05

48 28 34
                                    

Wala na akong ibang marinig kun'di ang malakas at maingay na musikang pinapatugtog nila mula sa Sound System

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Wala na akong ibang marinig kun'di ang malakas at maingay na musikang pinapatugtog nila mula sa Sound System.

Dahil sa sobrang lakas, hindi ko na marinig kung anong sinasabi nitong si Cole.

"Ano?!" Tinaasan ko ang boses ko, sapat na para marinig niya.

"Ang sabi ko ba't ka nakatingin sa Dj? Type mo?" Aniya, kumunot ang noo ko sa sinabi niya, anong katarantaduhan nanaman ang pumapasok sa utak nitong lalaking 'to?

"Nag bibiro ka ba?" Gwapo yung Dj, pero lapitin ng mga babae, Such a big NO!

Mukha ding goodboy sa umaga, Playboy na Dj sa gabi. Tsk, tsk!

"Nevermind, let's go dance!" Naramdaman koang paghila niya sa akin, nagpumilit akong hindi sumama pero malakas talaga ang pwersa niya.

"Hindi ako marunong sumayaw, Cole!"

"Prove it to me then," Bulong niya habang nilagay ang mga kamay niya sa bewang ko. Na-hype ako sa music, at dahil na din sa pag-aya sa akin ng mga tao sa paligid. I gracefully swayed my hips to the beat as I vibe at the music. I laughed when I realised that Cole was still holding my waist.

"Such a good liar," Bulong niya ulit bago bumitaw, tinawanan ko nalang siya.

Hindi ko nga rin alam na marunong pala akong sumayaw eh.

Hinawakan ni Cole ang kamay ko at dinala na ako sa table. "Don't drink any alcohol here; their alcoholic beverages are strong. You'll get drunk easily, that's for sure." Sabi niya, at kinuha sa kamay ko yung glass. Inabutan niya nalang ako ng tubig at malokong ngumiti.

"Come on, pumunta tayo dito para mag-enjoy, diba?" Reklamo ko.

"I don't want to carry a half-dead woman in my car. It'll surely be a pain in the ass." I rolled my eyes at him at humalukipkip sa gilid.

Pinigilan kong hindi humikab pero nabigo ako, napatingin si Cole sa akin at mahinang tumawa.

"Your eyes look so puffy. Are you tired? Do you want me to take you home already?" Tanong niya, tumango nalang ako dahil nakakaramdam na din naman ako ng antok.

Hinatid niya'ko papunta sa sasakyan niya at siya na din ang nag bukas ng pinto, umupo na siya sa driver seat pero hindi ko nalang yun pinagtuonan ng pansin at sinandal ang ulo ko sa bintana para makapag-pahinga naman ako, wala akong maramdaman kun'di pagod at sakit sa katawan pati sa paa dahil sa heels ko.

Mamamaga nanaman siguro ang sakong ko nito, bakit ba kasi ako pinasuot ng heels nila tita at ate?

"Hey, put your seat belt on." Rinig kong sabi ni Cole. Ginawa ko naman iyong sinabi niya ngunit parang nalock or something ang seat belt dahil hindi ko ito mahatak.

Ramdam ko ang titig ni Cole, kaya sumuko ako at humingi ng tulong sa kanya.

Lumapit siya para abutin yung seat belt at ako naman itong naiilang sa sobrang lapit, pilit kong inatras ang ulo ko sa malambot na upuan. Nawala na yata yung antok ko, Feel na feel ko ang tensyon na namamagitan sa amin. My body felt more tense as he came closer and closer to me.

[UNDER EDITING] That Smile Spells Trouble Where stories live. Discover now