02

147 128 87
                                    

Maaraw ngayon, napaka-init! Bumaba ako sa taxi at huminga ng malalim. Unang araw ko ngayon sa trabaho kaya medyo kinakabahan ako. tinignan ko ang mga malalaking gusali na nasa harap ko.

Ito na ata ang pinaka-malaking building dito sa City. "Saffron Incorporated," Binasa ko yung  nakalagay sa building.

Tinignan ko ang mga dumadaan na mga sasakyan, at napa-isip.

Napaka-hussle siguro ng buhay dito sa City.

Mukhang payapa naman. malinis ang paligid, maganda ang tanawin, ngunit maingay dahil sa mga kotse at motor na dumadaan. Hindi ka tulad sa mga probinsya na sariwa ang hangin, may maganda ding tanawin, at walang ingay ng sasakyan, kun'di ingay lang ng mga hayop ang maririnig mo doon. Pero kapag gusto mo ng 'City girl' life, ede, dito ka tumira sa City. Wala namang problema, malapit ang mall, ang hospital at kung ano-ano pa.

"Hija! Ikaw ba yung bago naming trabahador?" Napatingin ako sa likod ko nang may nakita akong di matandang babae na papalapit sa 'akin. Siguro ay nasa fifties or sixties ang edad niya

“Ahh, opo.” Sagot ko at inabot ang biodata ko, ngumiti naman siya at sinenyasan akong sumunod sakanya.

Pumasok kami sa isang maliit na karinderya na nasa harap lang nitong malaking building, Napansin ko na walang masyadong langaw dito hindi kagaya sa ibang karinderya. malinis din ang paligid pati ang kusina noong ipinakita ito sakin, de aircon pa ah!

Ewan ko ba, pati ba naman 'to napapansin ko pa. Siguro dahil madali akong ma-distract.

"Shin, Tama ba?" Tanong niya habang sinuri ulit ang biodata ko. tumango naman ako at hindi na umimik pa, at seryosong sinusuri ang paligid.

"Ah, Shin. Ako mga pala si Belinda. Ang taga-luto dito sa karenderyang ito," Inilahad niya ang palad niya, at agad ko naman yon tinanggap. "Pero tawagin mo nalang akong Nanay Belinda, Nanay o 'nay," Dugtong niya kaya tumango nalang ako.

“Isang order nga po ng adobo tsaka kanin.” Isang boses galing doon sa counter, tinignan ako ni Nanay Belinda, at nginitian.

“Maari mo nang umpisahan ang iyong trabaho,” Sabi niya, at pumunta don sa lalaki para i-assist ito.

Napaka formal naman nitong si Nanay mag tagalog.

Tinapik ko ang sarili ko, at pinunasan ang mga lamesang kakatapos lang pag kainan ng mga tao.

Hindi ko nga rin alam kung bakit bigla akong nag trabaho dito sa karinderya. eh, may pera naman si Mama na iniwan sa 'kin, sapat na sa pangtustos ko para sa kolehiyo, at willing namang gumastos si Tita para sa 'kin. Pero I guess, mas iba yung feeling na sariling pera mo yung ginamit mo kapag gumagastos ka.

Na-bored lang din siguro ako sa bahay lalo na't bakasyon namin kaya ko napag desisyonan mag trabaho. Wala naman kasi akong ginagawa dun sa bahay.

Weird nga eh, minsan hindi ko na rin maintindihan ang mga pinag-gagawa ko dahil sa mga biglaan kong desisyon.

"Ah Shin, Pwede bang ikaw muna dito mag bantay? May aasikasuhin lang ako sa kusina," Lumingon ako nang tawagin ako ni Nanay Belinda.

"Sige po, papunta na po ako!" Mahinang sigaw ko. Pumunta ako sa counter at kinuha iyong pangtaboy sa langaw, sa sobrang lakas ng pag wagayway ko nahulog ito kaya agad akong yumuko para kunin ito.

"'Nay, pabili nga po ng nilag-" napatigil siya sa gulat at ganun din ako

"Mr. Band aid?!"

"Shorty?!"

Agad kong hinampas sa kanya yung pangtaboy ng langaw.

"Grabe ang laki naman ng langaw na 'to. Cho, Cho!" Pag tataboy ko kay Mr. Band aid. Ayoko ko ng makita ang pagmumukha niya matapos niyang makuha ang first kiss ko!

[UNDER EDITING] That Smile Spells Trouble Where stories live. Discover now