03

148 130 94
                                    

"Oh, anyare sa'yo?" Tanong ni Ate Rita

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Oh, anyare sa'yo?" Tanong ni Ate Rita.

"Himala, hindi ko ata nakita ang
Josh-ng-buhay-mo ngayon?" Pabalik kong tanong

"Bumisita siya kanina, wala ka lang talaga dito sa bahay, at tsaka, narinig ko may nakaaway ka nanaman nung isang araw, alam na ba yun ni Mama?" Lumaki ang mata ko, sinong marites ang nagsumbong kay ate?!

"Ate, Alam mo ba ang ganda-ganda mo. Hindi na ako nagtataka kung bakit baliw na baliw parin si Kuya Josh sa 'yo" Maniwala ka please.

"Aba, dapat lang 'no! At sinong hindi mababaliw sa ganda kong 'to?" Sabi niya at nag posing pa na parang model ng make up. Mabuti nalang talaga at uto-uto siya.

"Oo nga eh, sinong tanga ang hindi?" Pambobola ko at pabirong tinignan ang cellphone ko. "Ay Ate, tumatawag si Nanay Belinda. Babye na" Sabi ko at agad na tumakbo sa kwarto. Hindi naman talaga si Nanay Belinda ang tumawag kundi wala ng iba, si Cole!

"Oh? Ang aga-aga nangiistorbo!" Bungad ko sa tawag niya

"Hapon na, at napag-isipan mo na ba yung about sa deal natin?"

"Wow! Ano 'to bato? Kelan pa 'ko nag dala ng ganto ka-gandang bato dito sa kwarto?" Sabi ko para iwasan ang tanong niya. Ang totoo niyan ay humingi siya ng tulong kahapon at...

"Tulong? Oh ede dun ka sa police station humingi. Mukha ba akong police, ha?!" Bulyaw ko sakanya

"I'm serious."

"Oo na, Pano ba kita matutulungan?"

"Pretend to be my girlfriend for a while" Nabitawan ko ang buko juice ko at tinignan siya kung nagbibiro ba siya or what?

"Grabe, pwede ka ng maging clown ang galing mo palang mag-patawa, Haha!" Sabi ko ngunit nanatiling seryoso ang mukha niya.

"I'm not joking, Shin," Sabi niya kaya napakamot nalang ako sa ulo at sumuko

"Anong makukuha ko d'yan sa pagpapanggap?" Tanong ko nginisihan niya lang ako

"I'll buy you a punching bag." Sabi niya at ngumiti ng pabiro

"Eh kung ikaw ang gawin kong punching bag?"

"I'm just kidding. Don't be violent, shorty. Violence is not the cure to your problems."

"Ooh, it is. Gusto mo ng sample?" Tanong ko at umiling nalang siya

"Ano bang gusto mo?"

"Pag-iisipan ko, mauuna na ako. Salamat nga pala sa libre!" Sigaw ko at kumaripas ng takbo.

"Okay, I see that you still didn't think about it. Just take your time." Rinig kong sabi niya mula sa kabilang linya kaya nagising ako sa katotohanan. Jusko pano ba 'to?

"Deal, pero pag natapos na ang deal, dun ko na sasabihin kung anong gusto ko" Wala sa sariling wika ko, at mabilis na pinatay ang tawag.

"Ang tanga tanga mo Shin! Ba't mo sinabi yun? Alam mo ba kung anong gulo ang pinasok mo, ha?!" Bulyaw ko sa sarili ko habang nakatingin sa sarili kong repleksyon sa salamin.

[UNDER EDITING] That Smile Spells Trouble Where stories live. Discover now