin napansin na habang nag-uusap kayo bakas sa mga mata niya ang sinseridad at saya," Kinagat ko ang loob ng pisngi ko para pigilan ang sarili kong ngumiti na parang baliw.

Pakshet, anong nangyayari sakin? Ba't napangiti ako? Di puwede 'to! Itigil mo na 'to, Shin. Walang mananagot sa iyo kapag nahulog ka sa lalaking iyon. It's all just an act. . .

"Love! Sorry to keep you waiting," Nagulat ako nang marinig ko ang malambot at ang hinhin niyang boses.  Dapat siyang bigyan ng Oskar dahil sa pagiging mahusay na aktor. Walang hiya!

Natigilan ako sa ginawa niya nang dahan-dahan niyang ipinulupot ang mga braso niya sa bewang ko habang pinatong ang baba niya sa balikat ko.

"Do your job well," Bulong niya, agad naman akong bumalik sa wisyo at hinawakan ang kamay niyang nakapulupot parin sa bewang ko at dinama ang yakap niya.

I smiled to myself, pakiramdam ko ayoko nang bumitaw at manatiling ganito nalang magpakailan man.

"Sorry pero may nagtatrabaho po dito, Ma'am at Sir," Aniya ni Ateng' kausap ko kanina, tumawa naman ako at mahinang hinila si Cole papalabas kahit 'di ko kabisado ang daan papalabas sa mansyon na ito.

"May kwinento ba si Aling Lea sa'yo?" Taas kilay niyang tanong, pag katapos ko siyang bitawan.

"Huh? Ano namang iku-kwento niya sa 'kin?" Pilit tago ngiti kong tanong sa kanya. Hindi siya sumagot at tinitigan lang ako habang nakahalukipkip. Nagsalubong ang kilay niya na para bang hindi siya kuntento sa sagot ko.

Grabe naman 'to makatitig. Babalatan mo 'ko ng buhay, beh?

"You should go as an artist. You'll be a great actress," Napangiwi siya habang   humalukipkip ulit ng braso.

"Ikaw din," Sagot ko sabay kindat sa kanya at tumalikod na para hanapin si Lola.

"Hey! Where are you going, love?" Rinig kong sigaw niya, Huminto ako sa paglalakad at tinitigan siya ng masama.

"Love mo mata mo!" Sigaw ko pabalik at naglakad nanaman. Napahinto ako nang maalala kong hindi ko pala kabisado ang daan dito sa mansyon. Tumakbo ako pabalik kay Cole at hinila siya sa damit niya.

[UNDER EDITING] That Smile Spells Trouble Where stories live. Discover now