Shivani's Point Of View
"Oh? Kanina ka pa d'yan nakasimangot. May problema ba?" Tanong ni tita
"Meron," Bulong ko habang pinapatuloy ang pagpupunas ng lamesa.
"Ano yun?" halatang interesado malaman kung anong problema ko. Ito nanaman ang pagka-marites ni tita.
"May mga diyablo sa harap ko." Tinignan ko ng masama si Ate Rita at ang boyfriend niyang si Josh. Pwede naman dun sila mag landian sa bakuran, ba't sa harap ko pa talaga?
Hinampas ako ni Tita gamit ang pamaypay niyang gawa sa anahaw palm leaves.
"Ayan ka nanaman sa pagiging bitter mo, porket wala kang jowa eh," Aray ko naman. Sa'n ba nila nilagay yung duct tape dito? Ilalagay ko lang sa walang filter na bunganga nitong Tiya ko. Sumusobra na eh.
"Kailan mo ba balak magpaligaw, 'nak?" Tinignan ko sila Ate Rita. Ang sweet nila pero wala pa talaga sa Plano ko magka-boyfriend eh. Hussle lang yun sa buhay. Sa tingin ko ay hanggang paghanga lang ako.
"Bata pa naman po ako-"
"Anong bata?! Jusko eh labing siyam na taong gulang ka na!" Hindi naman big deal yun 'no! At tsaka ano naman kung wala pa akong boyfriend sa edad kong 'to? Mabubuhay naman ako kahit tumanda akong dalaga.
"Hindi ko naman kailangan ng lalaki sa buhay, Tita."
"Sus, Papaano yung pangarap ng mama mo?" Napatigil ako sa sinabi niya. Gustong gusto ni mama magka-apo pero hindi ko maibigay yun sakanya dahil simula nung niloko ako ng ex ko kinasusuklaman ko ang lahat ng mga lalaki.
"Tita, matagal nang patay si Mama." Masakit at labag sa loob kong sabihin na wala na siya. Sinasabi ko nalang sa sarili ko na kailangan ko iyong tanggapin dahil iyon ang katotohanan. Kahit wala na si Mama, Ang mahalaga nandito parin siya sa puso ko.
Namatay si Mama 1 year ago dahil sa sakit na leukemia. At dahil hindi ko nakilala ang ama ko simula nung ako'y isinilang, Dito ako napadpad kay Tita Marisa.
"Pasensya ka na anak ha. Alam kong sariwa pa ang memorya at sakit na nararamdaman mo pero hindi ko talaga mapigilan na hindi siya banggitin eh." Napangiti ako ng mapait. Wala nang mas sasakit pa nung nakita ko ang aking ina na naghihingalo sa aking harapan.
"Ayos lang, Tita. Natapos ko na po yung mga gawaing bahay ko. Aakyat po muna ako sa kwarto ko." Tumango siya kaya umakyat na'ko sa kwarto at dun ibinuhos ang aking emosyon.
Matagal na yun eh, Isang taon na ang nakalipas ngunit bakit ang sakit pa rin?
Pinunasan ko ang mga pumapatak kong luha at tinignan ang litrato naming dalawa ni Mama.
Nagf-flashback parin yung mga sinabi niya bago siya tuloy ang mamatay kaya mas tumulo ang luha ko.
"Anak ko, wag ka nang umiyak, please? Ayoko kong nakikita kang umiiyak" Pagpapakalma ng babaeng pinaka-mamahal ko sa'kin, ngunit ayaw talaga tumigil sa pagpatak ang aking mga luha.
YOU ARE READING
[UNDER EDITING] That Smile Spells Trouble
RomanceDestined series #3 Shivani Verena is living her simple life with her Aunt and Cousin but always finds herself in trouble. Kaedan Cole Saffron is a Workaholic CEO but is also a fun person to hang out with. They're in different shells, But they manag...