"Thank you. I really enjoyed spending the day with you," Sambit ko sabay tanggal ng seatbelt.
"No problem... Sigurado ka bang pupunta ka? P'wede ko naman silang sabihan na busy ka o kun'di naman hindi ka pa handa."
"Ede mas lalo na nila akong hindi magugustuhan. pupunta ako, wag kang mag-alala, sunduin mo nalang ako,” Tumango siya kaya bumaba na ako sa kanyang sasakyan.
Alas kwatro na ng umaga, siguro naman tulog pa sila tita, diba?
"See you tomorrow, Miss Shin," Aniya, kumaway pa siya bago pinaadar ang kotse.
Miss Shin, amputa! Ano ako, matanda? Tang-ina mo, Cole!
Bubuksan ko na sana ang pinto nang bumukas ito, tumambad sa akin si tita na mukhang lalabas din. Hinaplos ko ang dibdib ko sa gulat. Pakiramdam ko ay muntikan nang mahulog ang puso ko sa loob ng isang minuto.
"Tita naman eh!"
"Anong nangyari sa party? Bakit ngayong umaga ka na umuwi? Nag-enjoy ka ba?" Sunod-sunod niyang tanong habang sinusuri ako.
"Okay lang naman po yung party, bumalik ako kagabi pero lumabas din po ako at tumambay sa Park. Tingnan mo po oh, naka-pajama pa ako," Sagot ko at umupo sa sala.
Ang sakit ng paa ko. Shit!
"O'siya, matulog ka na muna, mukhang sasabog na yang eyebags mo oh," Tinuro niya ang mata ko, nagsalubong ang kilay ko habang gulat na gulat na nakatingin sa kanya
"Grabe ka naman, Tita!" Maririnig sa boses ko ang pagka-offend. Grabe naman kasi maka-judge 'tong si Tita. Halatang walang filter ang bunganga.
"Totoo naman, aalis muna ako at ako'y mamamalengke pa" Kinuha niya yung ecobag niya at lumabas, dumiretso ako sa kama at niyakap yung isa kong unan.
Agad akong nakaramdam ng antok kaya komportable akong humiga sa aking kama.
"Shin!" Isang malakas na salpok sa pinto ko ang narinig ko kaya agad akong napatayo sa kinahihigaan ko
"May sunog?! Lumabas na tayo!" Tanong ko habang nagp-panic at akmang lalabas ng pigilan ako ni Ate Rita.
"Kumalma ka nga, walang sunog. ano kasi... May date kami ni Josh ngayon at tatanungin lang sana kita kung alin ang mas bagay, ito bang Pula o Asul?" Tanong niya habang pinakita sa akin ang dalawang bestida.
Tinignan ko siya ng masama, gusto ko siyang murahin, gusto kong mag wala.
Ito lang pala eh, ba't ganun siya maka-tawag?! Isturbo sa tulog, bwesit!"Wala!" Pikon na sigaw ko at padabog na bumalik sa kama. Nakita ko ang gulat sa mga mata niya dahil mukhang hindi niya inaasahan ang pag sigaw ko. Napakagat ako sa labi at tumayo sa kama, nag-guilty ako sa ginawa kong pag sigaw.
"The red one will look good on you." Sabi ko at nilagpasan siya para pumunta sa cr at maghilamos.
Tanghaling-tapat na pala ngunit parang kulang pa rin ang tulog ko. Lumabas ako ng bahay para magpahangin pero mukhang mali ang desisyon ko. Sila yung mga marites na nag sumbong kay Ate, ah! Kumaripas ako ng takbo sa likod ng mga palumpong, baka kasi kausapin nanaman nila ako, wala pa namang katapusan ang mga tanong nila.
YOU ARE READING
[UNDER EDITING] That Smile Spells Trouble
RomanceDestined series #3 Shivani Verena is living her simple life with her Aunt and Cousin but always finds herself in trouble. Kaedan Cole Saffron is a Workaholic CEO but is also a fun person to hang out with. They're in different shells, But they manag...