04

161 131 94
                                    

Ramdam na ramdam ko ang tinginan ng mga tao dito, hinila nanaman kasi ako ni Cole dito sa Saffron Incorporated

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ramdam na ramdam ko ang tinginan ng mga tao dito, hinila nanaman kasi ako ni Cole dito sa Saffron Incorporated. Ano bang gagawin namin dito?

"Hoy, bakit mo'ko dinala dito?" Bulong ko pero hindi niya ako pinansin at patuloy pa rin ang pagkaladkad sa akin.

"Nasasaktan na ako, pwede bang palakarin mo nalang ako mag-isa?" Reklamo ko. Sa wakas bumitaw din 'tong lintik na 'to.

Mahina kong minasahe ang kamay ko kung saan niya ako hinawakan. Gawa ba sa bakal yang kamay niya? Ang bigat eh.

Napansin kong pumasok kami sa isang opisina. Maraming libro ang nasa paligid. May napansin din akong pangalan na naka-engrave sa black desk name.

Kaedan Jamaico Saffron
Chief executive officer
(CEO)

Nakita kong umupo si Cole sa upuan na para bang feel at home siya kaya agad ko siyang sinita.

"Hoy, tumayo ka nga d'yan. Baka mamaya dumating yung CEO at makita yang posisyon mo!" Pagpapanic ko ngunit nginisihan niya lang ako.

"You're already talking to the CEO." Sabi niya kaya agad akong napakunot ng noo.

"Pinag-sasabi mo d'yan? Diba ikaw yung boss ng mga construction workers?" Nagtatakang tanong ko

"Construction workers? Ah, you mean the guys I'm with when I'm eating in Nanay Belinda's eatery? They're called engineers, Shin. Not construction workers." Napatango nalang ako sa sinabi niya, nagbi-biro lang naman kasi ako!

"Excuse me, sir. These are the papers you requested." Bungad ng isang babae. Mukha siyang magara pero ang kapal lang ng pag kilay niya.

"Thank you, you may now leave." Sabi naman nitong si Cole. Teka. . . SIR?!

"Told you!" Pagmamayabang niya kasabay ang pag kindat. Naupo nalang ako dun sa sofa niya at kumuha ng isang librong tungkol sa Greek mythology.

Wala akong maintindihan kaya ibinalik ko ulit ito sa book shelf. Tumingin ako kay Cole para magpaalam na lalabas ako, pero mukhang busy ito. At mukhang ayaw din magpaabala

"Are you hungry?" Tanong niya habang nakatutok pa rin sa mga papeles.

"Medyo, kaya lalabas muna ako para bumili ng pagkain," Aniya ko.

"No need, the food will arrived any minute now." Sabi niya at nag patuloy sa kung ano mang ginagawa niya.

Ang boring naman dito. Parang gusto ko tuloy hamunin ng away yung secretary ni Cole.

Tatayo na sana ulit ako para mag-ikot nang may narinig kaming katok mula sa malaking pinto ng opisina nitong si Cole.

"Excuse me, sir. Here's the food you ordered" Sabi ng babae. Ngumiti si Cole kaya palihim na kinikilig ang babae.

Landi mo 'te, Pwe!

"Ang daming dyablo everywhere" Bulong ko, nakita kong lumingon ang dalawa sakin kaya umiwas ako ng tingin.

Wow, ano 'to? Ballpen?

"Did you say something, Miss Shin?" Tanong ng englisherong si Cole. Marunong ka naman mag tagalog ba't mo pa ako ini-english? Gusto mo ba ng suntok?

"Huh? Wala! Ang sabi ko, ang daming libro everywhere" Umiling nalang si Cole at ngumiti ulit sa babae.

Peke much! Ang sama sa 'kin pero ang bait pag sa ibang babae? Favoritism, Hmp!

Lumabas na ang babae kaya agad akong tumakbo papunta sa table ni Cole at umupo dun sa office chair niya nang umalis siya.

Nakita kong tumaas ang kilay niya pero hindi ko siya pinansin at kumuha ng isang slice ng Pizza. Hinablot ko din ang cellphone ko sa bulsa ko at tumingin kay Cole.

"What are you looking at? And get out of my chair." Masungit na aniya, at tiniklop ang Long sleeve niyang button down shirt.

"Pa-connect sa Wi-Fi niyo." Walang hiya kong sabi, gosh! Mas lalong tumaas ang kilay niya kaya napalunok ako sa walang oras.

Hindi mo naman yata ako kakainin ng buhay, diba?

Inabot niya ang phone ko at nagtype ng password ng wifi. Sinenyasan niya akong umalis, pero umiling ako at tinuro ang sopa.

Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili, at lumapit sa akin. Kinulong niya ako sa pagitan ng kanyang mga braso. Kaya naman pilit kong iniiwas ang labi at mata niya. Nakita ko ang kasiyahan sa kanyang mga mata nang malaman niyang hindi siya mabibigo na asarin ako. Dinala niya ang kanyang laptop at komportableng umupo sa sopa. Sinamaan ko siya ng tingin habang patuloy siya sa ginagawa niya.

"Hey, do you have a Facebook account?" Rinig kong tanong ni Mr. Band aid. Napatingin ako sa kanya, hindi na siya busy sa laptop pero sa mga libro nanaman.

"Wala." Sagot ko naman, kita kong napatingin siya sa 'kin na para bang hinuhusgahan ang pagkatao ko. Hala, inaano ka dyan?

"You're no fun."

"Fun ako sa suntukan, fun din ako ng k-drama" Sagot ko, nagulat naman ako nang bitawan niya ang libro at tumawa ng malakas

"Fun, as in saya! Hindi tagahanga." Itinapon ko sakanya yung libro, at mabilis naman niya iyong sinalo. Para bang takot na takot magasgasan 'tong librong 'to.

"Piste ka! Ba't kasi english ka ng english?!" Hindi naman yun required, bwesit na' to!

"Whatever, I actually wanted to tell you something." Sabi niya, nag patuloy parin ako sa panunuod ng video habang nakikinig sa kanya. Tanging pag tango at pag taas ng kilay lang ang sagot ko sa kanya. Nagulat nalang ako ng makita kong nasa kanya na ang cellphone ko.

"Seriously? Cartoons? You're old enough to watch these shows." Sabi niya at tumawa ulit. Eh kung suntukin kaya kita?

"Eh ano naman? At tsaka wag mo nga paki-alaman yang cellphone ko. Ano bang sasabihin mo?!"

"We're going to a party on Friday night."

"Eh ano namang kinalaman ko d'yan sa party na yan? Ikaw nalang pumunta. May trabaho pa ako sa karenderya 'no!" Sabi ko, ngunit parang nagalit ang Lolo niyo!

"You really want to work there again? After what happened to you? And I thought you agreed to our deal?"

"Oo, kas-- O' sige na nga! Basta hindi na ako sasama sa party, ha?"

"No, you agreed to our deal, so that means you're my girlfriend now. And my girlfriend is coming with me." Napangisi siya at bumalik ulit sa sopa para mag basa.

Teka, ano? GIRLFRIEND?!

Napasabunot ako sa buhok ko, gusto kong sumigaw dahil sa maraming dahilan, at isa sa dahilan dun ay kung bakit nga ulit ako pumayag sa deal niya?

[UNDER EDITING] That Smile Spells Trouble Where stories live. Discover now